Chapter 20

687 46 45
                                    

Chapter 20

My heart thudded nonstop as I was half-running to the elevator. I pressed a button fast and leaned onto the cold wall. Mariin kong ipinikit ang mata habang inaalala ang mukha ni Diamond kanina nang akin siyang iwan.

He was dead dumbfounded! Well, who wouldn't be? Everyone would be as shocked as him after the stupid sudden confession!

Aba at ako rin naman ay nagulat sa inasto ko! Hindi ko rin inakala na sa punto ng gabing ito ako aamin!

Nanginginig ang kamay kong tinipa ang passcode nang makarating sa harapan ng pintuan ng apartment room. Kung ano-ano pang mga numero ang pinagpipindot ko! 

Si Diamond naman kasi! Ayaw umalis sa isip ko!

The first thing I did when I entered the room is I swore myself to death. Nang makaramdam ng sakit sa sariling pang-iinsulto ay tumigil na ako at dumiretso sa banyo upang makapagbabad sa maligamgam na tubig sa tub.

"Ayos lang iyon. Normal lang naman ang magkagusto. Ayos lang..." I tapped my both shoulders simultaneously with crossed arms, attempting to comfort myself.

Kahit sa taong dapat ay kaibigan lang, normal pa rin ba iyon, Riem?

Hindi. Tanga.

I planned to stay long under the waters of tub but I heard my cellphone rang outside. Leisurely, still cussing myself, I walked out of the bathroom and went straight to the bed where my cellphone is located at. I am in a very thin night dress.

I was completely fine not until I saw the name of the caller.

Sa nanlalaking mga mata, hinagis ko ang cellphone sa malayo. Sapat lang upang hindi mabagsak sa sahig.

Hinihingal sa nerbiyos kong pinanuod ang cellphone sa kadulo-duluhan ng kama na malakas ang tunog, ang pangalang Diamond ay nakaplaster sa screen.

Why is he calling? Is he ready to state the speech of rejection?

Dios ko!

Mas nanaisin ko pang itanggi ang ginawang pag-amin kaysa siya ang tumanggi sa pagtatapat ko!

Nang matapos ang ring na iyon ay hindi na nag-abala si Diamond na sundan pa iyon ng isang tawag. Mensahe na lamang ang natanggap ko kapagkaraan.

Diamond:
Are we going to meet tomorrow?

Huminga ako nang malalim bago nagtipa ng reply.

Dayamanti:
Siguro ay sa susunod na linggo na lang. Mayroon akong shoot bukas.

At least, he did not bring up the confession I did earlier. Mabuti na at ganitong klaseng mensahe lang ang ipinahatid niya.

Siguro ay sanay na sa mga babaeng nagtatapat ng nararamdaman sa kaniya?

Mabilis ang sumunod na reply galing sa kaniya.

Diamond:
Okay.

It's shameful to say but I felt kind of disappointed with the well-saved reply.

But I suddenly wanted to take back the feeling and be contented instead when he added a message.

Diamond:
About what happened earlier, can we talk about it through a call?

My chest constricted painfully in nervousness after reading the last message he sent.

Imbes na magpadala ng reply, inihagis ko ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Phone placed above my booming chest, I think deeply of what to answer.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now