Chapter 18

2.8K 184 5
                                    

Jennifer

Kumakain sila ngayon. Mabuti na lang at madaldal si Xendrick. Wala siyang problema dahil hindi niya alam ang kanyang sasabihin simula kaninang nagkaalaman na. Ngayon alam na niyang mag-tita si Meadow at Xendrick. Dito na lang muna niya iiwan ang bata total ay madali namang natanggap ni Meadow na may pamangkin na nga ito.

The boy's a spitting image of Xedric and Xyril. Whats there not to believe and whats there not to love about this bubbly and charming kid?

Alam niyang kanina pa siya hinuhuli ni Meadow sa pamamagitan ng makahulugang malamig na tingin nito but she wont say any word. She have to beg. Napangisi siya sa kanyang naisip at ginanahang kumain.

"Tita can you call my Dad and tell him to come over and pick me?" Tanong ni Xendrick kay Meadow habang sumusubo ito ng steak at kanin. He's such a good boy.

Tinignan ni Meadow ng seryoso ang pamangkin nito.

"Wont give you back to your coward and dummy Dad."

Naibuga niya ang iniinom niyang tubig at nagkandaubo.

"Are you ok, Ate?"

Itinaas niya ang kanyang kamay to tell him she's alright. Ng maging ok siya ay tinignan niya si Meadow na kampante lang na kumakain. Gusto niya itong samaan ng tingin pero hindi naman ito lumilingon sa kanya. Nakakainis ang babaeng ito.

Bastos!

Maganda bang sabihan nito ng ganun ang bata tungkol sa ama nito?

Kinuha niya ang kanyang mga pinagkainan at hinugasan iyon.

"I'm done." Bibong wika ni Xendrick.

Pinainom ito ni Meadow ng tubig bago punasan ang bibig nito. Gusto niyang mapangiti. May puso rin pala ang masungit na ito.

Bumaba ito ng upuan pagkatapos ay saka ito nagpunta sa sala. Hinugasan rin niya ang pinagkainan ni Xendrick pati na rin kay Meadow. Hindi niya ito tinitignan at ng matapos sa paghuhugas ay pinunasan niya ang kanyang mga kamay saka siya dumiretso sa sala. Iniwan niya si Meadow roon habang naghuhugas rin ito ng mga kamay.

Binuhat niya si Xendrick at dinala ito sa kwarto. This time ay ini-locked niya ang kanyang pintuan pero nakita pa niya ang malamig na titig sa kanya ni Meadow. Baka mamaya ano na naman ang ituro nito sa bata.

"Ate, when will I see my Dad?" Kita niya ang pangungulila nito sa mga mata.

Ngumiti siya rito bago ginulo ang buhok nito. "We cant go out for now ok? But I promise you, you'll see him soon. Mamaya doon ka muna kay Tita mo ok? May aasikasuhin lang ako."

Tumango naman ito sa kanya. Tumunog ang kanyang phone at agad niya itong sinagot. Si Amber!

"Oh?"

"Check the tv. Channel 06-"

"Why? Tungkol-"

"Just go, its all over the news!"

Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang kwarto at nadatnang nanonood si Meadow. Kinuha niya ang remote control at walang pakialam na inilipat niya ang channel.

Napag-alamang nakapasok ang isang lalaki ng walang kahirap hirap sa building ng De Lavego Empire. Binaril nito ang Founder at Owner na si Zed De Lavego. Ayon sa lumabas na imbestigasyon ay inside job ang nangyari. Mabuti na lang at naisugod agad si Mr. De Lavego sa hospital. Ayon sa report, nasa mabuti na itong kalagayan at kasakuluyan na itong nagpapagaling-

Pinatay niya ang tv at tumingin kay Meadow na nakatitig pa rin sa tv hanggang ngayon. Malamig ang mga mata nito at mas lalong nawalan ng emosyon.

Napatingin siya kay Xendrick na nakatayo sa may pintuan ng kwarto, nakasilip ito habang nakahawak sa hamba ng pinto.

"Did you see that?" Si Amber sa kabilang linya.

"I saw it yes and I clearly heard everything."

"Seems like the attacker's desperate. Mag-ingat ka Jen. Mabigat ang kalaban mo't tiyak na gumagawa na sila ngayon ng hakbang para matapos na ang lahat ng ito."

Na-highblood siya sa narinig mula dito.

"Look Amber, they started these things and I got hired for it. To track them down and give whats best for them. I'll give them their doze of medicine at kung kinakailangan kong pumasok sa mga lungga nila just to find out the truth and end all of these mess then be it. I am not afraid even if it would cost me my life. I want justice in every case I handle-"

"Brava Jen! Then goodluck! Just dont die on us you piece of shit!"

Napatingin na lang siya sa kanyang phone ng mamatay iyon. Pinatayan siya ng baklang kaibigan niya.

"Shit!" Aniya at napatingin ulit kay Meadow. "Lalabas ako mamayang gabi. Ikaw muna ang magbantay kay Xendrick."

Tinignan lang siya nito pero hindi nagsalita. Ano nga pala ang silbi ng salita rito. Hindi naman marunong sumagot.

Nag-walked out na lang siya doon.

Alas otso na ng makapaghanda siya. She's determined and ready to end all of these.

"Ate, you going out? Are you coming back anytime soon?" Tanong sa kanya ni Xendrick ng makitang nakabihis na siya.

She's wearing a black leather pants, black leather jacket and black boots. May bag siyang dala kung saan nakalagay ang mga baril niya't patalim.

Alam niya kahit hindi sumagot si Meadow sa kanya kanina ay pumapayag itong alagaan nito ang pamangkin nito. Pumantay siya kay Xendrick at pinagmasdan ang poging bata.

"Hindi agad ako makakabalik Xendrick kaya huwag kang pasaway ha? Dont worry, pagkatapos nito. You will see and be with your Dad again."

"Am I gonna see you, too?"

"For sure, you will." She was surprise ng halikan siya nito sa kanyang pisngi saka yakapin. Yumakap siya rito pabalik bago siya tumayo at tinignan si Meadow.

"Take care of him."

"I know what I'd do."

Sungit!

Nakakasira talaga ng araw ang babaeng ito. Tumunog na naman ang kanyang phone at tinignan iyon. Unregistered number. Is it Wyatt or her mysterious caller again?

Sinagot niya iyon saka ni-loud speaker. Hindi siya nagsalita.

"It was Xyril. Help me." Nagmamakaawang wika nito sa kabila. "The man with two faces it was Xyril."

"Xedric?" Si Meadow.

"Meadow? W-what are you doing-"

"Hey!" She cut him off. "Let's meet so send me the details." Saka na niya iyon pinatay. Ilang saglit lang ay nakatanggap na siya ng mensahe mula rito kung saan sila dapat magkita.

"Why did you cut him off." Masama ang tingin ni Meadow sa kanya at hindi ito mukhang nagtatanong kundi parang statement lang iyon.

Seriously?

"I remembered you once told me. You're not an agent, Miss De Lavego. You're a Professor."

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now