Chapter 23

774 42 62
                                    

Chapter 23

Nagdaan na ang maraming minuto ngunit poot pa rin ang nakaplaster sa mukha ng lalaking nasa driver's seat. 

Paano ko kaya ito paaamuhin?

"Galit ka pa?" I asked even though I already know the answer. 

Wala akong natanggap na sagot. Nanatili ang galit na mga mata ni Diamond sa harapan. 

Bumagsak ang mata ko sa kaliwa niyang kamay na siyang nag-iisang nakahawak sa manibela. His right hand was slackly resting above his thigh. Sinubukan kong abutin iyon. 

"Sorry na, oh..." Sabay haplos sa braso niya pababa sa mga daliri. 

Binawi ko ang kamay nang napaangat si Diamond sa inuupuan sa pagkabigla. Nabitawan pa niya ang manibela dahilan kaya lumiko ang direksyon na pinatutunguhan ng sasakyan. 

Nagkasalubong ang mga kilay ko sa gulat at taranta na ipinakita niya. 

He glanced at me sharply. "Dayamanti!"

Napabusangot ako. Lumala yata ang galit. 

"S-Sorry... G-Ginaya ko lang iyong mga napapanuod ko sa internet at sa tv... I-Iyong naghahawak ng kamay ang mga mag-boyfriend at girlfriend habang nasa b-biyahe... H-Hindi ko alam na ayaw mo pala-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang dumapo ang libreng kamay ni Diamond sa banda ko at pinagsalikop ang mga kamay namin. 

I bit my lip as I stared at our interlaced fingers. Ibinukas-sara ko ang kamay upang makita kung paano lumubog ang maliliit kong mga daliri sa malaki niyang kamay. 

"Are you hungry? Where do you want to eat?" Hindi na siya galit ngayon. Nagpipigil pa nga ng ngiti.

Napalabi ako. "Hindi pa 'ko gutom! Pero parang gusto ko mag-tsaa!"

Hindi nagtagal ay nasa loob na kami ng isang cafe 'di-kalayuan sa mga tinutuluyan namin. Pagkatapos noon ay nag-river boat ride kami at saka umuwi na rin. 

Maayos ang naging takbo ng mga sumunod na araw. Subalit iyon lang ang alam ko. Sa tuwing nasa ibang bansa si Diamond ay doon lang ako nagiging aktibo sa mga social media at internet. Kaya naman kulang na lang ay himatayin ako nang malaman na kumakalat ang eskandalong nangyari noong nakaraan kung saan dawit ako at si Diamond. Dalawang linggo makalipas iyong piyesta na naganap.

"Sino itong lalaki, Riem?" si Mrs. Ann. Nakatutok ang hintuturo kay Diamond na nasa video. 

I was not in the right mind to even respond. The video is repeating for five times already but my attention is still poured on there as if it has an enchanting content. 

Nagsimula ang video kung saan nahulog ang sumbrero kong suot. Napatingin pa ako sa mismong camera na kumukuha. Ang sumunod na nangyari ay ang pananakit ni Diamond sa lalaking nasa ilalim niya. Na alam ko naman ay makatarungan. Natapos ang kuha na kung saan umalis kami ni Diamond sa lugar na iyon nang walang imik. At lintik na cameraman. Nakuhanan nang buo ang mga mukha namin. 

I blew a deep breath.

Kaninang umaga ay ginising ako mula sa mahimbing na tulog ng tawag ng ginang. Gustong makipagkita sa akin dito sa cafe at may mahalaga raw na sasabihin. Noong una'y pahigop-higop lang kami ng tsaa kaya naman hindi ko lubos akalaing ito pala ang dahilan kaya nais niyang magkita kami. 

"Sino ang lalaking iyon, Riem? Iyong kasama mong nakaputi?" The lady sitting in front of me shut her phone down so she could get my attention. 

I gulped and shuddered my head. 

"Honestly, we consulted the man lying on the floor first. Iyong sinasaktan sa video. Kakilala kasi iyon no'ng isang staff. Nang puntahan namin ay sinabing bigla na lang daw siyang nilapitan at binanatan ng suntok. Wala naman daw ginagawa at matiwasay lang na nanonood ng parada."

Art In His Breath (Japan Series #2)Där berättelser lever. Upptäck nu