Chapter 20

65 4 0
                                    

   “Ave, ready ka na?" tanong ni Zyair sa akin. Napag desisyunan kasi namin na gamitin ang ticket na binigay ni River sa akin upang mapanood ang movie ko. Sasama rin sila Pinuno, Vester, Jam at Keint pero sila na mismo ang bibili ng ticket nila.

  “Ave, ikaw na kaya manlibre samin" sambit ni Jam, kaya natawa nalang ako at tumango. Mukhang ayaw gumastos.


  "Sige ako na talaga" sambit ko. Kaya naghiyawan pa sila.

Sumakay na kami sa van at gulat nalang na maaninag ang napakadaming reporters na nag aabang sa gate ng village.

  “Lagi silang nandyan," si jam na ang nagsalita. Mukhang nakikita rin nila tuwing namamalengke.

  Napa-hinto naman kami nang may isang babaeng humarang sa dadaanan namin

  “Sir, makulit po talaga. Binubusinahan ko na, e" sabi nung driver.

  “bababa ako" sambit ni Zyair kaya napatingin kaming lahat sa kanya

  “Nasisiraan ka na?" tanong ni Keint tsaka tumingin sa mga tao na nag sisimula na rin magsipag-silip sa bintana naming tinted

  “Sasagutin ko lang yung mga itatanong nila sa akin para ma-klaro na rin ang lahat" bago pa kami mag react ay lumabas na si Zyair at siya na mismo ang nagsara ng Van. Gusto kong marinig ang itatanong sa kanya at ang isasagot niya.


  Medyo umayos na ang mga tao, kapansin pansin rin na nakangiti sila habang nakatingin kay Zyair. Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious sa mga isinagot niya. Maya-maya lang ay pumasok na ito sa van habang naka-ngiting tumabi sa akin


  “Anong mga tanong?" takang tanong ni Vester

  “Kung babalik na raw ba tayong Bien Parecidos, kung okay na raw ba ako. Mga tungkol sa akin lang after nung issue. Takot na takot nga ako sa mga tanong kasi kung sakaling nagpakita ako sa kanila nung nakaraan, baka batuhin ako ng mga tanong na hindi ko naman deserve" sambit niya at umakbay sa akin

  Ilang oras lang ay nakarating na kami sa mall. Mabuti nalang at tagong tago ang mga mukha nila kaya hindi masyadong kapansin pansin. Hawak kamay kaming naglalakad ni Zyair kaya maayos na ang pakiramdam ko

  Nauna kaming pumasok ng cinema at nag-hintay, 5 mins bago mag-simula at kinakabahan akong makita ang itsura ko sa malaking screen na 'to


  "Ave, thank you sa ticket!" masayang sabi ni Jam na kakarating lang at may dalang popcorn. Tumabi ito kay Keint na katabi si Vester na katabi si Pinuno.

  "May kissing scene ba?" tanong ng katabi ko. Hindi rin mapalagay, natatawa tuloy ako

  "Sobrang dami. Kada pagkikita namin ni River, meron" pang aasar ko kaya pumait naman ang itsura nito pero hindi naman binitawan ang kamay ko, nakangiti tuloy akong napatingin sa kamay naming magkahawak.

  Naalala ko yung sinabi niyang hindi niya na ako ulit bibitawan

  "Start na!" usal ni Vester kaya tumingin na kami sa screen

  Nag-start yung kwento nung panahong bata pa kami ni River hanggang lumaki. Mukhang ayaw kong manood sa screen, mas gusto kong panoorin ang reaction ni Zyair

  “Jerk" usal niya habang nakatingin sa screen. Nasa part na pala nung nahuli ko si River na may kayakapan na iba

  “Jerk" pang aasar naman ni Keint kay Zyair kaya nakatikim ng masamang tingin

"Di mo ba pansin lahat nung nangyayari, nangyari na rin sainyo ni Ave" natatawang sabi ni Keint kaya napatulala ito saglit at muling tumingin sa screen

Still you, my Averraine [SharTin - COMPLETED] Where stories live. Discover now