Chapter 39

3.6K 246 32
                                    

Jennifer

Nakatago siya sa isang bahagi kung saan hindi siya makikita ng kikitain ng binata. She's wondering kung sino itong stalker ni Meadow. Ilang sandali pang paghihintay ay lumapit ang isang lalaking matangkad sa binata. Hindi niya maklaro ang mukha nito dahil nakasuot ito ng hoodie idagdag pang naka-side view ito mula sa kanya. Hindi naman kalayuan pero gusto niya ng sigurado.

Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Matangkad ito at parang pamilyar ang tindig nito. Naningkit ang kanyang mga mata at nilabas ang kanyang baril na may suppressor. Sisigurohin niyang mahuhuli na niya ito ngayon.

Natapos ang pag-uusap ng dalawa at nakita niyang umalis na ang binata pagkatapos may iabot dito ang matangkad na lalaki. Pinagmasdan muna nito ang binatang papalayo. Hinanda na niya ang kanyang sarili para barilin ito pero nagkataong humarap sa kanya at tinanggal nito ang hood dahilan para makita niya ang mukha nito.

Nanlaki ang mga mata niya at napamura ng mahina. Parang umakyat lahat ng dugo sa kanyang mukha at nag-init ang kanyang ulo. Nakita niyang parang may tinatawagan ito.

Without any hesitation. Isang putok ang ginawa niya rito't sapol ang tuhod nito. Nakita niya ng matumba ito at bumunot rin ng baril pero hindi alam kung saan ito itututok.

He couldnt see where she is. Now she could see that he's badly hurt base sa ekspresyon ng mukha nito. Naningkit ang mga mata niya rito at binaril ulit. Sapol sa tuhod kung saan ulit niya ito binaril kanina. Narinig niya itong napahiyaw sa sakit at sunod sunod na nagpaputok sa direksyon niya kahit hindi nito alam ang eksaktong lokasyon niya.

Nakita niyang nawalan na ito ng bala at ibinato ang baril sa kung saan. Sinubukan nitong tumayo pero bumagsak din ulit.

Hinipan niya ang bunganga ng kanyang baril saka ngumisi rito ng marinig ang siren ng mga police kasama na ang ambulansya. Parang sigurado na talaga ang mga itong masasaktan niya't mapapasuko ang lalaki. Kinuntsaba na niya si Grim tungkol dito and she gave an assurance that she could turn him over to them, alive but hurt. Ilang sandali lang ay nakita niyang tinutukan ito ng mga police ng baril.

Dahan dahan siyang lumapit rito at tinignan ang pumapalag na lalaki. Tumingala ito sa kanyang napapaungol sa sakit at nakarehistro ito sa mukha nito.

Tinanggal niya ang kanyang suot na sunglasses at kita niyang nagulat ito sa kanya bago naningkit ang mga mata. Kita ang poot sa mga mata nito at pagkasuklam sa kanya. Oh he's really a psycho. Ganitong ganito ang tingin ni Xyril De Lavego noon. Sayang ang lalaking ito.

"Kung alam ko lang na ikaw ang maglalaglag sa akin sa huli. Nong una pa lang dapat pinatay na kita!"

Lumapit siya rito at medyo tumingala siya dahil sa tangkad nito. Bitbit ito ng dalawang police para makatayo. Walang ano anu'y sinampal niya ito na ikinabaling ng mukha nito. Gusto nitong gumanti sa kanya pero mahigpit ang hawak ng dalawang police rito.

"Malas mo lang at naunahan kita." Walang emosyong wika niya rito.

Kamuntikan na si Meadow kung ganun dahil nakakalapit pala ito dito ng hindi alam ng dalaga. Kahit sabihin pang dine-deadma ito ni Meadow. It's still not safe for her to be with someone like this guy whos secretly dangerous.

"Kapag nakalaya ako, babalikan kita!" Gigil na sigaw nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Tignan lang niya. Matatagalan muna ito sa treatment bago makulong para pagbayaran ang mga naging kasalanan nito. She was sure na hindi lang si Meadow ang naging biktima nito.

"I'm gonna wait for you." Walang ganang sagot niya rito. "But when that time comes, sigurado akong uugod ugod kana, Raymond."

Nagtangis ang bagang nito at matalim siyang tinitigan. Sinipa niya ang tuhod nitong tinamaan niya kanina. Napasigaw ito dahil sa sakit.

"Wala kang karapatang titigan ako ng masama!" Aniya at napatawa si Grim bago umakbay sa kanya.

"Relax mare. Sige na, dalhin na iyan sa hospital. Bantayan niyo." Utos nito sa mga kasamahan at walang nagawa si Raymond ng bitbitin ng mga ito. "Boy halika!" Tawag nito sa binatang nagtago matapos umalis kanina.

"Ang bigat." Reklamo niya sa braso nito bago tinanggal. "Saka hindi tayo magkumare sabi." Aniya pero kinurot lang nito ang kanyang ilong kaya tinampal niya ang kamay nito. Mabilis namang nakalapit ang binata sa kanila.

"Sumama ka sa amin ha. Kailangan namin ng statement mo."

"Opo."

"Tulad ng sinabi ko. Tutulongan kitang makapag-aral." Baling niya rito.

"Salamat po ate."

Ngumiti siya rito bago bumaling kay Grim. "Mauuna na ako. Ikaw nang bahala rito."

"As always. Salamat mare!" Sumaludo pa ito sa kanya.

"Walang anuman, pare!" Ngumisi siya rito at nakita ang mga mata nitong nanlaki. Sinuot niya ang kanyang salamin bago naglakad palayo.

Sumakay siya sa kanyang big bike na itinago sa isang tabi. She wore her helmet bago niya pinaandar at pinasibad iyon papunta sa mansyon ng mga De Lavego.

Palaga'y niya'y nakalaya siya dahil sa wakas. Tapos na rin ang kanyang trabaho pero bakit parang hindi siya masaya? Ibig sabihin lang non, magkakahiwalay na sila ni Meadow ng landas. Diba ito naman ang gusto niya? She even remembered what she said to Meadow.

Wag kang mag-alala. Pagkatapos ng lahat ng ito. I am out of your life and you're out of my business.

Pero bakit parang ang sakit na non ng dating sa kanya at parang naninikip ang dibdib niya? Kahit aamin naman siyang gusto na niya ito. Hindi pwede dahil hindi sila nababagay and she wasn't sure kung gusto rin siya ni Meadow. Nililito lang naman kasi nito ang kanyang damdamin. Paano niya malalamang seryoso ito sa kanya kung wala man lang siyang makitang emosyon mula rito.

Meadow's just giving her false hope.

Pagdating sa mansyon ng mga De Lavego ay tinanggal niya ang suot na helmet at saka inayos ang kanyang sarili. This will be the last.

Naglakad siya papunta sa front door at binuksan iyon. She wasn't surprise to see the De Lavego's whose waiting for her. They knew dahil sinabi na niya kanina. She's really leaving. Kailangan lang niyang tapusin ang deal o usapan nila ni Mr. Zed at Mrs. Melissa De Lavego. Walang emosyong nakatitig si Meadow sa kanya at sobrang lamig ng mga mata nito. Samantalang si Xedric ay mukhang malungkot habang kandong nito si Xendrick.

"Ate! You came back." Salubong ni Xendrick sa kanya at yumakap pa sa kanyang kanang hita. Hinaplos niya ang buhok nito. Samantalang walang imik ang apat na nakatingin sa kanya. Ilang sandali lang ng makalapit siya ay tumayo si Mr. Zed at Mrs. Melissa.

"Salamat sa lahat Miss Hans. Tatanawin naming malaking utang na loob sayo ang lahat kahit pa sabihin mong trabaho lang. And I hope na kapag kailangan namin ng tulong. Anytime ay pwede ka." Inilahad ni Mr. Zed ang kamay nito. "The money's already in your account. Salamat sa serbisyo, Miss Hans."

Kinamayan niya ito. "As long as I'm available, na wala akong ibang misyon. I'll accept it, Mr. De Lavego."

Nagulat naman siya ng yakapin siya ni Mrs. Melissa De Lavego. "Thank you for saving me and my grandson. For protecting my daughter. For everything, Miss Hans."

"Walang anuman po, Mrs. De Lavego. Salamat din sa tiwala."

"I hope it's not the last time we'll see each other." Si Xedric na lumapit at yumakap din sa kanya. Para na niya itong nakatatandang kapatid kaya tinapik lang din niya ang balikat nito.

"You'll see me for sure."

Dahan dahang tumayo si Meadow at hindi matanggal ang paningin niya rito. Para itong may magnet at ang hirap i-resist. Ang ganda lang talaga nito at nakakahipnotismo ang taglay na mga mata.

She didn't made a move when Meadow hug her. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga and just by feeling her breath on her lobe. Nagtaasan na ang mga balahibo niya rito. Only Meadow could make her feel that way at hinding hindi niya makakalimutan ang ibinulong nito sa kanya.

"In time. You will be mine."

What does she mean?

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now