Chapter 38

860 51 57
                                    

Chapter 38

"I can't believe it!"

With the corners of my lips pointing downwards, I watched Ellaixa my friend fan herself after I revealed my secrets. Both about my family in Kyoto and my relationship with Diamond.

Aside from she is a trustworthy friend, her unexpected visit this morning forced me to divulge all the details about my past. Nahuli niyang dito sa unit ko nagpalipas ng gabi si Diamond.

"I can't believe you are telling me all of these just now! I cannot believe you, Riem! Samantalang ako, lahat ng sexcapades ko, lahat ng position kong natututunan sa Hentai, sinasabi ko sa'yong lahat! This is so unfair! I can't believe you!"

Itinaas ko ang kamay upang patigilin siya ngunit nang mabanggit na niya ang favorite H word niya, napahilot na lang ako ng sentido.

Nang magkakilala kami, ang alam niya ay sa Pilipinas talaga ako nanirahan una pa lang. Iyon naman ang alam ng lahat. Nakiusap ako sa lahat ng may alam, sa pamilya ko, na sana'y hindi mabanggit sa kahit na kanino. Sa kabutihang palad, madali silang napa-oo.

The first minute I set a foot in the Philippines, I already have a clear goal in my mind. And that is to keep my past in a pocket and hide it until I forget it. At upang mapadali ang lahat, hindi ko hinayaan ang kahit na sino na madiskubre ang aking nakaraan.

Subalit ngayon na huli na ako sa akto at wala ng butas na mapaglulusutan, wala na akong nagawa kung hindi magsabi ng totoo.

Ang relasyon sa pagitan ko at ni Diamond lang naman talaga ang tinanong niya. But then, narrating the tale of us two without including my past life would be a confusion. A tale that is full of loopholes. Consequently, binuo ko na ang kuwento.

Dahil kung ang panimula ng talakayan ay... nagkakilala kami ni Diamond sa Kyoto, ang magiging katanungan ay... bakit ako nasa Kyoto.

And there was when I realized that Diamond without my sullen past is incomplete and vice versa. My sullen past without Diamond is incomplete as well. Hindi maaaring hindi kasama ang isa. Tila magkatambal na habang buhay.

Matapos kong isalaysay ang lahat sa kaibigan, napatunganga siya. Ngunit kalaunan ay nakabawi rin. At ang pinansin lang niya ay iyong kuwento namin ni Diamond. I felt her half-baked restraint and control to ignore the part regarding my family. Marahil halata ang pagiging hindi ko kumportable habang kinukuwento iyon kanina.

"So you mean! Grabe! Ibig sabihin noong exhbition mo pa lang- kasi 'di ba he was there–so you know him already do'n pa lang!" Nanggigigil niya akong pinanlakihan ng mata.

Ibubuka ko pa lang ang bibig para sa kasagutan nang pumalakpak siya makaisang beses at dinuro ako. She jumped on her seat in... honestly I don't know if it's because of excitement or vexation.

"Hala, hala, hala! That's the reason why you tried to back out when you knew he'd be the one you'll paint and not Danilo! Hay, naku! Why did I realize it just now?!"

Hindi pa ako nakakahinga ay may dinugtong na naman siya.

"What the fuck?! Kaya rin pala nasa Workshop mo s'ya noong nakaraan! 'Di ba sinub n'ya si Ate Slen?! Kaya pala! Motherfucker!" She laughed hysterically, looking like a crazy woman. "I was very shocked noon kasi bakit ang isang kagaya ni Rhett Vidales ay papayag to be a substitute in an Art Workshop that is full of stubborn and naughty kids! No'n pala, hindi naman ang mga bata ang nais! Si teacher pala!"

Inalis ko sa kaniya ang tingin, nangingiti. "Hindi tayo nakasisiguro, ano... Malay mo naman talagang gusto niyang tumulong..."

"Sus! Kunyari pa 'to! Alam ko naman na sumagi rin sa isip mo na ikaw ang puntirya niya noon–"

Art In His Breath (Japan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon