Chapter 11

55 3 0
                                    


Keint

  “You guys know that?! At hindi niyo manlang sinabi sa akin?” naiintindihan kong naiinis na si Zyair.

Nasa mansion na kami at hinahayaan lang namin na mailabas niya ang galit niya.


  “Calm down, Zyair.”

  "Paano?! Paano ako kakalma. I never did that thing. Yung mga ipinapakalat nila sa akin, hindi ko ginawa iyon!“ muling sambit nito at naupo nalang habang nakatakip sa mukha ang kamay niya.




  “We can sue them, Zing. Kung sino man ang walang hiyang nagpapakalat no'n”  si Wren



“e kaso, It is Mr. Echavez, the CEO of Lovein Company. Yung tatay ni Lily Echavez. How can we sue him?“ tanong ni Vester


  
  Naupo nalang ako sa sofa katabi ni Jam na tahimik lang rin sa pwesto. Lahat magulo na, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa amin?



Binuksan ko naman ang social media accounts ko at halos may mga nababasa pang masasamang tweets about sa amin. May mga fans din na nagkukusa nang umalis dahil lang sa walang kwentang balita na kumakalat. Puta sana okay lang sila.






  “Rest your mind, Zyair. Don't do anything. Huwag na muna kayo mag tweets. Hayaan niyong lumamig ang balita“ sambit ni Wren



  “-inang balita kasi 'yan. Hinaharass amputa. Anong kalokohan naman' yon.“ naiiritang sabi ko.



Magdamag lang kaming tahimik sa loob ng bahay. Walang maayos na usap at alam kong lahat nagpapalamig pa





Kinabukasan ay mas umayos na rin ang atmosphere dahil sa kalokohan ni Vester na nagbibitaw ng iba't ibang jokes na tinatawanan naman nila Pinuno, Jam at Zyair. Natutuwa nalang rin ako at medyo umaayos ayos na ng konti ang pangyayari. Nakakatulong rin na mag inactive panandali sa social media.



  Binuksan ko naman ang tv at napansin pa si Ave na kasama si River sa showtime. Mukhang magpo-promote sila nung bagong movie nila na ipapalabas na sa mga sinehan. Ang dami nilang proyekto na nalalaman ko rin naman agad dahil ibinabalita sa akin ni Ave. Nakakatuwa lang ang pangyayaring nagustuhan ko siya noon ;) sino bang hindi magugustuhan ang isang 'yon. Pero ayoko naman na kasi mas gusto kong sumaya si Buzing




  “Keint“ napatingin ako sa katabi ko at nakita si Jam. Nakangiti lang ito sa akin


  “Bakit parang ayos lang sa'yo lahat?” tanong nito



“anong ayos?”


  “hindi kasi kita nakikita na parang problemado. Hindi katulad ko na natatakot na sa mangyayari” sambit niya


  “Kilala mo si Zyair diba?”



  “oo naman, “



   “Kung kilala mo siya. Alam mo na agad na hindi niya gagawin ang binibintang sa kanya. Alam kong challenges lang ito sa atin. Sobrang dami na nating saya na naranasan. Sa buhay naman hindi pwedeng hindi ka dumaan sa iba't ibang klaseng challenges, eh. Kung magpapa-apekto ka, mas matatalo ka.” usal ko lang, may tumapik naman sa balikat ko at nakita si Zing na nakangiti sa akin ng malaki


  “Yan din yung iniisip ko,” sambit niya. Halos mawala na ang mata sa pagkaka-ngiti



  “Kahit anong mangyari walang maiiwan, ha? I mean.. sabay sabay tayong aangat kahit may humahatak paibaba” sambit ni Jam. Natawa naman ako at maya maya lang ay lumapit na rin samin sila Pinuno at Vester at sama sama kaming nag-yakapan. Hindi ko man matiis ang bagay na kagaya ng yakapan na 'to. Ire-reward ko nalang rin sa kanila na nakipagyakapan ako.



Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now