Chapter 33

716 46 24
                                    

Chapter 33

I went to Busilak Art Workshop earlier than usual the next day. Nasa likod pa lang ako ng pintuan ng silid, matutukoy na wala pang tao dahil sa katahimikan. Aga pa kasi. But my entrance proved me wrong.

My eyes broadened as I saw Diamond inside! Nang ma-feeling-an ko ang papalapit niyang pagsaulyap sa akin, I returned the normal pace of my steps that became slower after I went inside the room and darted my gaze at the stock room where I was heading.

Sa buo kong paglalakad ay walang kaluskos na naririnig na ang ibig sabihin ay tumigil ang lalaki sa pag-aayos no'ng mga upuan. And that means, he was doing nothing but watching me walk. Muntik-muntikanan pa tuloy akong mawalan ng balanse!

Dios ko naman, Riem! Paglalakad lang!

Inilabas ko ang ilang painting materials at ipinatong sa mga lamesa na siya namang inaayos ni Diamond. Buong oras ay tikom ang mga bibig namin hanggang sa nagsidatingan na ang mga estudyante.

Time flew as hasty as a flash. The moment the hands of the clock pointed at the starting time of the classes, I uncomfortably positioned in front of the students.

Gaya ng napag-usapan kahapon, ipepresent ng mga bata ang kanilang mga gawa isa-isa sa harapan.

"Ako po, 'Cher, I painted strawberries because I super like them! Love ko na nga e! Masarap po kasi!"

Binaba ko ang tingin sa canvas na hawak ni Marigold. At first glance, I thought it was a blush-on of a doll. Iyon bang bilog na bilog. Pero kahit papaano naman ay makikita ang strawberries doon.

"Really? I love them, too!" I commented.

And because kids are kids, they overreacted over it.

"Talaga ba?!" si Jolo na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kaklaseng nagkukuwentuhan tungkol sa nabanggit na prutas. Huminto ang kaniyang mata kay Diamond.

Napatikhim ako nang madaplisan ng tingin ang pagtango ni Diamond.

Wala pang kalahating oras ay natapos na ang pagpe-presenta. Kasunod noon ay discussion na siyang dahilan para mapabuntong-hininga ang mga bata. Well, their disappointments would not change a thing. Isa't-kalahating oras ang nagugol noon. Sumunod naman ay ang recess.

"Ma'am, ito po, oh." Inabutan ako noong staff ng isang mamon at chuckie na inumin na nasa karton.

"Salamat. Kayo rin kumuha na ng sa inyo."

I acknowledged her response before heading out the area. Subalit nasa tapat pa lamang ako ng eating zone ay pinagtatawag na ako ng mga bata.

"'Cher, sit with us! The more, the merrier!"

Sumang-ayon naman ako. At huli na nang mapagtantong nakahalo nga pala si Diamond sa kumpol ng mga batang ito! At ngayon ay pinapaupo pa ako sa tabi nito!

"Uh..." Dumapo ang tingin ko kay Diamond na nakatalikod sa akin, simisipsip sa chuckie.

I sighed.

Walang problema sa kaniya. Dapat ay sa akin din.

I inserted my legs into the space between the chair and the table. Medyo makitid iyon kaya't hirap na hirap ako. Gustuhin ma't hindi, napakapit ako sa balikat ni Diamond upang kumuha ng suporta. Ayaw ko naman na ipatong ang bigat ko sa batang nasa kabilang side! Baka mamaya ay tumuwad patalikod!

I cleared my throat and mumbled, "Sorry..."

"It's fine," he simply returned and recommenced sipping on the chocolate drink.

The children were loud but I could still hear my scandalous heartbeats. No matter how hard I try to tighten my shoulders, it still wouldn't stop from brushing onto Diamond's!

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now