Chapter 19

760 45 59
                                    

Chapter 19

"S-Sandali lang, Finn!"

Napatigil sa paghakbang palayo ang lalaki nang maramdaman ang bahagya kong paghigit sa kamay niya. Nang iniharap ang katawan sa akin ay nakatingin siya sa kamay kong nakalapat sa balat niya.

"Single ako, Riem, kung hindi mo naitatanong," nakangisi niyang sambit.

Sa sinabi niyang iyon ay mabilis kong ibinalibag ang kamay niya. Napangiwi ako.

He guffawed at my rumpled face. Walang ekspresyon ko siyang pinanuod hanggang matapos sa paghalakhak. Kahit na moreno ang lalaki ay aninag pa rin ang pamumula ng kaniyang mukha.

"Kung ayos lang sa'yo ay didikitan kita hanggang matapos ang party." Bago pa siya magsalita ay sinundan ko ang sinasabi. "Tatabihan kita hindi dahil sa gusto kita... W-Wala lang talaga akong kakilala rito kaya... baka puwedeng... a-alam mo na..." mahiyain kong paghingi.

Matapos noon ay kaagad na gumitaw ang isang hindi makapaniwalang ngiti sa kaniyang labi.

"Bakit parang nahihiya ka? Hindi naman kahiya-kahiya ang hinihingi mo?" He looked at me with amusement in his appearance. "Of course, Riem, I would love to." He then pulled his elbow out and offered his arm to me.

Munting ngiti ang iginawad ko at saka ikinawit ang braso sa kaniya. Nagsimula kaming maglakad patungo sa... hindi ko alam.

"S-Salamat..."

"No problem," he said and then added, "Nagtataka ako."

Kunot-noo ko siyang tiningala. Tumaas nang kaunti ang mga kilay ko nang mapansing magkasing-tangkad sila ni Diamond. Parehas na ang kanilang mga labi ang katapat ng aking mga mata.

"Bakit hindi mo kasama ang nag-imbita sa iyo rito?" kuryoso niyang tanong ngunit rinig sa tinig niya ang panunuya. Para bagang alam naman niya ang sagot, gusto lang mang-inis.

Lalong lumalim ang kunot sa aking noo at nag-iwas ng tingin.

"Sino ang may kaarawan?" malayo sa tanong niyang sagot ko na siyang ikinahalakhak niya ulit.

"You attended a birthday party without knowing who the celebrant is?" he asked in a whimsical manner.

Napanguso ako.

"Kailangan ba ay alam?" balik ko habang minamata ang malaking entablado sa harapan.

Malalim na buntong-hininga lang ang narinig ko galing sa kaniya. Hindi ko siya binalingan. Pinanuod ko lang ang mga bisitang nag-uusap-usap habang nakapilantik sa mga daliri ang wine glass na mga hawak. Namangha ako sa kanila.

Bago isauli ni Finn ang mga wine glass na hawak sa paparaang waiter, kinuha ko ang isang may kaunting laman at ginaya ang maarteng hawak ng iba roon. Ngunit hindi ko lubos akalaing dudulas ito sa pagkakahawak ko nang inalis ang hinliliit sa hawakan.

Nanlalaki ang mga mata kong pinanuod ang nagkapira-pirasong kopita sa sahig. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha nang masulyapan ang pagbaling ng ilang nakapaligid sa banda namin. At mas lalo akong pinamulahan nang mamataan ang panunuod ni Diamond sa amin sa di-kalayuan. Aktong pupulutin ko ang mga bubog nang hablutin ako palayo ni Finn roon.

"Ano'ng ginagawa- Thank you," Finn said to a waiter when it kneeled and collected the shards of glass with a cleaning material.

Bago pa ako makaluhod at matulungan ang naglilinis ng ginawa kong kalat, hinatak ako palayo roon ni Finn. Napabuntong-hininga ako nang binitiwan niya ako sa isang sulok.

Sinubukan kong silipin ang nilisan naming lugar kanina ngunit natabunan na ng mga nagdaraang tao. Hindi na rin pinansin pa ng iba na para bang wala naman talagang nangyari. Imbes, ang mga mata ni Diamond ang natagpuan ko na tila kuwago kung makatitig.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now