Chapter 34

3.2K 212 18
                                    

Jennifer

"Hello?" Sagot niya habang nagmamaneho kasama si Meadow. She put it in a loud speaker. Tahimik lang naman itong nakaupo sa kanyang tabi habang nakatingin sa bintana partikular sa kanilang mga nadadaanan.

"Jen! Birthday ngayon ni Snow. Huwag mong sabihing hindi ka makakapunta?" Bungad sa kanya ni Xen.

Napabuntong hininga siya ng maalalang birthday nga pala ni Snow ngayon. Wala pa siyang nakakaligtaang mga ganitong pagtitipon lalo na ang importanteng okasyon ng taong tinuring niyang kapatid, kaibigan at utang na loob niya ang lahat ng meron siya ngayon dito. Pero paano ngayon niyan? Nasa misyon siya. Nagagawan niya noon ng paraan pero parang malabo ngayong si Meadow ang binabantayan niya dahil binabantayan din siya nito. Kung nasaan ito dapat nandon siya at kung nasaan siya ay bantay sarado din siya nito. Ayaw niyang mapahamak si Meadow kapag sinama niya kung sakali. She shouldnt mix pleasure sa kanyang trabaho.

On the way pa naman sila sa ka-deal ni Meadow na kliyente. Ngayon lang niya nalaman na may hinahawakan rin pa lang parte si Meadow sa negosyo ng mga ito kaya pala malimit itong gumamit ng laptop pero ngayon ay inutusan ito ng Daddy nitong si Zed De Lavego para kitain ang isang kliyente dahil may importante rin itong aasikasuhin.

So now, she's here with the cold woman, Meadow.

"Kasi Xen, hindi pwede. Nasa trabaho ako. Pakisabi na lang kay Snow na babawi ako sa susunod." Kahit labag sa kanyang loob ay wala siyang mapagpipilian.

Narinig niya itong umungol sa kabilang linya. She sounded so frustrated.

"Jen pambihira ka naman! Alam mo namang palagi tayong kompleto kapag ganito. Hindi ka pwedeng mawala, hahanapin ka non kung sakali saka nakakatampo ka naman. Minsan lang ito." Maktol nito sa kanya.

Alam naman niya iyon pero nahahati siya ngayon sa kanyang trabaho at sa kaarawan ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Paano ba niya iyon masosolusyonan? Kung pupunta siya, paano si Meadow? Hindi siya irresponsable para pabayaan ang kanyang trabaho.

"Xen sorry talaga. Hindi ako makakapunta. May trababo ako. Sa susunod na lang. Pakisabi kay Snow na-"

"We'll go." Putol sa kanya ni Meadow. Napatingin siya rito at nananatili pa rin itong nakatingin sa bintana ngayon.

"Anong we'll go? Sino iyon?" Tanong ni Xen sa kanya.

"Ah, ano-"

"Jen's my lover." Walang pakundangang sagot ng impakta kaya nanlaki ang kanyang mga mata.

Sinungaling!

"Lover girl kana ngayon, Jen? Dika nagsasabi napakahayop mo-" Pinatay niya ang tawag nito. Tumunog ulit iyon pero kinancel na niya sabay off ng phone para hindi ito isturbo.

Napahinga siya ng malalim at seryosong itinutok ang kanyang mga paningin sa daan. Kinokontrol niya ang kanyang sarili dahil nakakawalang pasensya na si Meadow sa totoo lang.

Why would she say that she's her lover? Ha! Baliktad yata? Ito nga ang lover niya e. Magnanakaw ito ng halik at may nalalaman pang karapatan.

Karapatan my ass!

Malapit na sila sa kanilang destinasyon kaya mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagpapatakbo. Naaalibadbaran siya sa katapangan ng katabi niya ngayon.

She's not only sarcastic, cold, bitch, snob, and dense but also she's a total ignorant. Oo! Ignorante ito sa paligid nito. Whatever she wants she gets it in a silent way. That dangerous!

She's almost like a harridan!

Meadow. Meadow. Meadow.

Malapit na siyang ugatan dahil sa babaeng ito. She just couldnt accept how stubborn she is. Maisip pa lang na lover siya nito ay kinikilabutan na siya.

Oo nga't maganda ito, sexy, matalino kaya lang bumagsak naman sa GMRC! Iyon pa naman ang importante sa kanya at naturingan pa man din itong Propesora!

Hindi naman ganito si Miss Hollier at Miss Reyes nong naging Propesora nila ang dalawang iyon. Katunayan ay mabait sila. Ang swerte nga ni Snow at Risen pero kay Meadow? Minamalas siguro. E diba nga Propesora din ang kliyente ni Amber at minamanyak din siya non? Anong nangyari sa mga Professors ngayon? Nag-evolve din ba?

Kapag siya nagkaroon ng anak. Nungka kung pagiging guro ang kukunin nito. Hindi siya makakapayag!

"What's wrong with you? Wala ka bang kahihiyan para sabihin ang bagay na iyon?" Hindi rin siya nakatiis dahil naiinis siya. Nakakahiya sa parte niya iyon. Akalain pa ng mga kaibigan niya ay maloko siya't tine-take advantage ang mga nagiging kliyente niya. Meadow's ruining her reputation!

"What would they tell about me? Hindi mo ba alam-"

"Wala akong pakialam." Pabalang na sagot nito with that cold and mono tone voice.

Huminga siya ng malalim. This woman, she's probably not a human.

"Look Meadow. Halos mga kapatid ko na ang mga iyon at respetado silang mga tao-"

"No big deal." Umayos ito ng upo since malapit na sila sa parkingan.

Sabi nga niya. Nakalimutan niyang wala nga pala itong kwentang kausap. Hindi na siya umimik pa dahil hindi rin naman siya mananalo rito kahit kelan. Ng makarating doon sa meeting place ay matiyaga lang siyang naghintay hanggang sa matapos ang usapan ni Meadow at ng kliyente nito.

"Let's go to your friends house." Kaswal na sabi nito.

Parang tangang wala lang nangyari kanina. After what Meadow told Xen na lover siya nito, ngayon naman may gana pang magpakita? Unbelievable.

"No."

"No buts, no ifs."

Shit!

"Iuuwi na kita-"

"Dont make me do something stupid, idiot."

"You already did! You just did something stupid Meadow and I did looked like an idiot awhile ago."

Tinignan siya nito ng malamig. "Are you done?" Damn her coldness. "Stubborn."

Napanganga na lang siya sa inis at talagang hindi siya makapaniwala rito. How on earth she had live for the past years like this? How?

"Drive." Malamig na utos nito.

"Dont talk." Hindi niya napigilan ang inis sa kanyang boses. Nakakainis naman talaga. Kinakabahan talaga siya kapag nagsasalita ito e, maikli na nga lang wala pang ka-kwenta kwenta!

Pinaandar niya ang sasakyan at nilisan ang lugar na iyon.

"Your friends house."

"No."

Naririnig niyang nagtitipa ito kaya hindi niya ito pinansin. Bahala ito! She had enough of her games and its not funny anymore.

"We're coming."

Anong we're coming?

Pagtingin niya ay cellphone niya ang hawak nito. Naalala niyang ipinatong pala niya iyon kanina sa may dashboard. Gusto niyang iuntog ang kanyang ulo sa manibela ngayon.

She wanted to get her phone pero hindi naman niya magawa dahil baka madisgrasya pa sila. Sigurado din naman siyang hindi basta basta ibibigay ni Meadow iyon sa kanya. Knowing her, she doesnt care at all.

Wala siyang nagawa ng ilapag na nito ang kanyang cellphone sa may dashboard. Nakita niya ulit itong ngumisi sa kanya.

Darn woman!

Destined To Be Yours 2 (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara