Chapter 16

2.8K 183 13
                                    

Jennifer

Pagdating nila sa ground floor ng building kung nasaan ang parking lot ng condo ay pasilip silip pa siya sa labas bago tinignan ang bata.

"Wait lang ha." Tinanggal niya ang seatbelt nito bago ang seatbelt niya.

"I'm hungry Ate." Natigilan siya sa pagkuha ng kanyang pantalon sa likuran ng magsalita ito. Suot pa kasi niya ang wasak na dress.

"And I'm sleepy too." Nagkusot pa ito ng mga mata.

Sa palagay niya'y hindi na niya kailangan pang magpalit. It's 1:30 kaya wala ng tao ang pagala gala ngayon sa hallway. Besides, mag-e elevator naman sila paakyat. Kinuha na lang niya ang isang jacket at ipinatong sa kanyang mga balikat. Pagkababa nila ay hinawakan niya ang kamay nito bago i-locked ang kanyang sasakyan.

"Ate." Yugyog nito sa kanya bago natigil sa paglalakad. Tinignan niya ito.

"Bakit?"

Tinuro nito ang paa nito. Wala itong tsinelas. Nginitian niya ito bago binuhat. Pumasok sila sa elevator at pinindot ang kanyang floor. Pagdating sa unit ay binuksan niya ang pintuan at ibinaba ang bata bago iyon ni-locked. Ini-on niya ang ilaw at agad nagliwanag ang buong sala. Pagod niyang tinanggal ang kanyang jacket pero natigilan siya ng makitang papalabas si Meadow sa kwarto. Hindi pa sila nito napapansin. Deretso lang kasi itong nagpunta sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Pagbalik ay saka pa lang sila nito napansin. Natigilan ito ng makita silang dalawa ni Xendrick.

Kumapit ang bata sa kamay niya at medyo sumiksik sa kanya.

"Ate who is she?" Inosenteng tanong nito. Mausisa talaga ang batang ito e.

Hindi niya nilulubayan si Meadow ng tingin. Ang kaninang magkatitig na mga mata nila ay bumaba sa kanyang katawan or rather sa damit niyang wasak.

Naiilang siyang nagbawi ng tingin at tinignan si Xendrick na nakatingala sa kanya.

"You're hungry right?"

Tumango ito.

"And you're sleepy too, right?"

"Yes po."

"Then kumain ka ok? Ipaghahanda kita ng makakain." Inakay niya ito papunta sa kitchen habang hindi tinatapunan ng pansin si Meadow na mapanuring nakatingin sa kanya at sa bata.

Pinaupo niya ito sa stall at kumuha siya ng pagkain at binigyan ito kasama na pati ang isang baso ng tubig at isang basong gatas.

"Kumain ka ha para lumakas ka."

"Salamat po, Ate." At magana nga itong kumain. Narinig niya ang mahinang pagsara ni Meadow ng pintuan nito. Bago iyon, himala at hindi ito nagdadabog o naninira ng pintuan.

Pinagsawalang bahala na lang niya ito at pinanood na lang niya ang batang kumain hanggang sa matapos ito. Dumighay pa kaya natawa siya ng magtakip ito ng bibig.

"Oops!" Natatawang sambit nito. "I'm full."

Iniligpit muna niya ang pinagkainan nito bago hinugasan iyon. Inakay niya ang bata sa kanyang kwarto at pinag-sepilyo muna ito. Mabuti at maraming ekstrang kagamitan si Risen. Sabagay, mayaman naman ang lukaret na iyon.

Nauna ng humiga ang bata. She was amaze dahil masunorin ito.

"Are you gonna really find my Dad?"

"Yes. So now you go to sleep then we'll start finding your Dad tomorrow, ok?"

Mabilis itong tumango habang nakangiti sa kanya. She didnt expect that he would hug her.

"Thank you." Dinig niya ang kasiyahan sa boses nito at ramdam niya iyon. Parang may humaplos sa kanyang puso dahil sa simpleng sinabi nito.

Meron din palang magandang naidulot ang kanyang pagsama kay Xyril kanina kahit alam niyang malaking panganib ang dala nito sa buhay niya lalo na ang nangyari kanina. She had saved this little boys life at matutulongan din niya itong maibalik sa Daddy nito.

Meron na siyang nabubuong opinyon sa kung sino ang may anak rito. It was Xedric De Lavego kaya Uncle nito si Xyril. Kung ganun bakit hindi ito alam ni Meadow? Or nagkukunwari lang ang masungit na iyon?

Napabusangot siya bago niyakap ng mas mahigpit ang bata. Mabuti talaga at nakuha niya ang batang ito. Hindi nga rin siya makapaniwalang may kinukulong pa lang bata si Xyril and worst, pamangkin pa nito. Bakit nito kinailangang nakawin ang bata sa Daddy nito at ilayo, itago saka ikulong?

Kumalas siya rito ng yakap pagkatapos halikan ang noo nito. Marami siyang gustong itanong dito pero masyado pa itong bata at baka magugulo lang ang isipan nito. Besides, masyado na ring gabi para dito. Kailangan na nila ng pahinga pareho.

"You go to sleep ok?"

Tumango ito bago nahiga at nagpikit ng mata. "Goodnight Ate."

"Goodnight Xendrick."

May ngiti ang mga labi nitong nakatulog. Tumayo siya't nagpunta sa banyo. Naligo siya't nag-sepilyo. Ng makapagbihis ay nagpatuyo siya ng kanyang buhok.

Nahiga siya sa tabi ni Xendrick at awtomatikong yumakap ito sa kanya. Napangiti siya rito bago hinawi ang ilang mga buhok nitong napunta sa mga mata nito. Hindi pa man niya ito lubosang nakikilala pero nagugustohan na niya ang batang ito.

Hinalikan niya ang noo nito. Nalulungkot din siya dahil hindi niya alam kung gaano na ito katagal nalayo sa mga magulang nito. Nasaan nga ba ang Mommy nito? Mukhang single naman si Xedric De Lavego. Is this his son?

"I'll help you find your Dad and Mom. I promise to bring you back home safe to where you belong."

Napangiti siya ng mapait ng maalala ang pang-iiwan sa kanya ng nanay niya. Ang sabi nito noon ay may bibilhin lamang at hihintayin niya ito but her mother never came back.

Kamusta na kaya ito ngayon?

Napabuntong hininga na lang siya bago nagpikit ng mga mata. She wanted to see her one day kung mabibigyan pa siya ng pagkakataon. She's not mad pero gusto lang niyang malaman kung bakit nito iyon ginawa noon sa kanya. Napatawad na niya ito oo pero gusto niya itong masilayan kahit sa isang huling pagkakataon lang.

Wala namang nagbago. She still missed the woman who brought her to this world.

____

"Kumain kang mabuti."

Nagpalipat lipat ang tingin ni Xendrick sa kanya at kay Meadow na kumakain ng tahimik.

"Why is she not talking Ate?" Takang tanong ni Xendrick sa kanya na halos ikalaki ng mga mata niya rito para suwayin sana. Gumagana na naman ang pagiging madaldal nito.

"Ha? Ah. Kumain ka na Xendrick at titignan ko kung makakalabas tayo mamaya."

Napangiti ito bago kumain. "Ate."

Ano na naman kaya ang naisip nitong sasabihin sa kanya? "Hm?"

"Are you a couple?"

Naibuga ni Meadow ang iniinom nitong choco.

"Xendrick!" Suway niya sa bata pero tumawa lang ito.

Nagulat siya ng pasakan ni Meadow ng hotdog ang bibig nito. "Daldal mo."

Darn!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon