Chapter 21

62 5 0
                                    

  “Baby, after natin bumisita kala Lily. Didiretso na kami sa taping ng TWBA, ha" sambit ni Zyair sa akin.

Pupunta kasi kami ngayon kala Lily para na rin dumalaw sa daddy nito na naglu-luksa pa rin hanggang ngayon,

  Pagdating namin sa village ni Lily ay agad kaming sinalubong ng daddy nito, medyo nahihiya pa siyang makitungo samin at naiintindihan ko naman 'yon.


   Nakipag usap lang saglit ang Bien Parecido kay Mr. Echavez kaya ako na mismo ang lumapit sa vase na naglalaman ng abo ni Lily.

  “Hi Lily! Gusto kong sabihin sa'yo na umaayos na ang lahat. Konting konti nalang maayos na talaga. Salamat kasi ang laki ng naitulong mo para malinis ang pangalan ni Zyair at alam kong sobrang laki rin ng mga bagay na isinakripisyo mo. Magpahinga kana, palagi ka pa ring nasa puso at isip namin. Thank you for the memories Lily, I will treasure all of the memories na napagdaanan natin, good man or bad 'yon." sambit ko, lumakad na ako paupo at napansin ang isang butterfly na dumapo mula sa balikat ko, agad akong napangiti at hinayaan itong dumapo ng ilang segundo bago lumipad patungo naman sa tabi ng Bien Parecido.

  “Thank you po Mr. Echavez, mauuna na kami" paalam ng Bien Parecidos. Nahinto si Zyair sa isang tabi at tinitigan ang malaking frame ni Lily, “Thank you so much, Lils. I loved you"  halatang halata sa bibig nito kung paano niya sabihin ang linyang iyon. Hindi ako nakaramdam ng selos, saya ang tanging naramdaman ko.


  Nang makasakay na kami sa van, isinandal sandali ni Zyair ang ulo nito sa akin, “sa bahay ka lang, ha!"

Tinapik ko naman ang balikat niya, nang makarating kami sa mansion ay dumiretso na ako papasok. Nagpaalam na rin ako sa kanila dahil didiretso na sila sa taping ng TWBA

  Akala ko nga ay mananatili lang ako sa bahay pero napansin ko ang isang tawag na galing sa isang unknown number



   "Hello"

  [Ave..]


Boses ni Alina ang nasa linya.


  "Alina, Bakit napatawag ka?"


  [Ave, please. Gusto ko pang ma-buhay. Gustong gusto ko pa. Please save me. Save me.]


  "Teka nasaan ka ba?"


  [Sa white building. Ave, pinilit ko lang tumawag sa'yo hangga't wala pa sila Jacob dito. Humingi ka ng tulong once na na-end 'to. Wag na wag kang pupunta dito nang ikaw lang]


  “Pero Ali. Mapapatagal pa kung hihingi ako ng tulong!"


[Averraine, mas ayokong mapahamak ka. Humingi ka ng tulong, plea—"




Biglang naputol ang tawag. Agad akong lumabas at pinilit tumawag ng pulis. Dumiretso ako sa white building at nagtatakbo sa loob. Hinanap ko sa bawat kwarto si Alina at natagpuan siyang puro galos at pasa ang mukha, agad ko siyang tinulungang makaalis sa pagkakatali at akmang hahatakin na sana siya paalis nang biglang humarang sa harap namin si Jacob na may baril na dala.


  Napaatras kami ni Alina hanggang sa tumama ang likod namin sa pader.



  “Hindi ka naman kasali dito, e. Pero sumasali ka!" sigaw nito sa akin, ngumiti pa ito bago itapat sa akin ang baril


  “Girlfriend ka nga pala ni Alleres kaya ayos lang din na idamay ka" sambit nito, napalunok ako at napa-diin ang kapit sa kamay ni Alina


  “Bakit ba? Ano bang ginawang kasalanan ni Zyair sa'yo?! Kulang pa ba 'yang mga ginawa mong paninira sa lahat at pag-patay kay Lily, ha?" sigaw ko, halos mag echo pa ang boses ko sa loob nung building. Pumuslit ang ngiti sa labi niya



Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now