Chapter 33

3.2K 215 30
                                    

Jennifer

Gusto niyang ipukpok ang kanyang ulo. Why on earth did she kissed Meadow? Hindi niya makakalimutan ang ngisi nitong nakapagkit sa isipan niya. She looked like a beautiful devil.

"Jen-"

Agad siyang napatingala sa gulat at binunot ang kanyang baril.

"Whoa easy!" Natatawang wika ni Xedric sa kanya at itinaas pa ang dalawang kamay nito sa ere na parang sumusuko.

"You startled me."

"Malalim lang ang iniisip mo."

Naupo ito sa kanyang tabi. Nasa tabi kasi siya ngayon ng pool at nagmumuni muni. Tulog naman na kasi ang binabantayan niya kaya nagdesisyon siyang magpahangin muna.

"Alam mo bang malaki ang paghanga ko sayo. I didnt even know it was you when you stole my envelope pero napahanga talaga ako noon. Ang galing mo." Puri nito.

Agad niyang ibinalik ang kanyang baril sa kinalalagyan nito.

"I'm sorry about that. I thought-"

"You thought na kalaban mo ako? Sa itsura kong ito pagkakamalan mo akong masama?"

Napangiti siya rito. "Looks can be deceiving."

"Right. But dont be sorry. Thank you for saving my son and my Mom. I owe you."

"You dont owe me anything. Pero mas magaling ka. Imagine? Pinagbabaril mo ako."

Natawa ito sa kanya. "It's your fault anyway. Sino ba kasi ang nagsabing pasukin mo ang bahay ko't magnakaw ka? Naiintindihan ko kung bakit mo ginawa iyon but you're a pro you know that?"

"It takes a lot of training pero malimit din kaming magkamali." Aniya.

Tinitigan siya nito kaya siya naiilang ngayon.

"You're simple yet attractive. Simpleng maganda."

Naramdaman niyang nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa papuri nito. Or should she say sa mga pambobola nito.

"Kung maayos na ang lahat at tapos na ang trabaho mo. Do you think mabibigyan mo ako ng pagkakataon?"

Pinitik niya ang noo nito.

"Stop staring like that."

"Bakit? Naaapektuhan ka ba?" Nagpa-cute ito sa kanya. "Ang guwapo ko diba?"

Siya naman ngayon ang natawa rito. "Ang hangin mo."

"But kidding aside. May pag-asa kaya ako sayo?"

Umiling siya rito. "Parang Kuya ang turing ko sayo, Mr. De Lavego."

"Why the formality?"

"Para malaman mong seryoso ako sa sinasabi ko sayo."

Tumango ito sa kanya. "You like someone, right?"

Kumunot ang kanyang noo. "Nope."

"Yes you do. Kita ko sa mga mata mo. So who is it?"

Siya? Magkakagusto? Kanino naman? Sino?

"Wala nga."

Pinakatitigan pa siya nito lalo. Naiilang siya sa totoo lang. Bakit ba ang hilig tumitig ng mga De Lavego?

"Or you're not aware of your feelings?"

Natawa siya rito pero natahimik din ng makitang seryoso nga ito.

She let out a sigh. "I dont like someone or anyone else. Wala akong oras para sa ganyan."

"So you're planning to grow old alone?"

"Hindi naman. Kapag natagpuan ko na. Syempre susugal ako para sa kanya."

"Ang swerte naman ng taong iyon." Umayos ito ng upo saka tumingala para titigan ang buwan. "So pagkatapos ng misyon mong ito. What's next?"

Napatingala rin siya at tinitigan ang buwan.

"Andami kong kailangang gawin at tapusin. I just found my mother lately at hindi ko alam kung papaano ako magri-reach out. I wanna help them pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula. May nagsasabi sa akin na huwag na dahil sa ginawa niya noon sa akin pero naisip ko. Hindi ko kaya kasi kapag ginawa ko ang bagay na iyon. Wala rin akong pinagkaiba sa nagawa niya."

Napahinga siya ng malalim. "Napatawad ko na siya pero nakumpirma ko ang bagay na iyon ng marinig ko mismo sa kanya na hinanap niya ako. And I know that she's sincere, I felt it, I saw it. Pinagsisihan niya ang kanyang nagawa. Masakit ang nangyari sa akin dahil sa ginawa niya pero mas masakit pa lang makitang nagdurusa ang iyong ina at wala kang magawa. Iniwan man ako, lumaki naman akong sagana."

"Hey." Baling nito sa kanya. "Forgiving isn't bad but dying without forgiving is worst. You have to forget para makapagpatawad ka. You did the right thing, Jen."

"I know."

"And you're good in confessing without knowing."

Oo nga no? Sa bigat siguro ng dinadala niya ay nagagawa na niyang magkwento ng hindi namamalayan. Ramdam niyang nabawasan ang kanyang dinadala kahit papaano.

"What about you? Naka-move on kana ba sa pagkawala ng asawa mo?" Baling niya rito. Kita niya ang totoong ngiti nito.

"I did pero hindi naman siya nawala sa puso ko. I accept the fact that she's gone and I must move forward. Hindi lang para sa akin kundi alang alang kay Xendrick. I still want to be happy you know, makatagpo ulit ng babaeng magmamahal sa akin ng tunay at tanggap ang anak ko."

"Marami pa diyan I'm sure. Malay mo sa trabaho nakakasalamuha mo pero dimo lang napapansin."

"Kung magsalita ka parang alam mo ang lahat. Ikaw nga itong gusto ko pero tinatanggihan mo naman ako. Ouch!" Sinapo pa nito ang dibdib at kunwaring nasaktan. Natawa siya rito at tinampal ang braso nito.

"Sira! I like you-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng may tumikhim sa likuran nila. At base sa tono at amoy nito ay alam na niya kung sino. It was no other than Meadow. Naunang lumingon si Xedric sa kapatid nito at siya? Well, parang ayaw niyang makita ang mukha nito pero wala naman siyang mapagpipilian kaya dahan dahan siyang napalingon dito at base sa mukha nitong walang emosyon ay masama na naman ang timpla nito. Diba natutulog na ito kanina? How come she's awake lalo na't may pasok pa ito bukas?

Malamig ang mga mata nito sa ilalim ng buwan. Nagsimulang kumabog ang puso niya dahil dito. Kinakabahan na naman siya. Malapit na siguro siyang atakihin sa puso!

"Oh sis bakit gising ka pa? May pasok ka pa bukas." Tanong rito ni Xedric pero hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang nakatatandang kapatid. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya ng malamig.

"Im uncomfortable knowing I dont have someone to protect me." Pati boses nito malamig.

E siya kaya? Sinong po-protekta sa pangha-harass ni Meadow sa kanya?

Ngumiti siya kay Xedric ng alanganin. "I have to go, Xed. Salamat sa oras."

"Yeah sure. I'm always here."

Tumayo na siya't sumunod sa impakta. Wala silang imikan hanggang sa makarating sa may silid nito.

"Sleep." Wika nito kaya napatingin siya ritong parang nasisiraan ng ulo.

"Ikaw ang matulog dahil ikaw ang may pasok bukas. Ikaw ang babantayan ko."

"You're not doing it so ikaw na lang ang babantayan ko." Malamig na wika nito.

Teka nga. Sino ba talaga ang nababantayan ngayon at tinatrabaho? Diba siya? Bakit baliktad yata ngayon? Parang siya ang binabantayan nito.

"Meadow, wala kang karapatang-"

"Shut up." Putol nito sa kanya at saka siya nito nilapitan ng husto. Heto na naman ang magandang manyakis na ito. "I have all the rights, believe me." Sobrang lamig ng mga mata nito. Nanunuot.

But now, she's speechless.

Damn.

Destined To Be Yours 2 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora