Chapter 2

4.7K 226 8
                                    

Jennifer

Nakatayo lang siya malapit sa silid kung saan nagtuturo si Meadow. Kinakalikot niya ang kanyang phone sa ngayon dahil kanina lang ay kinabitan niya ng sensor ang sasakyan nito. Magbibigay alerto ito sa kanya kapag may dumikit doon na iba. She even put a secret tiny camera in and out of it. Mahirap na baka mamaya ay tamnan pa iyon ng bomba.

Ng matapos niyang ayusin sa kanyang phone ang alert mode ng security sa sasakyan nito ay pasimple niya iyong ibinalik sa kanyang bulsa.

Hinubad niya ang black leather jacket niya dahil naiinitan na siya. She was wearing a black shirt at naka-tuck in iyon sa pants niya. Para siya ngayong isang army dahil sa tindig niya at ang ilang mga estudyanteng napapadaan ay napapalingon at napapatitig sa kanya. She always wear her sunglass kapag nasa labas siya at ginagawa ang kanyang trabaho. Ito ang nagbibigay proteksyon sa mga mata niya incase na may magsaboy ng kahit anong likido sa mukha niya.

Nasa gilid siya para hindi makaabala at hindi agad mapansin ng kahit sino. Lihim niyang pinagala ang mga mata niya sa paligid. If the stalker keeps on taking pictures of Meadow. Malamang nasa paligid lang ito ngayon at nagmamanman.

Nakita niyang nagsilabasan na ang mga estudyante ni Meadow kaya agad siyang napatuwid ng tayo. She didn't knock and just went inside the room ng tuloyan ng makaalis ang mga ito. Tinignan siya ng masama ni Meadow ng isara niya ang pintuan nito. She was standing while fixing her things. Siguro ay lalabas na ito para magpunta sa faculty. Meadow's eyes were dead pero wala siyang pakialam sa magandang saksakan at nuknukan ng kasungitan na babaeng ito. Ang gusto niya ay magawa niya ng tama ang kanyang trabaho at iyon ay para protektahan ito.

She walked across the room ng mapansing parang may kumislap na tinamaan ng araw don. Papalapit pa lang siya ng makita mula sa bintana kung ano ang bagay na iyon. Someone was out there with a rifle at ang tinamaan kanina ng araw ay ang lens ng telescope ng baril nito. Sniper Rifle!

"Shit!"

She didn't waste any time. Mabilis niyang hinatak ang kamay ni Meadow dahilan para matumba silang dalawa at pumatong ito sa kanya. Nagulat ito sa ginawa niya pero ito na ang kusang napadapa ng mabasag ang bintana at tamaan ang white board nito ng bala. Gumulong siya't pumatong kay Meadow. Mabilis niyang binunot ang baril niyang FNX-45 tactical with suppressor saka agad umalis sa ibabaw nito at nakayuko siyang tumakbo palapit sa bintana. Kita niyang tumakbo na ito at iniumang niya ang baril at sunod sunod iyong pinaputokan. They wouldnt hear much of it dahil nga naka-suppressor ito o silencer pero alam niyang nakagawa ng ingay ang pagkabasag ng salamin ng bintana ni Meadow.

Ang last niyang bala ay tumama ito sa may hita ng lalaki at bumagsak ito.

"Shit!" She cussed ng makitang tumayo ito at pilit ipinagpatuloy ang pagtakbo. Hinampas pa niya ang kanyang baril sa dingding bago bumunot ulit ng isa pang baril. Her berreta m9a3 with suppressor pero hindi na niya ito naabutan pa.

"You're such a lucky bastard."

Inaamin naman niyang hindi siya magaling sa barilan. Swan was the one whos good at it. May mga koleksyon nga ito ng malalakas na baril. She only knew how to handle simple guns. Magaling siya sa mano mano but when it comes in shooting. Eight out of ten lang ang rating niya. Kagaya ngayon.

Tumayo siya't ibinalik ang dalawang baril sa kanyang mga beywang bago isuot ang kanyang leather na jacket. Kinuha niya ang mga kagamitan ni Meadow gaya ng laptop nito at mga libro pati na rin ang bag nito bago ito binalingan.

Walang kaemo-emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kanya habang ang ilang mga estudyante ay naririnig niya sa labas. Maybe wondering what happened inside.

"Let's go. You cant teach when someone's after you. Right now, I'll take you home. Ako na ang bahalang mag-ayos sa leave mo kahit hanggang sa matapos lang ito. I can protect you pero alalahanin mong may mga estudyante ritong pwedeng madamay."

Ng hindi ito magsalita ay basta na lang niyang kinuha ang kamay nito. Lihim siyang nagmasid habang mabilis ang mga lakad nila papunta sa parking lot at ng makarating doon ay agad niyang binuksan ang pintuan saka pinapasok si Meadow. Agad na nag-alarm ang kanyang phone hudyat na may pumasok sa loob niyon. Mabilis niyang nilagay ang mga kagamitan nito sa back seat bago nagmamadaling nag-drive. Pinatay niya ang alarm doon at saka tinawagan si Xen. She put her earpiece on. Dalawang ring pa lang ay agad nito iyong sinagot.

"Xen!"

"Yeah? Ayos lang ba ang misyon mo?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Nah. Sinong nasa lab ngayon?"

"Si Amber."

Napakunot ang kanyang noo dahil sa narinig dito.

"What is she doing in there? Akala ko ba nasa misyon iyon kaya ako ang na-assign kay Mr. De Lavego ngayon?"

"Well yeah she is. Pero masyado kasing mahaba ang buhok non kaya iyong binabantayan niya. Nagkakagusto yata sa kanya. Alam mo naman iyon. Isip bata." Saka ito humalakhak sa kabila.

"Pambihira naman! Eh ikaw nasan ka?"

"Ah.. sige Jen. Usap tayo next time. May aasikasuhin ako."

"Sino iyan?"

Shanelle?

Bago pa siya makapagsalita ay pinatay na nito ang tawag. Napabuntong hininga siya saka iritang tinanggal ang earpiece niya.

Imbes na dumiretso sa mansyon ng mga De Lavego ay dinala niya si Meadow sa kanilang secret lair. Ang vroom. She made sure na walang nakasunod sa kanila.

"Why here?" Bored at malamig na tanong ni Meadow sa kanya ng tumigil sila sa isang building. This is their main secret office at kompleto ito sa loob and it was built by Snow Kiefer. She even named it after them, JAX'S agency. Iba kasi iyong cover up nilang agency building kung saan sila tumatanggap ng mga misyon.

Hindi niya tinapunan ng tingin si Meadow.

"Agent F, code 000440." Bumukas ang lupa at tumambad ang sekretong daanan doon na parang tunnel pero sa loob non ay malawak na opisina nila. She drive the car inside at awtomatikong nagsara ang dinaanan nila kanina.

Bumukas lahat ng ilaw sa loob. Maraming nakahilerang high tech na sasakyan at may mga lab silang pagawaan ng mga kakailanganin nila sa kanilang misyon. It was exclusive for the agents only. Nagpark siya at saka pinatay ang makina ng sasakyan nito.

"We'll stay here for awhile. I have to find out something." Aniya pero binigyan lang siya nito ng walang kabuhay buhay na tingin. Gusto niyang mapasabunot. Bakit ba kasi kailangan niyang pakisamahan ang ganitong klase ng tao kung tao nga ba ito. Masahol pa sa bato!

Nauna na siyang lumabas at nagtungo siya sa hall nila. Bahala na si Meadow total ay safe naman ito sa loob at hindi ito makakalabas dahil kailangan ng special code para don.

She found Amber and a woman. Ito ba ang sinasabi ni Xen na kliyente nitong nagkakagusto sa Amber nila?

"Sup?" She ask dahilan para mapalingon si Amber sa kanya. Nagliwanag ang mukha nito bago tumayo at lumapit sa kanya. Walang pasabing hinalikan siya nito sa labi.

"What are you doing here?" Tanong nito sa kanya.

"Why did you kissed her?!" Napalingon sila sa babaeng nakasimangot sa kanila. Gusto niyang matawa sa itsura nito. She's beautiful and cute. Tinignan ito ni Amber ng alanganin bago napaikot ang mga mata. Napatingin ito kay Meadow na nakasandal na ngayon sa may pintuan at naka-cross arms sa dibdib nito. Her eyes were cold and dead. Lagi naman. Walang bago rito.

"May kailangan akong tignan. Papalitan ko rin ang sasakyan namin. Nasa eskwelahan kami kanina at kahit sa karamihan ay lantaran ang gustong pagpatay nila sa kliyente ko."

"Those kind of desperate and dangerous hired killer. Mauuna na kami, Jen. I just have to be here to sort things out. Mag-iingat ka palagi ok?"

Yumakap siya rito and this time siya naman ang humalik sa labi nito. Dampi lang.

"Thanks. Ikaw rin."

Napahampas ang babae sa lamesa dahilan para mapalingon sila rito.

"Ano ba! Kanina pa kayo ah!"



What the!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now