Chapter 40

4.2K 285 48
                                    

Jennifer

Nasa loob siya ngayon ng isang bar para magsaya dahil sa wakas. Tapos na rin ang kanyang misyon pero bakit simula ng umalis siya sa mansyon ng mga De Lavego ay may parte sa kanyang naiwan doon. She felt empty at alam niya kung bakit.

Pilit na sumisiksik ang mukha ni Meadow sa kanyang isipan. Ang walang puso't paasang iyon. Tinungga niya ang kanyang inumin at humingi ulit sa bartender. Gusto niyang kahit ngayon lang ay sumaya naman ang buhay niya. She had enough.

Natulongan na niya ang kanyang pamilya. She was talking about her Mom and Hex. Pinalipat niya ang mga ito sa isang condo. Siya na rin ang tutustos sa pag-aaral ni Hex at magbibigay sa anong kailangan ng mga ito lalo na sa pagpapagamot sa Mama niya kahit man lang paano ay may magawa pa rin siya para dito.

Natigil siya ng may maamoy na pamilyar na pabango. She didnt dare to search or look for it. Siguro ay marami na rin talaga siyang naiinom kaya kung ano anong naaalala niya. Pero hindi, siguro ay kapareho lang nito iyon ng pabango. Naramdaman niyang may umupo sa bar stool sa kanyang tabi pero hindi siya lumingon. Pinaglalaruan niya ang basong hawak habang nakatingin siya roon.

"Ano pong gusto niyong mix Ma'am?" Pasigaw na tanong ng bartender dahil sa lakas ng musika sa loob.

"Dark and stormy."

Para siyang nanigas pagkarinig sa malamyos ngunit malamig na boses na iyon. Ayaw niyang aminin pero totoo. Na-miss niya ang boses nito. And what's with the 'dark and stormy' drink? Gusto ba nitong malasing agad? Teka nga, what is she doing here? Bakit siya mag-iinom?

Natural bar ito Jen! She thought.

Alam niyang medyo may kalakasan ang tolerance nito sa alcohol at may limit ito sa sarili pero kahit na. She's not suppose to be here alone. Was she?

Dahan dahan siyang lumingon rito pero nakatutok lang ang pansin nito sa harapan at base sa itsura nito ay mag-isa lang ito. Sabagay, kelan pa ito naging friendly? At ano bang pakialam niya kung maglasing ang paasang ito? She was her ex-client.

Kitang kita niya ng abutin nito ang inumin. She saw how those long and delicate fingers reached the glass bago nito iyon tinungga ng isang beses.

Damn she's hot.

"Again Ma'am?" Tanong ng bartender at tumango naman ito.

Ng maibigay ang inumin ay ininom ulit nito. Straight shot. May problema ba ang babaeng ito?

Ke-ganda ganda pero lasengga.

"Again." Ito na ngayon ang nagsalita. Just what the heck she was doing? Ni wala nga itong pakialam sa paligid nito o sa mga tingin ng mga kalalakihan habang nagpapakalunod sa alak. Sabagay dati namang wala ng pakialam ito but darn it. Wala ba itong delikadesa?

Tinungga nito ang inumin at humingi ulit.

"No. Hindi mo siya bibigyan!" Banta niya sa bartender at tinitigan ito ng masama.

Napalingon sa kanya si Meadow. And she's just darn gorgeous. Kung noon, ayaw niya sa poker face nito at malamig na tingin. Ngayon, she found it hot!

May lumapit na lalaki kay Meadow at ang laki ng ngisi nito.

"Hey sexy!" Agaw pansin nito kay Meadow pero hindi ito nilingon ng isa at nanatiling nakatutok lang ang tingin sa kanya. "What's your name? Baka gusto mong lumabas saglit at may pupuntahan tayo?" Nag-apiran ang isang grupo ng kalalakihang hindi malayo sa kanila at mukhang kasamahan nito ang mga iyon.

Inilapag niya ang ilang libo ng pera.

"Bayad namin." She said without breaking the eye contact.

"Hey Miss." Agaw pansin ulit ng lalaki at hinawakan pa ang braso ni Meadow.

Nobody touch whats mine! Wait, what?

Tumayo siya't tinanggal ang kamay ng lalaki sa braso ni Meadow.

"Dont touch her." Aniyang nag-iinit ang mukha dahil sa nainom na alak pati na rin ang kanyang ulo dahil sa inis.

Napasipol naman ito. "Wow, another beauty! Pwede na kayong dalawa for us tonight."

Lumingon pa ito sa mga kasamahang lalaki at nag-thumbs up kaya naman nagsigawan ang mga barkada nitong sira ulo. Nagdilim ang paningin niya rito. Pagharap nito sa kanya ay agad niyang sinuntok ng sobrang lakas ang nakangisi nitong mukha. Sapol ito at natumbang nawalan ng malay. Mukhang nahilo dahil umagos pa ang dugo sa ilong nito.

Mabilis niyang hinatak si Meadow at kinaladkad palabas ng bar.

"Hindi ka ba nadadala ha?!" Sermon niya rito habang hatak pa rin ito. Binawi nito ang kamay sa kanya at nag-cross arms pa talaga ito sa dibdib.

"I didnt ask you to help me back there." Malamig nitong wika habang walang emosyon ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Oo nga you didnt pero hindi ako katulad ng iba diyan na tutunganga na lang kapag may mapapahamak na-"

"Stop caring if it-"

"Shut up!" Napasabunot siya sa kanyang buhok bago huminga ng malalim. Ginugulo ng babaeng ito ang isipan niya pati na rin ang nananahimik niyang puso!

"Hey!" Sigaw ng apat na lalaking kakalabas lang ng bar at mukhang sumunod sa kanila. Heto ang mga sira ulong barkada rin ng sira ulong iyon.

"Pumasok ka sa sasakyan!" Wala itong nagawa ng hatakin niya't isakay sa kanyang kotse.

Sabay sabay na lumapit ang apat sa kanya. She doesnt have any choice pero ang maglabas ng baril at iyon ang ginawa niya. Natigilan naman ang apat at mukhang nawala ang kalasingan. Ayaw niyang mapagod sa pakikipaglaban kahit ngayon lang.

"Leave." Aniya at pinaputokan ang harapan ng mga ito ng sunod sunod dahilan para mapaatras ang mga ito bago tumakbo.

Mabilis siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pabalibag niyang isinara bago nag-seatbelt at paandarin iyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela dahil sa inis. Naiinis siya ng sobra sa pagiging careless ni Meadow!

"Your place." Wika nito sa malamig na boses.

"No. Ihahatid kita."

"Then I'll tell them you take advantage of me."

Napabuga siya ng hangin. She couldnt believe this!

"What's wrong with you!" Inis niyang baling rito bago ulit ituon ang pansin sa daan.

Her eyes widened ng maramdaman ang paghalik nito sa kanyang pisngi bago yumakap sa kanya. Iyong inis niya biglang nawala at napalitan iyon ng kaba. Iyong puso niya nagwawala na naman idagdag pang ramdam din niya ang init nito.

"H-hey!" Suway niya rito. "Madidisgrasya tayo Meadow!"

"Nadisgrasya na ang puso ko sayo kaya gusto mo o hindi. Panagutan mo ako."

Ha?

And when she realized what she meant about it. Agad siyang napa-preno at bumaling ng tingin rito.

"What-"

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya ng halikan siya nito.

"Understand?" Mapungay ang mga mata nitong tanong at wala sa huwisyong napatango na lang siya rito. "Now take me home. I'm your wife."

Umawang na ang kanyang mga labi. Wife agad? Hindi ba girlfriend dapat? Wala ng ligaw ligaw? Ano iyon? Ano ba? Mukhang naisahan siya.


Shit!









____

no revision .

kanina ko lang napansin . 6k followers na pala . salamat sa lahat : ) salamat sa bumubuo ng keiros'ians . sana dumami pa tayo . mas marami mas masaya ; ) haha ! enjoy reading !

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now