Chapter 21

687 41 55
                                    

Chapter 21

Bit by bit, Diamond's mouth fell open. Ang chinito niyang mga mata ay bahagyang namilog na para bang nagitla pa sa sagot ko. Napaatras pa siya ng isang hakbang ngunit ang kaliwang kamay naman ay nakadikit pa rin sa pintuan.

Ako naman ay inalis ang tingin sa kaniya. I felt more uneasy after responding to his question.

Mas lalo akong nag-iwas ng tingin nang sundan niya ang direksyong kaharap ko, pinipilit na magkatinginan kami. When he succeeded, my face crumpled.

"Nasabi ko na ba?" si Diamond, sumisilay ang pilit na ikinukubling ngiti.

"A-Ang a-ano?"

Malalim siyang bumuntong-hininga.

"Na ang ganda-ganda mo?"

Napakurap-kurap ako sa narinig. Nang rumehistro iyon sa isip ko, pinamulahan ako nang malala.

My response was a hefty sigh.

Nagsimula siyang hagurin ako ng tingin. Mula sa mata, bumaba sa ilong patungo sa aking labi na kaagad ko namang itiniklop patago. Sa ginawa kong iyon, lumabas ang tawa sa ilong ni Diamond.

"M-Masyado k-kang malapit sa akin–"

"Ayaw mo ba?" agaran niyang balik.

I blinked three times hastily after that return. I didn't see that coming.

"H-Hindi naman sa ganoon–" Mariin kong isinara ang mga mata sa sariling sagot.

Ang dali lang sabihin na ayaw mo, Riem!

"Uh... siguro, u-uh... layo ka muna konti..." ani ko dahil naaalibadbaran na talaga sa lapit namin. Namumuo na rin ang butil ng mga pawis sa aking noo.

Aktong hahakbang patalikod si Diamond nang umalingawngaw ang tunog ng doorbell sa loob ng kuwarto. Napasinghap ako.

Dahil sa pagkakataranta, tinulak ko si Diamond nang buong puwersa para masilip sa peephole kung sino ba ang bigla-bigla na lang dumarating ng ganitong oras!

Diamond was startled after I pushed him. Napaatras siya ng dalawang hakbang sa lakas ng salya ko.

"S-Si J-Junio!" sambit ko sa pangalan ng lalaking nakahalukipkip sa labas pagkasilip sa peephole.

Sa nanlalaking mga mata, hinarap ko si Diamond.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I walked towards the man and dragged him inside the cabinet that was located near my bed.

Tumingkayad ako at dinakma ang ulo niya. Pilit kong iniyuko iyon. Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi na ako nag-abala pa na sagutin ang katanungan na nakaguhit sa mukha niya. Nagpokus ako sa ginagawa.

It was like I was playing a basketball. Grasping a ball and trying to shoot it. Ang problema nga lang, ulo ni Diamond ang ginawa kong bola.

"I won't fit in here, Dayamanti!" galit na utas niya.

"Kasya ka!"

Hindi naman maliit ang cabinet. Sa totoo lang ay kasyang-kasya ako roon! Nasubukan ko na kaya! Hindi ko lang alam at bakit ang hirap ipagkasya nitong si Diamond! Siguro'y sa sobrang tangkad! Idagdag pa ang malalapad na balikat!

Sunod ko namang ginawa ay ipinagpilitang ipasok ang katawan niya. Naramdaman ko ang bahagya niyang paninigas nang ilapat ko ang mga palad sa dibdib niya para maitulak pa paloob.

Sa buong oras na ginagawa ko iyon, wala akong narinig sa kaniya kundi puro malalalim na buntong-hininga at paminsan-minsang atungal. Sumusunod din naman.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now