Chapter 9

665 48 40
                                    

Chapter 9

"Kung umuwi muna kaya ako? Pagkakain ko ay magkita na lang tayo ulit?" suhestiyon ko kay Diamond na ngayon ay nasa harapan ko. Sitting comfortably, eyes were fixed on the menu.

Napabuntong hininga ako. Sabi ko nga, hindi mo ako papansinin.

I looked at the menu once again. Ang mahal naman kasi rito!

"Sayang ang nilakad natin kung aalis pa tayo."

Bumusangot ako. Totoo iyon. Napakalayo ng nilakad namin! Nabanggit ko kasi sa kaniya itong restaurant na pinapakyaw ng mga turista. Agad naman niyang sinunggaban ang suhestiyon. Laking gulat ko lang nang malaman na mamahalin pala!

Pinanuod ko ang paglapag ng waitress ng pagkain namin. Tatlong plato na punong-puno ng karne at maraming side dishes ang mga iyon. Namangha ako nang buksan niya ang lutuan sa gitna. Nang umalis ito ay malawak kong nginitian ang kaibigan.

"Tayo ang magluluto?" hindi ko makapaniwalang tanong.

He nodded and handed me the chopsticks.

"Do you know how to cook?" he asked.

"Oo naman!" mabilis kong inagaw sa kaniya ang chopsticks at kumuha ng karne. Maingat ko iyong inilatag sa kawali sa harapan. Nang matapos ay hinawakan ko ang chopsticks sa magkabilang kamay at iniumpog sa lamesa sa tuwa.

I perceived how his eyes spark in glee while watching me express my excitement. Umiling-iling ito at naglagay na rin ng karne sa lutuan.

"Ano 'to?" I pointed at a meat that was color orange.

"Marinated meat," he answered.

"Ah..." Tinango-tango ko ang ulo. Hindi pa ako nakakatikim noon kahit kailan! Mukhang masarap! "Buti ay alam mo? May gan'to rin ba sa Pilipinas? Salsal?"

Kasalukuyang umiinom si Diamond. Natigilan ito at binitawan ang hawak na baso pagkarinig ng sinabi ko. He began coughing frequently and loudly as if he was going to die anytime soon.

"Dayamanti," he scowled, voice is warning me.

Nalukot ang mukha ko.

"B-Bakit?"

Inalala ko ang binanggit. Ayaw ba niyang pag-usapan ang Pilipinas? At bakit naman? Kung hindi naman iyon ang ikinagalit niya... mali ba ang salsal? Tama ang salsal! Kakarinig ko lang kanina, e!

"Samgyeopsal," he corrected, tinapik-tapik niya ang dibdib na para bagang 'di pa tapos sa pagkakasamid. "Not..." He trailed off and then his face crumpled. Mukhang nag-aalinlangan na magpatuloy.

"Salsal 'yun!" pagpupumilit ko. "Kanina binati tayo bago pumasok! Ang sabi pa nga ay 'Welcome to Kyoto Salsal'! Hindi mo kasi pinapansin ang ibang tao! 'Yan tuloy mali-mali ka! Salsal 'yon!"

He captured his lower lip with his blinding white teeth. "Do you even know what that word means?"

"E 'di kainan," makabuluhan kong sagot.

"I told you it is not," nagtitimpi niyang balik. Tila ba iritang-irita na dahil hindi niya ako mapaniwala.

"Kung ganoon, sige. Sabihin mo sa'kin ano ang ibig sabihin ng salsal kung hindi kainan," naghahamon kong untag.

"It's..." He grimaced. "Ha..."

"Ha?"

"Hand job."

Namilog ang mga mata ko.

"Hand job?! Ganito ba 'yon?! Ganito ba 'yon?!" I formed a hole in the middle of my hand and stroked the air up and down.

Art In His Breath (Japan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon