Chapter 12

3K 188 9
                                    

Jennifer

Kasalukuyan siyang nakasakay sa kanyang big bike habang nakapark sa hindi mahahagip na bahagi ng isang gilid. Alas onse na ng gabi at gaya ng sinabi niya ay mamanmanan niya ang isa sa mga kambal. It was Xedric De Lavego dahil bestfriend nga nito ang Adam na iyon pero bakit nga ba nito gustong patayin ang kapatid ng matalik nitong kaibigan? Hindi naman siguro nanligaw si Adam kay Meadow at binasted ng babaeng masungit na iyon diba? Pwedeng ganun din iyong rason. Nasisiraan ng bait sa babaeng gusto nito at imbes na mapunta sa iba ay papatayin na lang.

Naghintay pa siya hanggang sa makita niyang lumabas si Xedric sa isang bar. Alcoholic yata ang isang De Lavego na ito. Malayong malayo sa ugali ni Meadow na laging galit sa mundo.

Paano niya nalaman na ito si Xedric De Lavego? Simple lang. Businessman ito at simula ng lumabas ito sa pag-aari nitong building ay sinundan na niya habang si Xyril De Lavego ay may sarili ding building para sa mga pasyente nito.

Binuhay niya ang kanyang big bike pero walang tunog ang lumabas doon dahil sa suppressor nito. Nakapatay din ang mga ilaw para hindi halatang may sumusunod kung sakali. She was using her night vision glass. Thanks to Snow sa pagiging generous nito. They didnt ask for it pero mapagbigay talaga si Snow sa kanila. Ganun naman ito simula nong kupkupin sila, pag-aralin at utang nila rito ang lahat. Wala itong ipinakitang masama sa kanila kaya malaki talaga ang pasasalamat nila at ito ang nakatagpo sa kanila noon.

Napabuntong hininga na lang siya sa mga sentimyento niya.

Mabilis niyang sinundan si Xedric ng umalis na ang sasakyan nito sa lugar na iyon. Humarurot ang sports car nito at alam niyang hindi siya nito mapapansin kaya komportable lang siyang sumunod dito. Ilang minuto lang iyon bago sila makarating sa isang mega mansyon na bahay. So hindi rin pala ito umuuwi sa mansyon ng mga De Lavego minsan. Mayaman naman ito kaya mas nakakapagtaka kung wala itong sariling lungga.

Nakita niyang naka-security code ang gate nito. Siguro mag-isa lang ito sa bahay nito. Mabilis siyang nag-park sa isang sulok na hindi mapapansin ng kahit sino ang kanyang motor. Nagsuot siya ng kanyang bonet. Heto na naman siya sa pagsugod niyang hindi pa niya namamapa ang kanyang pupuntahan. Malamang sa malamang, unang punta pa lang niya ito dito at isa pa hindi rin naman siya makakapag-mapa kung sakali dahil imposibleng magpapasok ang isang Xedric De Lavego sa mega mansyon nito.

She could send a robotic spy creature pero wala na siyang oras.

Ng handa na siya ay bumaba siya sa kanyang big bike at nilagay ang kanyang sticky high tech gloves para pwede siyang mag-ala spider. She doesnt need to use stairs in case na kailangan niyang magpunta sa itaas na bahagi ng mega mansyon ni Xedric De Lavego.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya at tinignan niya kung sino iyon. Si Amber. Kumunot ang kanyang noo pero sinagot niya pa rin iyon. Nakalimutan niyang iwan ang kanyang phone sa condo.

"Amber." Bulong niya.

"Asan ka?"

"Nasa misyon ko." Mahinang sagot niya rito. "Napaka-wrong timing mo. Bakit?"

"I miss you." Napangiti siya pero ewan niya.

"I miss you too pero Amber para kang tanga. May misyon ako. Mag-usap na lang tayo sa susunod." At pinatay na nga niya ang kanyang phone.

Tumingala siya sa bakod. Hindi ito basta basta. Parang mahihirapan siyang pasukin ang mega mansyon nito. Tumalon siya at saka dumikit sa bakod ng gumana ang sticky gloves niya. Napangiwi siya ng sumakit ang kanyang braso. Ang hirap magligtas, ang hirap malagay sa alanganin, ang hirap ng kanilang misyon, minsan ang hirap pang pakisamahan ang kanilang kliyente at ang hirap talagang maghanap buhay. Pambihira!

Napabuga siya ng hangin.

Ilang sandali lang ay nakarating siya sa tuktok ng bakod. Same scenario na naman ng kinahulan siya ng aso sa mansyon ng mga De Lavego. Siguro naman ngayon hindi na siya papalpak. Maingat siyang bumaba sa kabila at ng tuloyang makaapak sa lupa ay mabilis ang galaw niyang tumakbo sa mga parteng hindi naiilawan at mahahagip ng cctv.

Dumikit siya sa dingding at nakitang nakailaw ang ilang parte ng mansyon. Dahan dahan siyang umakyat. Alam niyang nakakatawa ang hitsura niya ngayon dahil para na nga siyang isang gagamba. Kung sinuswerte ka nga naman. Sumakto pa talagang sa kwarto ni Xedric. Nanlaki ang mga mata niya ng sumilip siya sa loob at nakitang naka-briefs lang ito.

Oh her so not virgin eyes!

She like it!

Hindi lang matambok ang likuran kundi matambok din ang harapan nito. Napabuga siya ng hangin. Nasa misyon siya wala siyang karapatang magnasa!

Im just a human! A woman with needs. Kastigo niya sa kanyang sarili.

Nangangalay na siya at nananakit ang kanyang braso. Nakahinga siya ng maluwag ng pumasok ito sa banyo, kinuha niya ang pagkakataong iyon para pumasok sa loob. Mabilis siyang nagpunta sa may bedside table nito at ang unang laman ng drawer ay mga condom. Napairap siya sa ere.

Bwisit!

Boys will always be boys!

Ang pangalawa ay baril at ilang bala. Kumuha siya ng isang bala bago iyon maingat na isinara. Alam niyang ala ninja na siya ngayon pero wala siyang pakialam. Ganito ang kanyang trabaho at ganito siya magtrabaho. Mabilis siyang pumasok sa closet nito dahil palagay niya'y doon ito nagtatago ng mga bagay bagay.

May sampong minuto lang siya para maghalughog. Tinignan niya sa loob ng mga coat nitong nakahanger. Hinawi niya iyon at tumambad sa kanya ang isang button. What's this for? Agad niya iyong pinindot at nagulat siya ng bumukas ang salamin doon. It was a secret vault. Sumilip siya't nakita ang mga dokumentong nandon. Isa lang ang kumuha ng atensyon niya.

Nahagip kasi ng mga mata niya ang isang envelope doon. It says confidential. Mabilis niyang kinuha iyon at saka isinara ang salamin bago inilagay ang envelope sa kanyang manipis at itim na bag. Dali dali siyang lumabas ng closet at narinig niya ang pagpatay ng shower sa loob hudyat na tapos na itong maligo. She doesnt have any choice kundi gumulong ng mabilis pailalim sa kama nito. Buti at mahahaba ang comforter nito kaya't hindi siya nito makikita sa ilalim. Kita niya ang paa nito at ng mapatapat sa kanya ay basta na lang nito tinanggal ang takip na towel dahil kita niya ng bumagsak iyon sa sahig.

Darn!

Ng pumasok ito sa closet ay mabilis siyang lumabas ng walang ingay at saktong kakababa niya sa bintana ng magkatinginan sila nito. Buti at naka-boxer na. Nagulat ito ng makita siya.

"Sino ka?!"

Mabuti at naka-bonet siya't naka eyeglass ng night vision. Hindi siya nito makikilala. There's no way he'll recognize her.

Nagmamadali siyang bumaba at ng makaapak sa lupa ay mabilis siyang tumakbo.

"Come back here!" Sigaw nito.

Narinig niya ang putok ng baril dahil expose na siya ngayon sa labas. She jumped and rolled at mabilis ulit na tumakbo. Tumambling siya bago marinig ulit ang sunod sunod na putok. Mabilis siya ulit na umakyat sa bakod at napangiwi siya ng sumakit ang kanyang namamagang braso. Nasobrahan na siya ngayon sa kakaakyat. Hindi na yata gagaling muna ang sugat niya ngayon. Pagkaakyat niya ay nakita niyang tinutukan ulit siya nito. Pagputok nito ng baril ay tumambling siya patalikod. Maganda naman ang landing niya sa baba pero medyo nanakit lang ang tuhod niya dahil sa taas non at sa bigat niya.

Nagmamadali siyang sumakay sa kanyang big bike at pinaharurot ito.

Hasta la vista De Lavego!

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now