Chapter 29

3K 195 12
                                    

Jennifer

"What?" Tanong ni Amber sa kabilang linya. Muntik na siyang mapahilamos habang nakasandal sa isang tabi. It was monday at nasa school siya ngayon since may pasok si Meadow.

"Ano ba Amber? Anong hindi mo naiintindihan don?" Frustrated niyang tanong rito.

"E sa hindi kita maintindihan, Jen. Ayusin mo namang mag-explain."

"Hinarass ka ba ng kliyente mo?" Tanong niya rito. Base kasi sa huling kwento nito ay inaakit siya ng kliyente nito.

She heard her groan on the other side. "Huwag mo ng ipaalala. Oo, inaakit ako sa tuwing nagkakaroon ng pagkakataon. Propesora pa man ding naturingan pero ang harot harot. Kulang na lang gahasain ako! Kung may pwede lang sanang pumalit sa akin para makaalis ako sa sitwasyon kong ito pero wala na kasi may kontrata. I can't breach the contract!"

Napabuntong hininga siya. "Ako rin."

"What do you mean na ikaw rin? Hinarass ka rin ng kliyente mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Napapikit siya dahil parang namintig ang kanyang sentido.

"Hinalikan niya ako." Walang gatol na sagot niya rito.

She heard her gasped!

"She kissed you? Dapat ako lang ang hahalik sayo until wala ka pang girlf-"

Napatingin siya sa kanyang cellphone ng bigla na lang iyon mamatay. Anong nangyari? Sinubukan niya ulit na tawagan ito pero unattended na. What the?

Inis niyang ibinalik ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at humalukipkip. Ibinaling niya ang kanyang pansin sa court at nakita ang ilang mga estudyanteng lalaking naglalaro ng basketball. Mukhang PE ng mga ito. She doesnt really understand the game at all. Basta kapag na-shoot siguro ang bola. Puntos na non, right?

Tumunog ang bell kaya napaayos siya ng tayo at hinintay na lumabas si Meadow. Nauna muna ang mga estudyante nito bago niya nakita ang mangkukulam na propesora. Pinigilan niyang mapasimangot. Hindi niya makakalimutan ang panghahalik nito sa kanya kagabi. Well, it wasn't her first kiss pero kahit na hindi naman siya basta basta nagpapahalik ng ganun ganun na lang. Kay Amber nga lang siya nagpapahalik e.

Kinuha niya rito ang dala nitong mga libro at walang imik na naglakad papuntang faculty. Mas nauna ito ngayon sa kanya dahil naiilang na siya sa mga titig nitong malamig. Wala sa loob na napatingin siya sa likuran nito. Kahit nakatalikod perpekto pa rin, nakakabwisit!

Natuon ang pansin niya sa mga biyas nitong mahahaba at kulay krema. Bakit parang ang ikli ng skirt nito ngayon? Kalahati na kasi sa hita nito at sobrang fit na fit kaya kitang kita ang magandang pang-upo nito. Teka, dati namang ganito ang suot nito pero bakit ngayon lang yata niya napapansin?

Nagsimula itong lahat dahil sa panghahalik nito sa kanya. Now, she's in big trouble!

Inilapag niya ang mga libro nito sa lamesa nito. Pinanood niya itong ipatong ang laptop nito sa lamesa at naupo ng mahinhin. Nakaupo lang siya ngayon sa sofa nito sa isang gilid. Ganito naman ang trabaho niya. Kailangan niya itong hintayin kasi responsibilidad niya ang kaligtasan nito.

"Here." Inilapag nito ang isang box sa lamesa at base sa laman non ay meryenda. Hindi nga lang niya alam kung anong meryenda.

Dahan dahan siyang lumapit at kinuha iyon pati na rin ang nakapatong na disposable spoon and fork sa ibabaw non. Naupo siya ulit at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang nakakatakam na lasagna.

"Don't stare idiot, eat." Hindi ba ito pwedeng magsalita ng hindi nagmumura? Malamig na nga may kasama pang masamang salita.

"I was thinking if you put something else in here." Alam niyang marunong itong magluto. Sometimes she prepare their foods pero naninibago talaga siyang nagluto ito kaninang umaga pero heto pala ang hinanda nito. Para sa kanya talaga?

"It's just a lasagna. Nothing else, stupid." Walang emosyong wika nito.

"I was just making sure na walang kasamang gayuma ito."

Tinitigan siya nito ng malamig. Bakit ang bilis nitong magbago ng mood from lifeless to coldness.

"Dont assume."

"Hindi ako naga-assume ok? Like I said, naninigurado lang ako. With what you did last night?" Ayaw niyang ibalik ang pangyayari kagabi pero hindi naman natatahimik ang kanyang kalooban dahil sa ginawa nito.

"It was just a kiss." Saka na nito nilabas ang sarili nitong baon at saka kumain.

"Then dont kiss me."

Walang sagot mula rito at nanatili lang itong nakatingin sa kung anumang ginagawa nito sa screen ng laptop nito habang panaka-naka'y kumakain.

"Hindi iyon basta basta ginagawa Meadow."

Ano siya laruan? Alam niyang kaya nitong gawin ang lahat ng naisin nito sa buhay. That's what money can do right? Pero kailangang malaman din ni Meadow na may limit iyon. Money cant buy a true happiness.

Hindi na rin siya umimik pa at tahimik na lang na kinain ang kanyang meryenda. Pero ang inis na nararamdaman niya ay mawala ng malasahan ang niluto nito para sa kanila. She's good in cooking, she would give her that compliment pero huwag na lang at baka lumaki pa ang ulo pati mga tenga nito.

She was hoping to see Hex Alonzo pero hindi niya ito nakita. Gusto niyang magtanong kay Meadow kung bakit absent ito ngayon dahil wala siyang nakitang Hex sa buong pagbabantay niya pero alam niyang wala siyang makukuhang sagot mula kay Meadow.

Lumabas siya saglit para magpahangin ng makita ang ilang mga estudyanteng namumukhaan niya kapag lumalabas sa klase ni Meadow. Lumapit siya sa mga ito.

"Hi pwedeng magtanong?"

Nakangiti ang mga itong nagsitanguan sa kanya. "Ano po iyon? Basta ba alam namin ang sagot."

"Kilala niyo ba si Hex Alonzo?"

"Ah, si Hex. Hindi po namin siya kaklase pero pare-pareho po kami ng year. Absent po si Hex dahil siguro may sakit na naman ang Mama niya. Umaabsent lang naman po iyon kapag emergency."

Kumabog ang kanyang puso dahil sa narinig pero bakit pa siya nakakaramdam ng pag-aalala kung iniwan na siya noon? Dapat wala na siyang pakialam sa mga ito.

"Alam niyo ba kung saan siya nakatira?"

"Opo. Sige po isusulat na lang namin." Pagkatapos niyang makuha ay nagpasalamat siya sa mga ito. Gusto niyang makita si Hex at makausap. At kahit labag sa kanyang loob ay hindi niya mapigilan ang kanyang sariling gustong makita ang taong nang-iwan non sa kanya. Maybe this is the right time para makausap na niya ito.

Tumitig siya sa kanyang palad kung nasaan ang kapirasong papel kung saan nakasulat ang address ni Esmeralda Alonzo. Wala sa loob na nakuyom niya iyon. Heto na siguro ang tamang oras na matagal na niyang hinintay. Kahit itanggi niya sa kanyang sarili ay mas malakas ang bulong ng puso niyang gusto niyang malaman ang totoo para maging buo siya ulit. Kailangan niyang tapusin kung anuman ang kanyang nakaraan at kalimutan para sa kanyang kinabukasan.

"What are you doing here?" Mabilis niyang ibinulsa ang kapirasong papel ng marinig ang boses ng impakta.

At sa unang pagkakataon ay sinalubong niya ang malamig nitong titig ng mas malamig.


"Nothing."

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon