Chapter 13

3.1K 176 5
                                    

Jennifer

Pagpasok niya sa loob ng condo ay agad niya iyong ini-lock bago dumiretso sa kanyang kwarto. Nilapag niya ang kanyang bag sa may kama at nagtanggal ng damit. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Ng matapos ay mabilis siyang nagbihis bago nilinisan ang kanyang sugat at nilagyan iyon ng bandage saka nagpatuyo ng buhok.

Kinuha niya ang bag at nilabas doon ang nakuha niyang envelope. Naupo siya sa may study table at dahan dahan iyong binuksan.

She saw a family picture. Kinuha niya iyon saka tinignan. It was the De Lavego family. Ngayon niya lang natitigan ang Mommy ni Meadow at tulad nito. Maganda si Mrs. De Lavego.

Tinignan niya sa loob at may mga sulat doon. Ibinalik niya ang picture at kumuha ng isang sulat.

It was so stupid how much I love the four of you, maybe even after I'm gone too. I am still here watching over you. Always trap in my heart where I should keep you.

                     _Liriko ..

Napakunot ang kanyang noo. What the hell? Anong ibig sabihin non? At sinong Liriko? Parang namamaalam ang sulat nito. Hindi naman siguro si Mrs. De Lavego ang nagsulat nito diba?

Tinignan niya ang orasan at pasado alas tres na ng madaling araw. Kinuha niya ang kanyang phone ng tumunog iyon. Unknown number.

Agad niya itong sinagot.

"If you got it right. Three birds, one stone." Iyon lang saka na nawala ang tawag.

"Shit!" Frustrated niyang sambit. Sino ba talaga ang tumatawag sa kanya? Inis siyang naupo sa gilid ng kama at nag-isip.

Hindi siya personal na kilala ng taong tumatawag sa kanya. She was sure of that pero alam niyang kilala siya nito bilang isang agent na pwedeng tumulong pero sino ba talaga ito at ano ang pakay nito sa kanya? Nagbibigay nga ng impormasyon kung matatawag ngang impormasyon ang mga sinasabi nito. Pa-konti konti, it wasnt even clear at all. He's giving her small pieces of details and riddles. Bakit hindi na lang nito deretsohin sa kanya kung sino ang may pakana nito at kung sino talaga ang dapat managot?

Mas lalo lang nitong ginugulo ang kanyang utak.

Inis siyang napasabunot sa kanyang buhok! Nakakaasar! Isa pa kasi si Meadow e! Mas mabilis sanang matapos ito kung may kooperasyon lang sana sa kanya pero wala. She's mute!

She's really fucking mute!

Ibinalik niya sa loob ng envelope ang sulat. Marami pa pero bukas na niya iyon titignan. Kailangan na niyang magpahinga at baka siya pa ang magkasakit. Hindi niya magagawa ng tama ang trabaho niya kung sakali. Inilagay niya iyon sa loob ng drawer.

Humiga siya sa kama saka nagpikit. She was hoping na matatapos na ito sa lalong madaling panahon para makausad na siya sa susunod niyang misyon. This is a cold case after all. Nangangapa talaga siya. Andaming nasa harapan niyang pintuan pero isa lang doon ang tamang sagot sa lahat ng kanyang katanungan. Nakakadalawa na siya ng bukas pero mali ang napapasukan niya. Meron pang mga ekstrang pintuan na nakakapagpalito.

What a life!

Kaya kailangan talaga niyang lumabas para mangalap ng impormasyon para mabuo niya ang nilalaro nitong puzzle sa kanya. Siya ang tatapos. But whenever she goes out to find the truth. Kailangan niyang pumasok sa lungga ng mga ito and it was too risky. Kagaya kanina, pinaulanan siya ni Xedric De Lavego ng bala. Mabuti nga't mabilis ang reflexes niya't magaling siyang tumalon at tumambling kundi ay nakahansuday na siya doong walang buhay sa ngayon.

She was trained pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kanya ang swerte.

____

hi daddy! uncle always told me not to cry and I should behave so I could see you. I miss you daddy! come home soon.

                                       Xendrick

Is this some kind of a fucking joke? Sinong Xendrick? Or Xedric? Sulat ba ito ni Xedric De Lavego para kay Mr. De Lavego noon? Pero bakit ganito? Halatang hindi pa ito masyadong matagal na naisulat and it was written by a kid! Halata sa sulat nito. Theres no specific date! Anong ibig sabihin nito? And whos uncle this kid is talking about?

daddy I miss talking to you on the phone but uncle said you forget about me. thats why I was writing a letter so he could send it to you and I was hoping when you read this you will remember to call me.

                                                            Xendrick

Tumayo siya ng mailagay sa loob ang ilan pang mga sulat bago iyon itago sa loob ng drawer. Lumabas siya't nakita niyang nanonood si Meadow sa tv ng kung anu mang pinili nito sa netflix habang may ginagawa ito sa laptop. Nice, mahilig talagang mag-multi task ang masungit na ito.

"Meadow." Tawag niya rito pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. "I want your cooperation."

Nagsalubong ang mga kilay nito habang tutok ang mga mata sa screen ng laptop nito. Halatang hindi nito nagustohan ang pang-iisturbo niya rito. She doesnt have any choice.

"I need informations."

"Im a Professor." Sagot nito sa malamig na boses. "Not an agent."

Nagbilang siya ng lima para pakalmahin ang kanyang sarili. Alam na niyang wala na namang patutungohan ang pag-uusap nilang ito.

"Sinong may anak na sa mga kapatid mo?"

Ilang saglit pa itong nagtipa sa laptop nito while she was waiting! Nakakainis na talaga ang babaeng ito!

"None that I know."

"Wala kang alam o wala talaga?" Kailangan niya ng malinaw na sagot. Pambihira naman itong si Meadow!

"I dont know if youre stupid."

Napabuga siya ng hangin. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at walang emosyon ang mga mata nito. Darn her and her coldness.

"Or just stupidly dumb."

"Nagtatanong ako ng maayos kaya dapat sagutin mo ng maayos. How could I find out kung wala ka man lang kooperasyon! Stop being-"

Malakas nitong isinara ang laptop nito at masama ang tinging ipinukol sa kanya.

"Shut the fuck up." Her voice is cold and firm. Tumayo na ito dala ang laptop. "Stop bugging me." Pabalibag nitong isinara ang pintuan ng makapasok sa loob.

"I cant believe this!" Napapalatak na lang niyang wika.

Such a bitch!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now