Chapter 14

715 52 32
                                    

Chapter 14

"Kunwari ka pa! Bakit hindi mo na lang kasi aminin!"

Tumingin ako sa sahig habang kinukurot ang mga palad ko. Hindi ko alam kay Mama at bakit ganoon na lang ang tingin sa akin.

"Sa trabaho ko pong pagmomodel nakuha 'yang pera. Totoo po itong sinasabi ko."

"Ay sus!" she mocked then rolled her eyes.

"Totoo nga ho! M-Magsisiyam na buwan na nga ako, Ma, sa pagmomodelo. Alam po iyon ni Papa."

"Malamang Papa mo 'yan! Hindi niya kayang paniwalaan na pumapasok ka sa isang club! Naku, Riem! 'Wag mo akong tarantaduhin! Hindi makakapasok ang kagaya mo sa mga agency-agency na iyan!" aniya, tumatawa, at saka binilang ang perang inabot ko sa kaniya.

Ibinigay ko ng buo kay Mama ang kinita ko sa isang recent shoot. Iyon ang pinakamalaki kong nakuha sa siyam na buwan kong pagmomodelo. Alam ko sa sarili kong tama lang na ibinigay ko kay Mama iyon. Kumpiyansado akong gagamitin niya iyon nang maayos.

I didn't know that I will last that long in modeling. Hindi biro ang siyam na buwan. Pero sabagay, tatlong taong kontrata ang pinirmahan ko. Malaki ang sagutin kung hindi ko iyon susundin. At isa pa, hindi rin naman kasi nakakasawa ang ginagawa ko. Lalo na at mabuti ang mga kasamahan ko sa trabaho.

Pero siyempre, hindi lahat ay maganda ang pakikitungo sa akin. Ang isa sa mga staff ay napakainit ng dugo sa akin. Lalong-lalo naman si Geraldine na kasama ko sa pagmomodelo. And later on, I found out that they are related to each other.

"Hindi ko alam kung bakit may mga dukhang nakakapasok sa ganitong klaseng trabaho. I mean, this is too decent for them. They should stay on their places. Sa putikan. At saka isa pa... dapat ay magpokpok na lang sila gaya ng kanilang mga nanay."

"Paano kaya sila nakapasok sa ganito, 'no? May kinalanti kaya? Ngunit sino naman? Halos babae at bading ang staff rito! Maging ang manager ay babae!" she added and then grimaced.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang paghigop sa tsaa ko. Suwerte siya at wala si Mrs. Ann. Kung nagkataon ay pauuwiin siya. Noong unang beses akong pinahiya ni Geraldine ay kinagalitan siya nang matindi ng ginang. Ang sabi'y isang beses pa raw ay aalisan siya ng trabaho at tatalupan ng bibig.

"Hindi na nga nag-aaral ng college, e! Ang cheap! Magpokpok na lang gaya ng ina!"

Hindi ko akalain na maging sa bahay ay makatatanggap ako ng panunuya bilang pagiging bayarang-babae. It was so humiliating. Especially it's my mother who is accusing me this time.

Binalingan ko ang ina na kunot-noong umuulit sa pagbibilang ng pera. I sighed. Imbes na magpaliwanag sa wala, dumiretso ako sa aking kuwarto at humiga sa kutson. I took out my phone and sent Diamond a message.

dayamantiriem:
Hi. How's your examination?

Sa nagdaang spring, akala ko ay pupunta siya rito sa Kyoto. Ngunit sabi niya ay nawalan daw siya ng oras na pumunta rito. Kasama ang pamilya, pumunta siya ng Amerika upang bisitahin ang mga kamag-anak na naninirahan doon.

For the past months, we texted each other all the time. Maliban na lang kung mayroon akong whole day shoot o 'di kaya'y abala siya sa school. Ngunit nitong nakaraang linggo ay hindi ko sinasadyang hindi mabuksan ang cellphone for a whole week. Halos araw-araw ang pagpunta ko sa studio kaya't nawalan ako ng oras. May exam pa naman sila Diamond noon. Ni hindi ko man lang siya na-goodluck.

I read his past messages.

drvidales:
How's your day? Seems like you're very busy, huh.

Art In His Breath (Japan Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu