Chapter 24

3.1K 192 7
                                    

Jennifer

Kasalukuyan siyang nagmamaneho ngayon. Papunta siya kay Risen, sila pala since kasama niya si Meadow. Magpapasalamat muna siya kay Risen bago ibalik ang loka lokang ito kung saan man ito nanggaling. She didnt even have a car. Nagpahatid lang siguro ito sa kapatid nitong si Xedric. Who else would dropped this witch there?

Wala siyang imik ngayon at seryoso pa ring nakatingin sa daan. She didnt like what Meadow did back there. It was rude. Really rude pero hindi naman niya ito mapagsabihan. Una, hindi na ito bata. Pangalawa, alam niyang ganito na talaga ito kahit noong una pa but still that pisses her off. Nakakahiya talaga kay Miss Cerdonia kanina.

Pagdating kina Risen ay agad siyang bumaba ng kotse. Akala niya bababa din si Meadow pero hindi niya ito nahintay. Siguro ayaw nito. Well thats better. Mamaya ipahiya na naman siya nito. Nahihirapan na nga siyang magtimpi sa katarayan nito. Gusto niyang mapanatili ang pagiging good vibe niya sa trabaho and Meadow's a dark witch containing a dark aura. Hindi niya kailangan ang pagsusungit nito ngayon at baka tuloyan na siyang malasin na huwag naman sana.

Pinagbuksan siya ni Miss Reyes ng pintuan.

"Hello po, Miss Reyes!"

Natawa ito. Hindi talaga nagbago sa pagiging masayahin ang guro nilang ito, dati.

"Hi Jen, pasok ka." Aya nito sa kanya. Pumasok siya sa loob at sumunod kay Miss Reyes.

"Nandito si Rise, nagluluto ng meryenda."

She couldnt believe that Risen Fall will become a devoted, loving and faithful wife sa asawa nito. Wala kasi sa hitsura. Sobrang maloko simula sa pagkidnapped nito kay Miss Reyes noon. Sinong matinong tao ang gagawa non? None. Nag-iisa lang si Risen na ganun. She's unique and crazy.

Nakaupo si Ri'son at Jazmine at matiyagang naghihintay sa meryenda ng mga ito. Nakita niya si Risen na nakasuot ng apron habang hinahalo ang sauce ng ewan niyang niluluto nito.

"Risen nandito si Jen!" Si Miss Reyes. Mabilis na bumaling si Risen sa kanya pati na rin ang mga bata.

"Tita Zen!" Sigaw ni Ri'son sa kanya. Lumapit siya rito at ginulo ang buhok nito.

"Hey buddy! How are you?"

"I'm ok Tita Zen."

Binalingan niya si Jazmine at hindi napigilang halikan ang pisngi nitong matambok. Nakakagigil lang, ansarap sanang pisilin.

"Hey sweetie. Hows you?"

"Im fine Tita Zen." Naaaliw talaga siya sa accent ng dalawang ito. Risen's teaching her kids the french language.

"I just drop by to say thank you Risen."

Pinatay na nito ang stove. Siguro luto na. Hindi siya pwedeng kumain at baka naiinip na ang babaeng masungit sa loob ng kanyang sasakyan. Baka maisipan pa nitong sirain ang kanyang kotse. May saltik pa naman iyon. Malakas ang topak at walang pasensya.

"Walang anu man iyon, Jen. If you need any help kahit sino sa amin ng pinsan ko walang problema basta para sa inyo."

Lumapit siya rito at niyakap ito. "Still thank you." Niyakap rin siya nito. Saglit lang iyon at agad rin silang nagkalas ng yakap.

"Anytime Jen. Late snack?" Tanong nito sa kanya pero umiling siya rito. Binigay niya rito ang susi ng condo nito.

"Hindi na Rise. May trabaho pa ako."

"Puro ka nalang trabaho Jen. Uso magpahinga."

"I completely forget about that word." Napangiti siya rito. "Anyways, again thank you Risen at sayo Miss Reyes but I have to go."

"Sige if you insist. Mag-iingat ka." Wika ni Miss Reyes.

"Copy ma'am!" Natawa ito sa kanya.

