Chapter 45 (EPILOGUE)

7.7K 313 55
                                    

DualPointOfView♣️

Jennifer

Napangiti siya ng makita si Meadow na karga karga ang kambal sa magkabilaang bisig nito. She's like a supermom. Natatawa siya ng makitang piningot ni Medge ang ilong nito. Pinanlakihan ito ni Meadow ng mata at halatang tinatakot pero lumaban lang ang paslit ng titigan rito. Medge's not even blinking kaya iyong tawa niya ay unti unting nawala ng makitang nagsalubong ang mga kilay nito sa Mommy nito.

Swear ayaw niya ang nakikita niya ngayon rito. She's only one year and five months old pero lumalabas na ang katangian nitong pagiging masungit while Tobias on the other hand. Tahimik lang ito, he's like the kind of silent type, emotionless and kin-observer. Nakikita na niyang lalaki ang mga itong parang si Meadow.

That means she's in trouble. Lumapit siya't kinuha niya rito si Tobias.

"Hi baby." Bati niya't hinalikan ito sa noo. Kita niyang tumitig lang ito sa kanya habang namumula ang mga pisngi nitong matambok. Parang mamon, ang sarap pisilin pero bawal at baka mapagalitan siya ng Mommy nito. Napaka-over protective pa naman ni Meadow pagdating sa kambal nila.

Nakita niya ang dahan dahang pagsandal ni Medge sa dibdib ni Meadow bago ito pumikit at natulog. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat niyang nagmana ang mga ito kay Meadow dahil sa totoo lang ay hindi iyakin ang dalawa. They even play on their own and sleep on their own. When they're hungry. Ituturo ng mga ito ang bote. Tobia's a boy version of Meadow while Medge's the exact replica. Carbon copy kumbaga. Ang lakas lang ng dugo nito. Para sa kanya, ayos na iyon dahil sigurado siyang magandang lahi ang mga De Lavego.

Napatingin sa kanya si Meadow habang hinahaplos nito ang likuran ng tulog ng si Medge. Napataas ang kilay nito sa kanya.

"I love you." She mouthed.

Inirapan siya nito. Ang taray talaga!

"I love you too." Sagot nito bago kumindat sa kanya.

Oh shit!

●●●

"Tell me what did you do, Tobias?" Seryosong tanong ni Meadow pagkarating ng mga ito galing school. Nakaupo ito sa harapan ni Tobias para mapantayan ito habang kausap.

Si Meadow kasi ang sumundo sa dalawa pero mas maaga ito ngayon kesa sa dati. Siya naman ay may inasikaso sa kanilang opisina kanina while Meadow decided to stay at home para personal na alagaan ang mga anak nila. Hindi niya alam na magagawa nito ang bagay na iyon dahil wala sa mukha nito ang pagiging isang mabuting ina. She might be cold, bitch and snob even a witch but she's very responsible and loving when it comes to their family. It's just that, it was so not her. Hindi kasi ito showy pero sigurado naman siyang malaki ang puso nito.

"Look at Mommy." Dahan dahan pa nitong inangat ang mukha ng anak nila habang si Medge ay tahimik lang na nakatayo sa tabi ni Tobias at nakacross arms ito with her poise. Damn, parang si Meadow. "I'm not mad ok? Just tell me what happened."

Gusto niyang magtanong kung anong nangyari pero mahirap makialam. Meadow can do the discipline.

"I punched his face because he tried to kiss my sister Mommy. I'm sorry."

Nanlaki ang kanyang mga mata. Nanuntok ito ng kaklase nito? Did she heard it right?

Hindi niya mabasa si Meadow ngayon dahil nawalan ito ng emosyon sa mukha. Ilang saglit lang ay bumaling ito kay Medge at dahan dahang hinatak palapit rito ang anak nila. Sinuri nito ang braso ng bata pati ang mukha.

"Did your classmate hurt you?" Malamig nitong tanong kay Medge.

"No Mommy." Malamig ring sagot nito.

She's only seven years old!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt