Chapter 7

3.4K 199 14
                                    

Jennifer

Inayos niya ang kanyang itim na hoodie. Naka-black leather din siyang pants at naka-gloves. She's like a ninja at oo. Tonight, magmamanman siya mismo sa mansyon ng mga De Lavego. She needs some answers, she find it odd dahil hindi nagsampa ng kaso ang mga ito sa pumatay kay Mrs. De Lavego noon. They called it quits pero kung siya ang tatanungin. Hindi basta basta ganun kung ang hinahanap ay totoong hustisya. Napatay nga ang gunman ni Mrs. De Lavego noon pero ang taong nasa likuran non ay nananatiling malaya.

Naniniwala din siyang nasa malapit lang talaga ang may pakana ng lahat ng ito. It seems that this person knew everything kaya kailangan niya ng todong pag-iingat.

It was middle of the night already at malamang ay tulog na si Meadow. Sinadya niya talagang magpagabi ng sobra. Tanga na lang ang magpapahuli kung sakali.

She took her bonet.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at maingat na isinara ang kanyang pintuan. Agad siyang bumunot ng baril ng bigla nalang lumitaw si Meadow mula sa kitchen habang may dalang isang baso ng tubig.

"Shit!" Inis niyang sambit.

Kahit kelan basta basta nalang sumusulpot ang babaeng ito. Natigil rin ito ng makitang nakatutok ang baril dito pero kagaya ng dati ay walang kaemo-emosyon ang mukha nito. Binaba niya ang baril at ibinalik sa lalagyan nito.

Nagpatuloy itong naglakad at pabalibag pang isinara ang pintuan ng makapasok ito sa loob ng sariling kwarto.

Parang lagi itong may red tide. Napakasungit!

Lumabas siya ng condo at mabilis na sumakay ng elevator. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan ng makapasok sa loob at dumiretso sa kanilang sikretong opisina. Iniwan niya ang kanyang sasakyan doon at sumakay sa kanyang motor. Mabilis agad niya itong pinatakbo paalis doon upang makarating agad sa mansyon ng mga De Lavego.

Ilang minuto lang ang kanyang tinakbo dahil sa kanyang bilis. Iniwan niya sa isang tabi ang kanyang motor. Sa tabi ng isang puno kung saan hindi ito mapapansin. Nagsuot siya ng kanyang bonet at tumakbo hanggang sa makalapit siya sa mansyon ng mga De Lavego. Umakyat siya sa isang puno at dahan dahang sumampa sa mataas na bakod.

She saw those cctv's at tinantiya niya talaga kung hanggang saan ang mahahagip nito. She wasnt really aware what to do pero gusto niyang may matuklasan man lang. She was desperate. Lilipat na sana siya ng pwesto ng umilaw ang likurang bahagi ng mansyon kung nasaan ang pool. Sino kayang gising pa ang maliligo sa ngayon?

Nasa gilid kasi siyang parte ng mansyon kaya kailangan niyang mag-balance para makapunta sa likurang bahagi ng mansyon. Dahan dahan siyang naglakad sa itaas ng bakod at tumigil ng makita ang isang matangkad na lalaki. Gwapo ito at matipuno dahil nakasuot lang ito ng boxer. He must be Meadow's brother dahil may hawig ito sa masungit na babaeng iyon pero sino ito sa kambal na De Lavego?

Is it Xedric or Xyril?

Mukhang may malalim itong iniisip. Halos maubos na nito ang isang bote ng beer ng lumapit rito ang isang lalaki. Parang tauhan nito iyon. May dala ulit na beer para dito. Inubos ng lalaki ang beer nito bago kinuha ang panibagong dinala ng tauhan nito.

Nagsimulang mag-usap ang dalawa pero hindi niya marinig ang mga ito. Parang nagbubulongang hindi niya malaman. This guy, you could see his sarcastic face. There's something wrong with him. Maybe he's worried to his sister?

Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito habang tumatawa pero hindi iyong tawang masaya kundi sarkastiko pa rin. Nagsalubong ang mga kilay niya rito.

Hindi niya namalayang nakalapit sa tapat niya ang isang aso at kumahol ito sa kanya. Damn! Mabilis na lumingon ang dalawa sa kanya at agad naglabas ng baril ang tauhan nito pero mabilis iyong inagaw ng lalaki at pinaputokan siya. Wala siyang pagpipilian kundi tumalon sa kabila at mabilis na tumakbo.

Darn!

Mabilis siyang nakarating sa kanyang motor at pinaharurot iyon pero mabilis din siyang nasundan ng dalawang sasakyan. Pinagbabaril siya ng mga ito at panay ilag niya. Bumunot siya ng baril at pinaputokan ang gulong ng isa at sapol naman ito. Nagpaliko-liko ito bago tumama sa isang puno. Nagpokus ulit siya sa pagmamaneho at binilisan pa niya ang pagpapatakbo lalo na't nakasunod pa rin ang isang sasakyan sa kanya. Wala na siyang pakialam kung nakakabulabog na sila ngayon dahil sa putokan ng mga baril. Hindi niya alam na well prepared din pala ang mga ito.

Napagkamalan tuloy siyang kalaban!

Pagliko niya sa isang eskinitang alam niyang hindi siya masusundan dahil sa sikip at hindi makakapasok ang sasakyan ng mga ito ay mas lalong pinagbabarilan siya ng mga ito. Nadaplisan ang kanyang braso pero hindi niya iyon ininda. Buti at hindi siya napuruhan. It was stupid yes pero nandito na siya sa sitwasyong ito. Wala ng atrasan.

Sumulpot siya sa kabilang eskinita at pinatakbo ang kanyang motor ng mas mabilis. Mas lalong kumirot ang kanyang braso dahil doon at ramdam niyang umaagos na rin ang dugo sa kanyang kamay.

Hindi pa nagsisimula ang kanyang totoong trabaho pero parang nasa kasagsagan na. Ofcourse they have a lot of bodyguards. De Lavego ang mga ito pero iyon din ang kanyang ipinagtataka kung paano nakalusot ang isang hired killer sa loob ng pamamahay ng mga ito ng ganun na lang kadali.

It was an inside job! That simple, pero sino? Kanino ito nag-trabaho?

Hindi na siya nasundan pa ng mga humahabol sa kanya. Mabilis din siyang nakarating sa kanilang sikretong opisina at iniwan din roon ang kanyang motor bago kinuha ang kanyang sasakyan.

Nag-drive siya papunta kay Xen. She knew this bitch doesnt have the real mission right now. Pagdating sa isang cabin ay mabilis niyang pinatay ang makina bago nagmamadaling lumapit sa pintuan at saka kumatok. Kailangang malinisan ang kanyang sugat bago pa siya ma-infection.

Ng wala pa ring nagbubukas ay kinalabog na niya ito.

"Xen!"

"What the!" Gulo gulo ang buhok nito ng pagbuksan siya ng pinto. "Jen! What the hell are you doing here?"

Tinampal niya ang noo nito dahil sa inis.

"Ouch!"

"Serves you right!" Sarkastiko niyang wika rito. "I've been knocking!"

Deretso siyang pumasok sa loob only to see Shanelle Olivia's bare back at mahimbing itong natutulog sa kama.

Masama niyang tinitigan si Xen pero tinaasan lang siya nito ng kilay. "Mission ha? You shit!"





______
Just passing by to say Hello to All of You!

❤Keiros-

Destined To Be Yours 2 (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя