Chapter 32

3.2K 214 23
                                    

Jennifer

Hanggang ngayon ay lutang pa rin siya sa nangyari kanina. Paano nagagawa ni Meadow na basta na lang siya nito nakawan ng halik? Hindi naman niya ito pwedeng idemanda. Unang una, walang maniniwalang magnanakaw ito ng halik. Baka nga siya pa ang sabihang nagnakaw rito. But looks can be deceiving, right?

Napabuga siya ng hangin habang nakahalukipkip at wala sa loob na napatingin sa gawi ng bintana ng classroom ni Meadow. Nagkataon namang nakatingin ito ngayon sa kanya. Hindi siya pwedeng mamalikmata ng makita ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito.

Did she just fucking grinned at her?

Heck! Ang ganda niya kahit ngisi lang iyon. Paano na kaya kung ngumiti ito? Or would she ever witness her smile? Sabi nga nila, kung ano ka nong pinanganak ka, ganun ka rin kapag namatay ka. So, siguro hindi na niya makikita pang ngingiti pa ito.

Patay malisya siyang tumingin sa ibang direksyon dahil kahit nasa labas pa siya ay para siyang tinatagusan sa lamig ng titig nito. At ewan niya pero sobrang naiilang siya sa mga tingin nito. Wala sa loob na umusog siya kaunti para hindi siya mapatapat sa bintana nito.

She exhaled slowly, para ng mawawasak ang dibdib niya sa tindi ng kabog ng puso niya. Kinakabahan ba siya? Hindi naman siya natatakot. Ramdam niya ang namuong pawis sa kanya noo kaya wala sa loob na kinuha niya mula sa likuran na bulsa ang kanyang panyo at pasimpleng pinunasan iyon.

"Hey!" Bati sa kanya ni Raymond ng makalapit ito sa kanya. The weirdo.

Tumango siya rito.

"Naghihintay ka ulit?" Tanong nito saka tumabi sa kanya at sumandal dahilan para umusog siya sa dating kinatatayuan niya kanina. Kung umasta ito parang close sila.

"Kailangan e, wala naman akong kilala dito para mamasyal ako."

"I could tour you around." Hindi ba Propesor ito? Ang aga naman para sa breaktime nito.

"No, I mean wala akong masyadong kakilala dito sa Pilipinas dahil sa abroad ako dati." She lied, kailangan niya iyon sa trabaho. She doesnt trust anyone kapag nasa misyon siya.

"Oh yeah, you're just here for your new business." Bravo! Now he believed her.

"Thanks anyways saka hihintayin ko na lang ang pinsan ko. Hindi kasi ako pwedeng lumayo at ang sungit pa naman non. Baka pagalitan ako kapag umalis ako rito."

Natawa ito sa kanya. Tawa ng naiilang.

"She's really something huh?"

"Ganun na siya dati pa." Kaswal niyang sagot rito para hindi ito makahalata. "I'm used to it." Part of it yes, she was used to it pero ang bisyo nito ngayon ay nakawan siya ng halik.

Alam niyang marami pa itong ugaling hindi niya nakikita pero wala na siyang balak pang alamin. Gusto lang niyang matapos na ang kanyang trabaho dahil sa palaga'y niya. Si Meadow na ngayon ang tumatrabaho sa kanya. Hindi niya alam kung anong intensyon nito but she was sure it wasn't good for her.

"Alam mo bang sa tagal na niyang nagtuturo dito. Wala siyang naging kaibigan kahit ni isa sa aming mga katrabaho niya? Mahihiya ka pang kausapin siya dahil wala ka namang matatanggap na sagot."

Hindi na siya nagtataka pa dahil ganun talaga ito simula pa nong unang makita niya. Akala niya galit lang ito sa mundo o wala sa mood pero nagkamali siya.

She's cold.

Sarcastic.

Bitch.

Snob.

She's lifeless.

Inborn ba iyon o may nangyari dito dahilan para maging ganon ito? Parang minsan hindi na tao.

"I know." Simpleng sagot niya rito.

"It was nice talking to you pero kailangan ko ng umalis. Naka-ayos na ang mga estudyante ko para sa PE nila. See you around?" Kumindat pa ito sa kanya.

Hindi siya makapaniwalang napasunod na lang ng tingin rito. Whats wrong with these guys na pa-kindat kindat na lang sa kanya. Una si Xedric, pangalawa si Raymond. Huwag nitong sabihing may balak din ito sa kanya? Ha! She had enough. Andami niyang mas importanteng gawin, nandiyan pa si Meadow na sunod sunod ang pang-ha'harassed sa kanya.

Napatingin ulit siya sa bintana dahil ramdam niya ang malamig na titig sa kanya and she was right. Kita niya ang walang emosyong si Meadow. Kanina nakangisi lang ito sa kanya. Ngayon naman para siyang papatayin nito sa lamig ng tingin.

And here it goes again, her heart thumping so hard like a mad shit inside her rib cage.

May sakit na yata siya sa puso. Na-develop sa nakakatakot na mga titig ni Meadow sa kanya. Hindi pa siya kailanman nakaramdam ng ganitong kaba. She's always confident pero ngayon, nag-iba.

Binaling niya sa ibang direksyon ang kanyang paningin dahil hindi niya kayang salubongin ang titig nito. Alam naman niyang hindi siya mananalo kahit kelan. Buti sana kung hindi malamig ang tingin nito pwede pa.

Natapos ang maghapong pagbabantay at paghihintay niya rito. Pauwi na sila at walang imikan. Mas maganda na ang ganito kesa susungitan lang siya ng babaeng ito.

Nakarating sila sa mansyon at nauna na itong lumabas ng sasakyan. Binuhat niya ang ilang mga libro nito at folders na ewan niya kung anong nilalaman. Hinarangan siya ni Xedric sa may pintuan at walang sabi sabing kinuha ang mga dala niya. Mabilis itong umakyat para ilagay ang mga iyon sa kwarto ni Meadow.

"Tara!" Wika nito pagkababa.

"Teka saan-"

"Basta!" At basta na nga lang siya nito hinatak. Dinala siya nito sa likuran sa may pool bago binitiwan ang kanyang kamay. "Here." Abot nito sa isang mango shake. "Pampatanggal pagod."

"Salamat." Inabot niya iyon at akmang sisipsipin ng may kumuha iyon sa kanya. Napaangat siya at nagtama ang mga mata nila ni Meadow. Malamig ang titig nito sa kanya. Hawak na nito ang mango shake at walang sabi sabing pinahawak sa kanya ang isang strawberry shake.

"This is your favorite, right?" Bakit palaga'y niya'y tinatakot siya nito? Saka kelan pa niya naging paborito ang strawberry e melon ang paborito niya? "Drink."

Wala siyang nagawa kundi abutin iyon at inumin. At saan naman nanggaling ang mga shake at bigla na lang nagsisulputan?

"Bakit mo naman ginawa iyon Meadow? I personally made that mango shake for Jen." Pero wala na, malamig pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa Kuya nito habang sinisipsip ang mango shake.

"She doesnt like mango."

Ha? Kailan pa? Bakit parang mas maalam pa ang babaeng ito sa mga gusto niya kesa sa kanya? Hindi nga niya masyadong gusto ang strawberry e.

"And she's my bodyguard." Pagkasabi non ay hinatak siya nito. Ano bang nangyayari at bakit panay hatak ng mga ito sa kanya?

Pagkapasok sa kwarto nito ay ni-locked agad ang pintuan na parang may iba pang papasok kahit wala naman. Nagulat siya ng isandal siya nito sa pintuan. Halos mabitawan niya ang kanyang strawberry shake.

"I told you not to flirt with my brother."

Hindi siya makapaniwalang tumitig rito. Walang emosyon ang mukha nito.

"At sinong nagsabing nilalandi ko ang kapatid mo? Hinatak ako at nagmagandang loob lang na bigyan ako ng shake."

Siniil siya nito ng mapagparusang halik kaya natulos siya sa kanyang kinatatayuan na parang kandila. Heto na naman po sila. Ng makabawi ay lumaban siya rito. Ito naman ang sinandal niya at kinuyumos ng halik ang malambot at matamis nitong labi. Pinakawalan lang niya ito ng halos pangapusan na siya ng hininga. Lumayo siya rito only to find out na nakangisi si Meadow sa kanya.

She just fed her ego right?




Shit!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon