Chapter 3

3.9K 213 2
                                    

Jennifer

Kumuha siya ng laptop pagkatapos makaalis ni Amber at ang babaeng binabantayan nito. Naupo siya sa upuan at ipinatong ang laptop sa lamesa. Alam niyang nakasandal pa rin habang nakatitig si Meadow sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Wala naman siyang mapapala dahil cold treatment naman ang nakukuha niya rito. Besides, hindi sila close.

Pero lintik lang dahil kailangan niya ngayon ang kooperasyon nito.

Tinignan niya ito at tama nga siya dahil nakatitig lang ito ng malamig sa kanya. Gusto niyang mapabuntong hininga. Si Xen dapat ang humawak rito. Xen's impatient. Bagay ang dalawang itong magkapareho sa trabaho kung sakali. Si Xen bilang bodyguard nito at si Meadow bilang matigas ang ulo. Sigurado, mababalian ito ng buto.

"Sit down Miss De Lavego. I have some things to ask you."

She stared at her pero walang nagbago sa ekspresyon ng mukha nito.

"Then ask." Malamig pa sa yelong sabi nito. Gusto niyang mapahilamos sa kanyang mukha dahil wala silang patutunguhan nito. Seryoso, guro ba talaga ang profession nito?

"Tungkol sa mga taong nakapaligid sa inyo." She begun to type something. "Your Mom. Asan siya ngayon?"

Matagal na hindi ito umimik kaya napatingin siya rito. Kung may ilalamig pa ang mga mata nito ay iyon na talaga ang nakita niya ngayon. Magsasalita sana siya ng matigilan dahil sa sinabi nito.

"Gone."

Gone? As in gone na naglayas o gone na wala na, na patay na? Ang hirap naman nitong magbigay ng magandang sagot. Gusto niya kasing malinaw dapat ang lahat. She wanted to know kung bakit ito namatay. Bago niya malaman kung anong nangyayari ngayon ay kailangan muna niyang magsimula sa una.

She averted her gaze at itinuon iyon sa laptop niya. "Why is she gone?"

She started to count in her mind to wait for her answer at pagkatapos ng eight seconds.

"She was killed." She answered venomously.

Doon na siya natigilan sa sinabi nito. Kung napatay ang Mommy nito. Sino ang may gawa non? Dapat ay sumabog na iyon sa media noon. Bakit walang lumabas na balita?

"Ilang taon na siyang wala? Did they knew who killed her? What about her case?" Sunod sunod niyang tanong dito dahil kung iisa-isahin niya ay aabutin na sila hanggang umaga sa klase ng pagsagot nito. Well, atleast sumasagot nga kahit maikli dahil akala niya ay isa itong pipi.

"Three years."

Napabuntong hininga na siya sa ikli ng sagot nito. Wala! Wala silang matatapos kung ganito!

"Didnt know who did it."

Medyo nawawalan na talaga siya ng pasensya kay Meadow. Kung pwede lang sanang yugyogin ito para sumagot agad.

"No case."

What?!

Tatlong taon na pala at hindi man lang alam kung sino ang may gawa non? Worst, walang kaso? Parang may mali. Zed De Lavego's powerful. Maimpluwensya itong tao kaya bakit walang nangyari sa kaso ng asawa nito? Something isn't right, hindi ba't kapag napatay ay maghahabol ng hustisya? At bakit walang lumabas na balitang patay na ang asawa nito? Zed might have paid a big amount of money para magawa nitong itago ang pagkamatay ng asawa nito but why?

"How about your older brothers? What's their work? And where are they ng mangyari ang insidente?"

Nagtipa siya ng ilang detalye sa laptop habang hinihintay ang sagot nito.

"Night at home."

Thats it?

Thats it! Marahas siyang tumayo at kumuha ng malamig na tubig sa loob ng ref at deretso iyong ininom. She took out her phone saka idinial si Amber.

"Jen! Bakit? May problema ba?"

"Contact Wyatt. Ngayon na, tell her to send me informations about Zed De Lavego and his two sons. I want all of it, Amber." Si Amber kasi ang may direct contact rito. Wyatt often change her number at minsan mga unregistered ang mga number na ginagamit nito.

Natawa ito sa kabilang linya. "Chill, Jen. Mukhang problemado ka sa kasama mo eh."

"At parang ikaw hindi." Sarkastiko niyang wika rito. "Tell her to send me about it immediately. As in ngayon na, Amber." Hindi na niya hinintay pang makasagot ito. She ended the call.

Napabuntong hininga siya bago siya nag-timpla ng choco. Ng matapos ay gumawa na rin siya ng sandwich para kay Meadow. Anong oras lang kasi sila nakaalis kanina kaya alam niyang hindi pa ito nag-uumagahan.

Inilapag niya iyon sa lamesa at sinamahan na rin ng dalawang mineral water. Iyong normal na tubig at ang isa ay malamig. Hindi naman niya alam kung anong gusto nito at ayaw niyang magtanong dahil wala siyang mahihita dito.

"Eat." Utos niya't hindi ito tinapunan ng tingin. Kita naman niya sa gilid ng kanyang mga matang kumilos ito habang suot pa rin ang sunglass niya.

Naupo siya kasabay non ang pag-upo nito saka kumain. Napatuwid siya ng makatanggap ng email mula kay Wyatt. Agad niya iyong pinindot at binasa ang nilalaman non.

Xedric and Xyril De Lavego. Kambal ang dalawang ito?

Xedric was known for being a businessman habang si Xyril ay isang psychologist at painter. Pareho ang mamanahin ng dalawa samantalang mas marami ang mapupunta kay Meadow.

Habang ang ama ng mga itong si Zed De Lavego ay walang record ng kahit anong anomalya nito. Walang isyu sa mga kompanyang pinapatakbo. The guy must be good and fair. Pero palaisipan pa rin sa kanya kung bakit walang nabuksang kaso sa asawa nitong si Melissa De Lavego.

Ano ba talagang nangyari?

It doesnt even make any sense dahil wala siyang alam o kilalang taong pwedeng maging lead sa mga tanong na gusto niyang malaman. So this is the only information Wyatt got?

Nakita niyang may tumatawag sa kanyang unknown number. Walang pag-aalinlangang sinagot niya iyon.

"Hey, it's Wyatt!"

Nagliwanag ang mukha niya ng matukoy kung sino ito.

"Hey! So do you have any other informations?" She was hoping na meron.

Wyatt giggled. "Kaya tumawag ako para personal na sabihin sayo."

Napangiti siya't napasandal pero nawala iyon ng dumako ang paningin niya kay Meadow na malamig ang tingin sa kanya. Kahit nakasuot pa siya ng sunglass ay parang tumatagos pa rin ang mga titig nito.

"So what about it?" Kahit kailan ay maaasahan talaga si Wyatt.  Hindi na siya makapaghintay sa sasabihin nito.

"Ng gabing mapatay si Mrs. De Lavego. Hindi talaga siya ang pakay ng taong iyon kundi ang kaisa isang anak nitong babae." So it was Meadow. "Wala akong ibang makalap na impormasyon kung bakit siya ang target. Sa record ko rito. Wala pa iyong nagiging nobyo. Maraming nanligaw pero hanggang doon lang yon." Alam niya iyon. Sa klase ba naman ng kasungitan at kalamigan nito. Malamang walang makakatiyaga.

"Hindi nagkaroon ng kaso dahil napatay din ni Xyril De Lavego ang pumatay kay Mrs. De Lavego ng gabing iyon bago pa ito makatakas."

"What?!" Aniyang halos mapaangat pa sa kanyang kinauupuan. "Was it paid?"

"Tama ka Jen, nagbayad si Mr. Zed De Lavego ng malaking halaga para hindi lumabas ang balitang iyon. They called it quits pero hindi ko na alam kung bakit hindi nila tinunton pa o pinaimbestigahan kung sino talaga ang may pakanang magpapatay kay Miss De Lavego."

At dahil doon ay masama ang kanyang kutob.

"Thanks Wyatt."

"Anything Jen."

Pagbaling niya ng tingin ay kitang kita niya ang masamang titig ni Meadow sa kanya.


Problema ng babaeng ito?

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now