Chapter 10

686 55 19
                                    

Chapter 10

"Pa..." Sinalubong ko ng halik ang ama na kadarating lamang galing sa trabaho.

Si Juanie na nasa tapat ko ay tumayo mula sa pagkakahiga at saka binati si Papa. Pagkatapos noon ay pumasok ito sa kaniyang kuwarto.

"Kumain na tayo, Pa!" aya ko.

Humakbang ako patungo sa hapag at saka naghanda na ng makakain.

"Nasaan ang Mama mo?" si Papa.

"Ho?"

"Si Lolita, ang Mama, nasaan?" pag-uulit nito, tinutukoy ang asawa.

Mabilis kong iniling ang ulo, hindi alam ang sagot.

"Noong dumating ako rito, wala na po rito si Mama. Baka po sila Juanie ay alam."

Ang akala ko ay pupuntahan niya ang mga kapatid upang magtanong. Subalit ang ginawa lamang nito ay umiling-iling at nginitian ako.

"Kumain na ba ang mga kapatid mo?" tanong ng ama at saka umupo sa may kabisera.

"Oho. Kanina pa, Pa," saad ko habang inaabot sa kaniya ang mangkok na may lamang kanin.

"Itadakimasu," my father and I said before eating.

"Bakit hindi ka sumabay sa kanila? Mukhang gutom na gutom ka na," ika nito habang pinapanuod akong halos mabulunan sa kinakain.

Itinago ko ang ilang takas na buhok sa likod ng aking tenga at saka binagalan ang pagnguya. Nginisian ko si Papa na ngayon ay humihigop sa niluto kong tofu stew.

"Siyempre naman, Pa, hinintay kita! Ako pa ba!" Natawa ako. "Masarap ba?" I asked, referring to the tofu stew he just tasted.

"Napakasarap, Riem! Ikaw ang nagluto?"

I nodded fast.

"Walang kupas! Napakasarap, anak... Kasing galing mo magluto ang Mommy..."

Bahagya akong nalito sa huli niyang binanggit. Ngunit agad ring napawi ang kalituhan nang maisip na si Mama ang tinutukoy niya.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos ako sa pagkain. Tatayo na sana ako nang mapapitlag sa tanong ng ama.

"Saan ka pumunta kaninang umaga?"

"H-Ho?"

Kumabog ang dibdib ko.

"Ang sabi mo sa akin kanina... pagkauwi mo ay hindi mo na nakita ang Mama mo. Saan ka galing?"

"S-Sa may... Sa may Kimono Forest lang, Pa. Binisita ko lang. 'Wag kang mag-alala, Pa! Hindi naman ako umalis nang walang paalam! Pinayagan ako ni Mama."

Pagkasabi ko noon ay dali-dali akong humiling na sana'y huwag na niyang tanungin kung sino ang nakasama ko.

"Sino'ng kasama mo?"

Napasapo ako ng noo sa isipan ko. Kung mamalasin nga naman.

"Kaibigan lang..." inosente kong sabi, ang tinig ay walang interes.

Siguro naman ay puwede ko iyong sabihin kay Papa? Wala namang masama roon. Isa pa, totoo namang kaibigan ko lang si Diamond. Walang rason para pa itago iyon sa ama.

"Lalaki?"

I bobbed my head slowly, very different from the rhythm of my fast-beating heart.

"Manliligaw mo ba 'yan?" tanong niya, nagbabanta ang tono.

Sinimangutan ko si Papa.

"Hindi, 'no! Kaibigan nga lang, e!"

"E bakit namumula ka? Gusto mo 'yung lalaki? Hay naku, Riem! Kailan pa kayo nagkikita ng lalaking 'yan? Alam ba 'yan ng Mama mo?" naghihisterya niyang wika.

Art In His Breath (Japan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon