Chapter 40

1K 49 150
                                    

Chapter 40

"Aruy! Masakit?" the man questioned as he tried to feel the surfacing bumps on my abdomen caused by the baby's kicks with his palm. "Masakit 'yan, panigurado! Pumasok ka na nga sa loob at magpahinga!"

"Hindi naman masakit," sagot ko at saka hinaplos-haplos ang tiyan na kumikirot.

"Hontou desu ka? (Are you sure?) Hindi ako naniniwala!" Dios ko, bakit binigyan mo ako ng kapatid na sakit sa ulo? "Pumasok ka na lang kaya kasi sa loob, Riem? Dapat sa'yo ay hindi na masiyadong nagpapagod! Baka may mangyaring masama sa anak mo, sige ka! Sa darating na buwan na ang kabuwanan mo, hindi ba?"

I scowled at him. Nakakairita naman 'to. Mabungangang masiyado.

"Araw-araw mo 'ko pinagbabawalan sa pagtitinda at araw-araw namang walang nangyayaring masama sa'kin, Junio, kaya ano pa'ng silbi ng pagsasaway mo sa akin ngayon? Puwede ba, 'no? Tantanan mo ako at naaalibadbaran ako sa buong presensya mo."

Gulat at nganga siyang napatitig sa akin. Tumayo ako mula sa inuupuan nang mamataan ang paglapit ng isang customer sa amin.

"Kung gusto mo, ikaw ang pumasok."

An irritating strident scratch resounded in my ear when he pulled a chair to his side. Hindi man sulyapan ay alam kong busangot niya akong pinapanuod habang sumasalok ako ng tteokbokki.

Malakas siyang nagbuntong-hininga nang masuklian ko ang customer at umalis ito sa harapan namin.

"Hay... hindi na ako makapaghintay na manganak ka na. T'yak 'di ka na masungit no'n."

Inismiran ko siya bago ako bumalik sa puwesto ko. Hinimas-himas ko ang tiyan habang naghahabol ng hininga.

Grabe. Napakabilis kong mapagod. I merely stood up and served a single customer yet I feel terribly exhausted. Tila ba tinakbo ko ang kahabaan ng Arashiyama Bamboo Grove.

Iginala ko ang tingin sa paligid, pinakikiramdaman ang patuloy na pagsipa ng anak ko sa akin. It's kind of dark already since it's past 5. Ngunit kahit na ganoon, naaaninag ko pa rin ang berdeng-berdeng mga kawayan at halaman sa paligid. Pati na rin ang ilang mga kabataan na kahit maggagabi na ay naglalaro pa rin ng soccer sa kalapit na field.

Spring season has come in Japan but I can not feel it. Paano ba naman kasi ay hindi naman namumunga ang kawayan ng mga cherry blossoms. Maybe in some other parts of Kyoto, mayroon. Pero rito ay madalang pa sa madalang.

I like it, though. I don't want to clean the sakuras that have fallen to the ground at the end of the season. Ewan ko ba sa ibang tao at bakit gustong-gusto makaranas ng spring sa kani-kanilang mga bansa. Palibhasa kasi ay hindi nila alam ang hirap ng paglilinis.

Sakura symbolizes the fleeting nature of existence and the impermanence of beauty. And those are enough for me not to like it. Too much reality for a fantasy lover to admire.

And how ironic it is to symbolize deep love, new beginnings and momentary existence all at the same time. Spring is a big joke.

I sighed once again.

Minsan ay napapaisip ako kung normal lang ba sa pagbubuntis ang pag-iisip ng mga walang kakuwenta-kuwentang bagay o ako na mismo ang hindi normal.

Sinulyapan ko si Junio na naglalaro roon sa 'de-pindot na cellphone na lumang-luma na. Nakakabilib na buhay pa iyon at ginagamit pa niya samantalang nakabili na siya ng mas high-tech.

"Palaro ako."

"Teka lang, hindi pa 'ko taya." And couple of minutes passed, the thick and long snake is still crawling.

Art In His Breath (Japan Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin