Chapter 2

116 5 3
                                    

  "Ano ba! Nang aagaw ka ng pagkain ah!" naabutan kong nagbabangayan sa harap ng hapag-kainan sila Jam at Vester, parang mga bata!

  "HOY ZYAIR, KALA KO 'DI KA UUWI!" sabi ni Jam habang may kagat pang manok, dumiretso ako sakanila matapos i-hagis sa kahit saan ang regalong galing kay Lily, tinitigan ko sila isa-isa

"hindi dapat kayo tumatanggap ng ganyan," sambit ko, napatingin naman si Pinuno sakin at sinimangutan ako,

"NICE PIC DUDE" naagaw ang atensyon ko nang marinig si Keint, kakababa lang nito sa hagdan habang nakatingin sa cellphone niya

  "Hulaan ko! Picture nanaman ni Lily 'yan at Zyair" as usual, agad na hinarap ni Keint sa amin ang phone niya at nakita ko doon ang kaka-post lang na picture namin ni Lily, napataas ang kilay ko at 'di na sila pinansin pa

  "Happy Anniversary baby! Thank you sa pa-surprise kanina, sobrang mahal kita." binasa ni Vester ang caption ni Lily sa picture. Anong pinagsasabi non? Hindi ba't siya ang nag-surprise kanina? LT ampota.

"may pa-supraysh naman pala ang qpal" saad naman ni Jam, napatawa naman ako at itinuro mula sa lapag ang gift ni Lily sa'kin kanina, "Siya ang nag-surprise sakin, gago"

  Hindi ko alam kung bakit paulit ulit nalang na ganito ang pangyayari. Magpo-post si Lily ng kung anu-ano at yung mga kaibigan ko naman hindi ata nagsasawa na nagpapaliwanag ako at sinasabing pakana lang niya ang lahat. No feelings involved.

Maghapon lang kami nagkwentuhan ng mga kuya ko, sa rooftop. As usual hindi pa rin kami masyadong ayos ni Keint, napatingin ako sa gawi niya at nakitang may ka-tawagan ito, kung dati nakakapag-biruan pa kami, ngayon hindi na.

  "Maiba ako, Zyair. Ano ba talagang nangyari sa usapan niyo ni Lily bago tayo tumungo ng Korea kasama si Ave? Kasi diba ang ayos na ng lahat non." sambit ni Jam, lasing na ang isang 'to kaya nagbubukas na ng topic na iniiwasan naming mapag usapan. Ayoko lang pag-usapan dahil ayokong isipin na dumating ako sa puntong naging duwag ako. Nakakaputangina.

  "Jam!" si Pinuno, agad kong ininom ang soju sa harap ko at tumingin sa view na makikita sa rooftop. Ayokong pag-usapan, please.

   "Ang tagal naman na non, e! Hindi na masakit 'yan. Sabihin mo na kung bakit!" pangungulit ni Jam sakin, napadiin ang hawak ko sa bote at napatitig sa kanya, si Vester, Wren at Jam lang ang nandito sa harap ko, nasa malayo si Keint at 'di pa rin tapos sa pakikipag usap sa cellphone niya

"Jam, please" si Pinuno na ang nagbabawal kay Jam pero sadyang matigas ang ulo nito, naiintindihan kong curious lang siya sa nangyari, kung ba't nagkaganon lahat at 'di ko siya masisisi ngayon dahil nadadala lang siya ng kalasingan.

  "Okay lang" sambit ko, muli akong tumungga sa bote para magkaroon ng lakas na ilabas lahat ng dahilan ko

   "Nung time na nagpaiwan ako sa White Building kasama si Lily, isa lang ang tumatakbo sa utak ko, gusto ko na tigilan niya na si Ave. Ayoko na siyang mapunta sa kapahamakan dahil sa'kin. Kinausap ko si Lily nung mga oras na 'yon masinsinan. Dumating sa puntong nagmakaawa pa ako." kwento ko at muling tumungga sa boteng hawak ko.

"Sinabi ko sakanya na kahit ako nalang. Kasi si Ave 'yon, e. Ayokong mapahamak siya dahil lang sakin, ang petty ng reasons ni Lily kung bakit niya ginagawa 'yon pero inintindi ko nalang. Kailangan niya ako."

"putangina" napatingin ako sa gawi ni Keint, nakatalikod ito sa amin. Hindi ko alam kung para sa akin yung mura na 'yon pero lugod kong tinatanggap.

  "Kailangan ka ni Lily? without even knowing na mas kailangan ka ni Ave?" si Jam ang nagsalita, agad na napahawak si Vester sa balikat nito

  "Nag-promise si Lily sa akin na hinding hindi na dadapo ang kamay niya kay Ave. Hinding hindi na siya magsasayang ng oras na puntahan o ilagay sa kapahamakan si Ave, titigil na siya."

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now