Chapter 28

3.1K 228 52
                                    

Jennifer

Nananatili lang siyang nakatingin ngayon kay Meadow habang nakaupo ito sa gitna ng kama nito at may ginagawa sa laptop. She's always this serious lalo na't may pasok na naman ito bukas.

Sa loob siya ng kwarto nito matutulog pero hindi sa mismong kama nito kundi sa couch nitong nasa isang tabi. Ofcourse, ayaw rin naman niya itong makatabi kung sakali.

Hindi pa siya nasisiraan ng ulo para gawin ang bagay na iyon at alam niyang ganun rin kay Meadow.

"Stop staring, idiot."

Why does she have to cuss always? Sobrang sungit ng babaeng ito. Ang malas talaga ng mapapangasawa nito at lahat ng taong mai-inlove dito.

Napangisi siya sa kanyang isipan ng maalala ang isang bagay. "Oh please. Dont flatter yourself. I wasn't even looking."

Nag-angat ito ng tingin at kita niya ang malamig nitong mga mata. Tinging nanunuri. Patay malisya siyang nagbaling ng tingin sa may terasa nito. She felt victory.

Humalukipkip lang siya't hindi ito pinansin. Gusto niyang subokan ang pasensya nito pero wala na siyang narinig pa.

Kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na busy itong nagtitipa. Hindi ba ito nauubosan ng gagawin? Sabagay, propesyon nito ang pagtuturo so malamang parang estudyante rin itong maraming ginagawa. Malala pa siguro.

Napatingin siya sa pintuan ni Meadow ng may kumatok doon ng mahina. She doesnt need the permission of Meadow lalo na't nasa pangangalaga niya ito. Karapatan niyang tumanggap ng kahit anong bagay na ibibigay ng mga tao rito para sigurohing ligtas ito ganun din sa mga bisitang tatanggapin kung mapagkakatiwalaan nga ba o hindi. Sabi nga nila, kailangan mong kaibiganin ang mga kaaway mo para malaman mo ang mga balak nila.

Tumayo siya't maingat na binuksan ang pintuan only to find out Xedric whos standing infront of her with a wide smile.

"Hey, busy ka ba?" Ano na naman ang kailangan ng makulit na ito? Kung gaanong walang pakialam si Meadow. Makulit naman ang De Lavego'ng ito.

"Not really. Bakit?" Balik tanong niya rito.

"Gusto sana kitang anyayahan para magkape. Hindi ka naman matutulog diba?" Partly yes, pero syempre natutulog din. Kailangan lang talagang alerto at dapat aktibo ang mga monitors para hindi maisahan ng kalaban.

Tumango siya rito. "Ok-"

"It's not ok." Walang emosyong sabad ng nasa tabi niya. Ambilis naman ng babaeng ito. May lahi yata itong engkanto. Saka bakit ba ito nakikialam sa usapan nila eh busy nga ito sa laptop nito?

"No, it's ok." Ngumiti pa siya ng matamis kay Xedric.

"Gusto mong sumama para magkape little sis?" Baling rito ni Xedric.

Dont say yes!

"I'll come." At bumalik ito para kunin ang roba nito saka ipinatong sa suot na nighties.

Really? Nakakaewan lang talaga ang babaeng ito.

"Great. So let's go!" Hinila na naman ni Xedric ang kamay niya pero hinawakan ni Meadow ang kanyang braso. Ano bang nangyayari sa dalawang De Lavego na ito?

"Let go." Malamig na tingin ng babaeng impakta sa kapatid nito. Wala ng Kuya Kuya.

Antipatika talaga.

"Alright." Natatawang sabi ni Xedric dito bago bitawan ang kanyang kamay. "Maybe when you're done with your mission. I could take you out on a date." Pagpapatuloy nito habang naglalakad sila sa may pasilyo bago lumiko sa hagdan para bumaba at magtungo sa may side ng pool.

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now