Chapter 31

3.2K 215 24
                                    

Jennifer

"Kumain muna kayo hija bago kayo pumasok sa eskwela." Anyaya ni Mrs. De Lavego sa kanila. Kompleto ang buong pamilya ngayon maliban kay Xyril na nagpapagaling pa at makukulong ito after his treatment.

"Yes Ate Jen, you should eat first before you leave. Same goes to you Aunt Meadow." Segunda naman ni Xendrick. Napapangiti siya sa kabibohan nito. May pasok rin pala ito ngayon. How cute!

Uupo na sana siya sa tapat ni Xedric pero nauna na si Meadow. Ano na naman ba ang trip ng babaeng ito?

Naupo na lang siya sa tabi nito since iyon na lang ang available na malapit sa mga nakahain ngayon. Alangan namang maupo siya sa malayo at tatayo kapag kukuha ng pagkain. That would be weird.

"Good morning, Jen!" Bati sa kanya ni Xedric na ang lapad ng ngiti ngayon. Susuklian sana niya ang ngiti nito pero naramdaman niya ulit ang kamay ni Meadow na pumatong sa hita niya kaya ang ngiti niya ay naging alanganin.

"Are you ok, Jen?" Tanong nito ng makita ang ekspresyon ng mukha niya.

No! Gusto niya iyong isagot pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"I'm ok. Good morning din."

"Kumain kana. Anong gusto mo? You want bacon? Egg or beef tapa?"

"She could get what she wants. She's not a kid."

Tumikhim si Mr. Zed De Lavego. "Why dont we just eat at may mga pasok pa tayo?"

"Much better." Segunda ni Meadow sa Daddy nito in her mono tone voice. Ang aga aga pero masama na naman ang timpla nito.

Mas lalo pa nitong pinisil ang kanyang hita kaya pasimple niya iyong tinanggal bago sumubo ng pagkain. Muntik na siyang mabilaukan ng maramdaman ang mainit nitong kamay sa kanyang likuran hindi lang basta nakahawak sa kanya kundi nasa loob ito ng suot niyang puting t-shirt.

Inabot niya ang tubig saka uminom. Hindi siya makakakain ng tama kapag ganitong hinaharass siya!

"Mawalang galang na po pero busog na ako. Maghihintay na lang ako sa labas." Aniya at saka pasimpleng tumayo.

"Hija, sigurado ka? Halos hindi pa nababawasan iyang pagkain mo. Why dont you sit and eat well total maaga pa naman." Si Mrs. De Lavego.

"Yes Ate, Jen! You must eat please! See? I am eating. Daddy said I would grow so tall and I'll be healthy if I eat my food." Wika ni Xendrick at magana nga itong kumakain.

All she wanted to do is to escape, away from the devil whos sitting right next to her. How could she act like nothing happened? Bilib na talaga siya sa katigasan nito.

Sasagot pa sana siya ng magsalita ulit si Mr. De Lavego. "Take a seat and eat, Miss Hans. My wife's right. It's still early. Enjoy the food."

Paano siya makakapag-enjoy e ginugulo nga siya ni Meadow? Wala din siyang choice kundi ang maupo at ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Medyo binilisan na lang niya ng maramdaman ulit ang kamay nito sa kanyang hita.

Ngayon lang siya nakakita ng babaeng saksakan ng ka-sexyhan at nuknukan ng kagandahan pero simpleng manyakis naman!

Magsisimula na ba siyang matakot rito?

"Sa labas lang po ako." Aniya ng matapos siyang kumain at hindi na niya hinintay pa ang sagot ng mga ito. Nagmamadali siyang umalis at nagpunta sa garahe para paandarin ang sasakyan at icheck ulit iyon. She must always double check it dahil ito ang main storage ng bomba minsan ng mga kalaban. Baka kampante na lang siyang nagmamaneho tapos mamaya ay abo na sila. She doesnt wanna die yet. She have so many reasons to live. Although, alam niyang kapag nasa misyon siya ay nasa hukay na ang kalahating katawan niya pero hindi siya ganun kadaling basta nalang bibigay. Andami pa niyang gustong gawin and dying wasn't in her list.

Ilang minuto pa lang ay agad sumunod si Meadow sa kanya. Naupo ito sa may passengers seat.

Binaba niya ang salamin ng kanyang bintana ng katokin ito ni Xedric. Heto na naman ang isa pang makulit. Kelan kaya ito uuwi sa mega mansyon nito?

"Yes?" She asked him.

"Jen, mag-iingat ka ha. Manliligaw pa ako sayo."

"Sira!" Natatawa niyang sigaw rito pero kumindat lang ito sa kanya bago nagmamadaling pumasok sa sasakyan nito kung saan nakaupo na rin si Xendrick sa harapan.

Ilang minuto na rin siyang nagmamaneho patungo sa eskwelahan ng basagin ni Meadow ang katahimikan.

"Do you like him?" Tanong ng yelo sa kanya. Malamig ito alam niya dahil ramdam niya iyon. Nagising ito sa maling posisyon kaya na naman nagsusungit.

Ang ganda ng panimula ng araw niya.

"I like him." She answered her. Pero hindi na niya lilinawin pang gusto lang niya ang kapatid nito bilang isang kaibigan at hindi bilang boyfriend o magiging asawa. Xedric's funny, that's all. He's a brother figure to her. Hindi na siya magpapaliwanag pa rito dahil una, hindi sila magkaibigan. They're not even close.

"Stop the car."

"Are you mad? Why would I do that-"

"I said what I've said." Malamig ang boses nito at walang kabuhay buhay. Mukha itong ewan. Sinasaniban na naman. Ang aga lang para mandamay!

Antipatikang tunay!

Kahit labag sa kanyang loob ay tumigil sila sa isang tabi. Bahala ito at hindi naman siya ang male-late kung sakali.

"Now what, Meadow?" Inis niyang wika ng balingan ito. Deretso lang ang tingin nito sa may daan. Hello? Nasa tabi siya para kausapin ito at wala sa harapan!

"Don't ever date him."

"And why not?" Gusto niyang malaman. She's sending her signals na wala naman sa kanyang channel.

"Because I said so."

Napabuntong hininga siya rito. "Hindi pwedeng dahil lang sa sinabi mo, Meadow. Umayos ka nga, you're even-"

"What?" Baling nitong putol sa kanya. Tinanggal nito ang seatbelt ng hindi pinuputol ang titigan nila. Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib ng seryoso itong lumapit sa kanya. Malamig ang mga mata nito kagaya ng dati at ewan niya pero hindi niya maalis ang tingin sa maganda nitong mukha.

Confirmed.

Mangkukulam ang babaeng ito. Kung si Amber inaakit ng kliyente nito. Siya, ginagayuma naman ni Meadow.

"One word and you'll see." Amoy na amoy niya ang hininga nitong mabango pati pabango nito ay nahalo na. Nakakalunod ang amoy nito.

"Ha?" Bangag niyang wika rito. Anong one word and you'll see?

Nanlaki ang mga mata niya ng maramdaman ulit ang mga labi nito sa labi niya.

Kung noon dampi lang. Ngayon ay gumalaw ang mga labi nito. Bakit ang tamis? At ang mga mata niya ay traydor. Kusang pumikit at pati ang kanyang labi ay pinagkanulo siya.

They were out of breath when they parted. Inayos ni Meadow ang pagkakaupo nito bago ikabit ulit ang seatbelt nito.

"Now you know."






Ang lakas ng loob nito. King-ina!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now