"Bye Tita Zen!" Magkasabay pang wika ni Jazmine at Ri'son kaya humalik ulit siya sa dalawa bago nagmamadaling lumabas ng mansyon.

Pumasok siya sa loob at nadatnang nagte-text si Meadow. Marunong din pala itong makipag-usap sa text.

Interesting.

Hindi niya ito pinansin at nagmaneho siya paalis doon. Heto na naman sila sa walang imikan. Well, masasanay din siya lalo at isasauli na niya ito sa ama nitong si Mr. Zed. After that, tapos na ang trabaho niya officially.

Pero ang siste, naabutan sila ng traffic. Wala siyang magawa kundi mapabuntong hininga na lang. Stuck in the traffic with a mad woman. What a great day. Kung tutuosin, nagsisimula pa lang ang kanyang araw kahit malapit ng gumabi. Umaga na kasi siyang nakauwi kanina galing hospital at natulog siya halos maghapon and now, here she is. Ewan niya kung natulog na nga ba si Meadow o hindi pa. But why does she care about this witch?

"Restaurant."

Nagsalubong ang mga kilay niyang nakatingin sa harapan. Kakausad lang ng traffic tapos restaurant agad? She's out of her mind.

At may gana talaga itong kumain ng ganun kaaga?

"No, I must bring you home soon. Mag-uusap pa kami ng Daddy mo after that were done."

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ng tumingin ito sa kanya ng malamig. Nanunuot. She concentrate her self in driving dahil nadi-distract siya sa titig nito. Nakakainis ang babaeng ito porket alam nitong maganda ito kaya malaki ang ulo. Kahit pangit ang ugali maganda pa rin. Bwisit!

"Stop the car."

Alam niyang hindi ito titigil kaya itinabi na lang niya ang kanyang sasakyan. Walang imik itong bumaba at kahit ayaw niya ay sumunod pa rin siya dito.

Natigilan siya ng makitang imbes na sa isang restaurant ito pumasok ay sa katabi nitong ice cream shop. Mukhang na-curious ito kaya nagmamadali rin siyang sinundan ito sa loob.

"That." Turo nito sa isang ubeng ice cream.

Naiinis siya ng mapatulala ang dalawang lalaki rito. Tumabi siya kay Meadow at hinapit ito ng wala sa oras. She needs to do it dahil kargo pa rin niya ito, right? And that means kahit tingin lang mula sa ibang tao kung may malisya dapat niya itong protektahan.

Hindi siya tumitingin rito pero hindi rin ito nagreklamo sa kamay niyang nasa maliit nitong beywang. Good thing she have her sunglasses. Ayaw niyang salubongin ang malamig nitong tingin.

Matapos bayaran ni Meadow at makuha ang ice cream nito ay agad siyang lumayo rito ng makalabas sila sa ice cream shop. Sumandal ito sa kotse niya at pinanood niya itong kainin ang ice cream. Kumakain rin pala ito ng ganun? Wala sa hitsura nito.

Well, she doesnt know the real Meadow. She only knew the natural Meadow, beautiful Meadow and attractive Meadow.

Ano ba itong naiisip niya? She doesnt like Meadow.

She's mean and snob, cold, and annoying. A real bitch.

"Stop staring, idiot." Ngayon ay nakatitig na rin ito sa kanya at dahan dahang naglakad. Ewan niya pero parang bumagal ang ikot ng mundo habang papalapit ito sa kanya.

Tama! Kinukulam na siya nito!

Oh she's a real witch!

"You want my ice cream?" Ewan niya pero parang may iba sa pandinig niya sa sinabi nito or was it just her imagining things? Lumapit ito sa kanya ng sobrang lapit. "Buy one." Nagtaasan ang mga balahibo niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.

"Shit!" Aniya at bigla siyang napalayo rito. "Sumunod ka na lang sa loob kapag tapos mo ng kainin iyan!" Pagtataray niya rito para hindi halatang kinakabahan siya. Pagpasok niya sa loob ng kotse ay agad siyang nakahinga ng maluwag pero ang puso niya para ng lalabas sa kanyang dibdib.

"Shit talaga. What's happening to me?"

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now