Chapter 30

764 41 68
                                    

Chapter 30

Ang kidlat ng kaba na walang pahintulot na dumadaloy sa katawan ko ay hindi na makatao't makatarungan. Habang pinapanuod ang lalaking tumitingin-tingin sa mga gamit kong nasa malaking lamesa, sa tabi lang ng salaming pinto, bigla na lang akong sinamaan ng pakiramdam. 

"I'm not the best artist in the city, just so you know. If you want a painting of yourself so bad, I have several veterans to recommend to you–"

"How many days you will need to finish a portrait? In this size?" Ang hintuturo niya ay nakaturo sa isang canvas na hindi gaanong kalakihan. He lifted his gaze up to me, not giving a damn to my words. 

Pumuslit ako ng mabilisang hagod ng tingin sa katawan ng lalaking naghihintay ng isasagot ko. 

He was wearing a snowy white dress shirt that was tucked in his tight black slacks. The upper part of the shirt was fitting his broad shoulders while the rest, from the long sleeves to the waist part, were loose.

"Two hours or so." I coughed once and then went back to the initial topic. "Antonerio Legaspi, one of the best portraitists in the country. Close kami at  puwedeng-puwede na tawagan ko kung gusto mo para makapag-schedule ka na–"

"How about this? Will this take longer time?" He is now pointing at a much bigger canvas.

Ang boltahe ng kairitahan ay gumulong-gulong sa aking sistema. I gritted my teeth, striving to reduce the vexation in me as calmness lingered upon Diamond's face. 

"It surely will–"

"Then, I'll have this. Shall we begin?"

"A-Ano–"

"Can I take off my shirt?" karagdagang tanong pa niya habang humahakbang palapit sa sofa na nasa gitnang bahagi ng area, nakadikit sa pader na katapat ng glass wall kung saan kitang-kita ang malaking parte ng siyudad. 

Sinundan ko siya ng lakad subalit tumigil din nang harapin niya ako. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinapanuod ang kamay niyang may suot na relong kulay itim at ginto na kumakalas sa mga butones ng kaniyang suot.

I conventionally accept half-naked painting requests of men but I don't think I will be able to do that today. Especially that Diamond is the one I will be painting. 

Huh, ano, Riem?

Teka nga lang! Nahikayat na ba akong pintahan siya? Wala akong matandaan na nahikayat na ako, ah!

Mahigpit kong sinara ang mga mata. Nang idilat ay kusang bumagsak ang tingin sa ikatlong boton ng polo ng lalaki na kasalukuyang tinatanggal sa pagkakabutones. "Y-You are not allowed to take your clothes off."

He nodded and then stopped. 

"Umupo ka na at kukuhanin ko lang ang mga gamit. Pagdesisyunan mo na ang posisyong gusto mo. Excuse me." Lumabas ako ng working area kahit na lahat naman ng kakailanganing gamit ay naroon na. Dumiretso ako sa kusina at nagsalin ng malamig na tubig sa baso. Kahit na masakit sa lalamunan, dire-diretso kong nilagok iyon. 

Hindi ako makapaniwalang ako ang marupok dito! Paanong hindi ko napalabas ang lalaking iyon sa unit ko?! 

Dios ko naman, Riem!

When I returned to the room where Diamond was, I quickly grabbed all of the materials and equipments I will be needing and placed them all on the wooden table on casters. 

Dama ko ang panghihina ng mga tuhod ko habang tinutulak ang lamesang pinaglagyan ng mga gamit palapit sa puwestong pagpipintahan ko, epekto ng walang habas na paninitig ng lalaki na nasa sofa. 

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now