Chapter 22

3.3K 210 27
                                    

Jennifer

"Ate!"

Tumakbo si Xendrick papunta sa kanya pagkabukas pa lang niya ng pintuan ng condo ni Risen. Alam niya kung bakit gising pa si Xendrick o sadyang ginising lang talaga ang bata dahil nasa condo rin ang ama nitong si Xedric. Malamang ay susunduin na nito ang anak nito. Nadatnan niya kasing karga karga ito ni Xedric habang si Meadow ay walang imik na nakaupo sa pang-isahang couch. As usual, she's mute.

Alam niyang nakapasok si Xedric dahil tinawagan siguro nito si Meadow.

Yumakap ang bata sa kanyang hita habang nakatingala at mapungay itong nakangiti sa kanya. Gusto niyang matawa sa itsura nito. Ang cute lang. Bakit kasi ito kailangang gisingin kung pwede namang buhatin na lang? Pero siguro mas maganda nga para naman makapag-paalam siya rito.

He's a sweet young boy.

Sana lang ay hindi ito magbago at maturuan ng maganda ni Xedric. Swerte ang mamahalin nitong babae pagdating ng tamang panahon.

Hinaplos niya ang buhok nito.

"Hey buddy."

"Come Ate." Hinawakan nito ang kanyang kamay at napapangiti siyang nagpahatak dito. "Dad! She's what I'm talking about." Pagmamalaki nito sa ama kaya natawa lang si Xedric at ginulo ang buhok nito.

"I know, son. Thanks to her. She led me to you." Amuse siyang tinignan ni Xedric at gusto niyang magtaas ng isang kilay ng makitang kinindatan siya nito.

Wala sa loob na napatingin siya kay Meadow at masama itong nakatingin sa kanya. Seryoso? Maghihiwalay na nga ang landas nilang dalawa. Masama pa rin ang timpla nito sa kanya. Napaka-imposible talaga ng babaeng ito.

Ngayon alam na niya. Lahi ng tupakin ang mga De Lavego.

"Thanks to your dear brother." Aniya rito.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa kitchen para uminom ng tubig ng matigilan siya sa tanong ni Xedric.

"Where's Xyril? Did you kill him?"

She sighed.

Hindi siya ganun kabaliw para pumatay pa ng mas baliw sa kanya. She didnt look back.

"Hawak na siya ng mga police ngayon. He will be staying in a mental hospital for awhile. When he gets better, he will pay for everything."

Sobrang sakit ng tagiliran at tiyan niya ngayon. Idagdag pa ang kanyang braso. Gusto na niyang magpahinga pero hindi naman niya magawang ipagtabuyan si Xedric pati na rin si Meadow kung aalis na rin ito.

Dahan dahan siyang pumihit paharap sa mga ito at tinitigan sa mata si Meadow bago si Xedric.

"Wala ako sa posisyon para magsabi ng mga bagay bagay pero sa tingin ko. Nararapat lang din na malaman niyong buhay nga ang Mommy niyo."

Kita niyang nanlaki ang mga mata ni Xedric sa kanya dahil sa pagkagulat. She saw his mouth tried to open para magsalita pero sinara din ulit nito. Alam niyang nawalan ito ng boses dahil sa nalaman at alam niyang nagulat ito sa sinabi niya pero iyon naman ang totoo. Sa tingin niya, hindi pa nasasabi ni Xendrick  sa ama nito ang mga nakita nito sa mansyon ni Xyril dati.

"What?!" Malakas na sigaw ni Xedric ng makuha ang boses nito. "How? I thought she- She was dead, no?"

"No, Mrs. De Lavego's alive."

"She is!" Sabat ni Xendrick sa kanila kaya't napatingin si Xedric sa anak nito. "I saw her before when I was there, Daddy. She's my grandma."

"Thatsanafabitch." Mahinang mura ni Xedric para hindi maintindihan ng anak nito but she had heard him clearly. "Where is she?!"

She crossed her arms in her chest. "Dinala na sa hospital na pinakamalapit sa mansyon ng kapatid mo."

"Then I gotta go." Tumayo ito saka binuhat si Xendrick.

"I'll come." Si Meadow at tumayo na rin ito saka nagpunta sa sarili nitong kwarto. Pagbalik ay nakabihis na ito saka dala-dala ang mga gamit nito.

Sa tingin niya ay hindi na niya kailangan pang samahan ang mga ito. Tapos na ang trabaho niya right? Pero paano ba iyan, hindi pa niya ito naihahatid kay Zed De Lavego para opisyal na matapos ang usapan nila nito. Responsibilidad pa rin niya si Meadow hanggat hindi niya ito naibabalik sa ama nito.

Shit.

Napabuntong hininga siya.

"Let's go." Nagpunta lang siya sa kitchen para kumuha ng bottled water at ininom iyon. Kanina pa siya uhaw na uhaw.

Kinuha niya kay Meadow ang ilang gamit nito at siya na ang nagbuhat kahit masama ang tingin nito sa kanya. She didnt mind her. Sinara niya ang pintuan ng condo ni Risen at dumiretso sila sa elevator. She pressed the G as the ground floor kung saan ang parking lot ng building.

Napangiti siya ng masulyapan si Xendrick na nakapikit na't nakasandal sa balikat ng ama nito. Sa palaga'y niya'y inantok na ulit ito. Nakakatuwa ang mag-amang ito. Parang pinag-biyak na bunga. Xedric De Lavego's an ideal father. He seems responsible and a loving Dad to Xendrick.

Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit sa kanyang kaliwang paa. Dahan dahan siyang lumingon kay Meadow at patay malisya itong tumingin sa ibang direksyon. Great. May saltik talaga ang babaeng ito e.

Inapakan ba naman ang kanyang mga daliri sa paa.

Hindi na lang niya ito pinansin at nauna ng maglakad palabas ng bumukas ang elevator. Mamaya baka baliin na nito ang kanyang daliri. Hindi pa naman siya makapag-reklamo. Kliyente niya ang palalong ito.

Sumakay ang mga ito sa sasakyan ni Xedric at siya sa kanyang big bike. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating sila sa hospital na pinagdalhan ng mga paramedics kay Mrs. De Lavego.

Nagmamadaling bumaba si Xedric at Meadow at iniwan sa kanya ang natutulog na si Xendrick. Naiintindihan niya dahil bawal ang bata sa loob ng hospital. May age limit kasi unless ang bata mismo ang may sakit.

Naglagi sila ni Xendrick sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang magkapatid. Mga ilang oras din bago dumating si Meadow. Ayaw niyang magtanong kung nasaan si Xedric. Siguro ito ang nagboluntaryong maiwan muna at magbantay sa loob.

Bumaba siya ng sasakyan at iniwan si Xendrick sa backseat na natutulog.

"Where you going?" Walang emosyong tanong ni Meadow sa kanya.

"Sa motor ko. Magbabantay pa rin total nandito ka naman, ikaw na muna ang titingin kay Xendrick." Sa totoo lang ay naaalibadbaran siyang makasama ito sa iisang lugar. Sa loob ng kotse pa kaya? No-no.

"I dont care." Malamig nitong wika sa kanya. "Just sit."

Ginawa naman siya nitong tuta.

The heck!

______

NO REVISION tu ah . read at your own risk

Destined To Be Yours 2 (Completed)Where stories live. Discover now