Chapter 37

3.5K 226 15
                                    

Jennifer

"Naalala niyo ba iyon? Ang epic ng mukha ni Chantelle noon!" Ani Xen. Nagtawanan sila dahil doon. Sinong makakalimot sa muntikan ng pagkamatay ni Swan non dahil sa misyon nito.

"That's not funny. Nagdusa ang asawa ko dahil sa ginawa niyo. Ako nga wala rin akong alam sa mga pinagsasasabi niyo sa kanyang patay na ako. Mga ulol!" Wika ni Swan bago ito uminom ng alak.

Nasa dalampasigan sila ngayon at nakapalibot sa apoy na ginawa nila. Ngayon lang siya ulit nakapag-relax pagkatapos ng ilang buwan and it felt good dahil kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Minsan na lang kasi sila magkita kita dahil busy sa pamilya ang iba at ang ilan ay sa trabaho katulad niya.

"Marupok ka kasi non!" Buska ni Amber rito.

"Nagsalita ang hindi." Asar dito pabalik ni Swan.

Nasa tabi lang niya si Meadow na walang imik na umiinom. Ok naman pala itong mag-inom, walang pakialam sa paligid at kahit malasing ay ganun pa rin. Naniniwala na siyang inborn ang kasungitan at katahimikan nito.

'In vino veritas' - In wine, there is truth.

At iyon na ang katotohanan. Nasaksihan na niya itong malasing at tahimik pa rin. She would spoke softly yet still cold. So there it is the answer. In short, walang pinagbago.

"Hindi naman talaga ako marupok. Kung marupok ako e di sana hindi ako single ngayon." Depensa nito.

"Sus! Mas marupok nga ang walang jowa e. Syempre magagawa non makipag-make out sa kahit sino kasi malaya siya. Diba Jen?" Baling ni Risen sa kanya.

"Tama ka." Sang-ayon niya rito para asarin si Amber at hindi nga siya nagkamali dahil binato sila nito isa isa ng popcorn.

"Bwisit talaga kayong lima! Lagi niyo na lang akong pinagkakaisahan." Naiinis na wika nito kaya mas lalo nila itong tinawanan.

She's wondering kung nasaan si Blaire. Bakit hindi nito kasama ang alaga nito?

Hindi kasi nakasali si Miss Hollier at Snow ngayon dahil hindi naman mahilig sa inuman si Snow dati pa at ganun din si Miss Hollier. May mga anak din ang mga ito na kailangang samahan. Si Miss Reyes na malamang inaalagaan rin ang dalawang anak dahil kasama nila ngayon si Risen na nag-iinom at nangunguna sa grupo. Present din si Scarlette, wala si France dahil nagpapatulog daw ito ng bata ganun din si Chantelle kaya sila sila lang ngayon ang naglolokohan at nagkaka-utohan.

"Asar talo ka kasi Amber!" Gatong pa ni Scarlette dito.

"Ugh! I hate you!" Frustrated na sigaw nito.

"But we love you." Nakangisi pa si Xen habang si Shanelle naman ay sumandal sa balikat nito.

Natawa sila ng sabunotan ni Amber ang sarili nito. Para talagang bata.

"Pero maiba tayo." Si Risen. "Nong time na nagpunta tayo sa isang bar noong katatapos ng graduation natin. Iyong may naghabol na dalawang lalaki kay Jen tapos sinuntok lang pala niya iyon."

"Oo nga, anong nangyari ng gabing iyon Jen?" Nagtatakang tanong ni Xen sa kanya. "Hindi ka kelan man nagkwento tungkol don. Ang sabi mo lang, nanuntok ka dahil may mga nambastos."

Tumango siya bago uminom ng alak at nagsimulang alalahanin ang gabing iyon.

"Sobrang lasing na kayo non. Alam niyo naman si Risen kapag nag-aya ng inuman talagang lulunorin kayo."

"That's me!" Mayabang na sigaw nito bago uminom ng alak. Mamaya, patay ito kay Miss Reyes.

"Tapos iyon. Madaling araw na tayo non natapos sa pag-iinom. Kakalabas lang natin sa bar ng makita kong may nasiraang sasakyan sa hindi kalayuan at dahil maaga pa. Alam kong walang tutulong doon."

It was true.

"Nasa loob na kayo noon ng sasakyan dahil kakapasok lang ninyo and you guys are so wasted except kay Risen na nagising pero hindi naman makatayo." Ito lang ang nakakita sa kanya nong time na hinabol siya ng dalawang lalaki. The rest ay mga tulog na.

"So I went there dahil alam kong kailangan ng tulong ng taong nasa loob ng sasakyan. That night, everything happened so fast. Nakita ko kasing may lumapit na dalawang lalaking lasing doon. Siguro galing din sa bar. Pinagmumura nila iyong driver. Hindi na kasi maganda ang kutob ko nong una pa lang and I was right. Akmang babasagin nila ang bintana ng sasakyan kaya sumigaw ako ng 'hey! ugly bitches!'." Nagtawanan ang mga ito kaya natawa rin siya.

"Andaming sasabihin, bitch pa talaga." Si Scarlette.

"Yup, e lasing ako non. Iyon lang ang alam kong paraan upang magalit ang dalawang lalaki para tantanan ang taong nasa sasakyan at habulin ako. Hindi nga ako nagkamali. Nainis silang sobra sa akin kaya hinahol ako."

"Sana lahat hinahabol!" Natawa ulit sila sa sinabi ni Swan.

"Naghabol naman si Chantelle sayo non." Wika niya. "Tapos iyon nga, binigyan ko sila ng tig-iisang flying kick. Knocked out ang isa kaya iyong isa ng hindi makatulog sa tadyak ko. Literal na sinuntok ko siya." Pagtatapos niya sa kanyang kwento.

"Alam niyo iyong kinaumagahan non. Maaga akong nagising dahil uhaw na uhaw ako." Sabad ni Amber. "Tapos nakita kong iika ika si Jen habang nakahawak sa beywang niya papuntang banyo. Tanong ko non, napano ka? Sumagot, masakit ang beywang ko dahil may sinuntok ako kagabi. Iyong sakit ng ulo ko dumoble sa sagot niya." Nagtawanan ulit ang mga ito kaya natawa rin siya. "Hindi ko kasi alam kung anong konek ng beywang niya sa kanyang kamao. Hindi ko na lang din pinansin ang sagot niya kasi akala ko dala pa rin ng kalasingan. Hindi ko naman alam na may nangyari na pa lang ganun noong dapat ay pauwi na tayo."

"So anong ginawa mo nong mapatulog mo ang dalawang lalaki?" Si Shanelle.

"I left them at babalikan ko sana ang taong nasa kotse kaso may dumating na tumulong rito so bumalik na lang din ako sa sasakyan at nagmaneho para maiuwi kayo."

"Cheers to that!"

Nakipag-cheers siya saka ininom ang kanyang natitirang alak. She exhaled and close her eyes. She misses this kind of bond with them.

Nagpatuloy pa ang kanilang kwentuhan until it was time to sleep already. Masaya silang nagpaalam sa isat isa bago nagtungo sa kanilang mga silid. Wala pa rin silang imikan ni Meadow habang pabalik sa kwarto. She was cold and distant.

Ng makapasok sa loob ng banyo ay mabilis siyang nag-ayos ng kanyang sarili bago lumabas. Ganun din ang ginawa ni Meadow kaya nauna na siyang humiga sa kama. No choice kundi magtatabi sila ngayon. Wala naman kasing kahit anong ibang higaan sa loob ng kwarto kahit sofa man lang sana.

Tumagilid siya ng higa at nagpikit. Ilang sandali lang ay pinatay na ni Meadow ang kanilang ilaw at sinindihan ang lampshade. Naramdaman niya ang marahang paglundo ng kama kaya iyong puso niya, nagsimula na namang magwala.

Nagtulog tulogan siya rito. Napamura siya sa kanyang isipan ng umusog ito at niyakap siya mula sa kanyang likuran.

"Goodnight." Mahinang sabi nito pero buong buo ang malamig na boses.

Nagsitayuan ang mga balahibo niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa kanyang batok. It's not only that pero ang bango bango nito. Hindi yata siya makakatulog dahil dito.



King ina, Meadow!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now