Chapter 3

812 60 35
                                    

Chapter 3

Hinagod ko ng tingin ang lalaking nasa harapan. Nakahoodie ito na kulay berdeng madilim, ang hood ay nakalaylay at hindi nakakulob sa ulo. Sumbrero na kasingkulay ng kaniyang damit ang nakapatong doon. Hindi ko maiwasang mamangha sa kulay ng kaniyang damit. Bagay na bagay iyon sa maputi niyang balat. 

Ibinalik ko sa mga mata ng kaharap ang tingin.

"Narito ka?!" hindi ko makapaniwalang tanong.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay kinuha ang kahon sa ibaba at iniabot sa akin. Nanatili naman ang malapad na ngiti sa akin.

"Narito ka!" Itinaas-baba ko pa ang aking mga kilay upang ipakita ang tuwa. Imbes na mangiti ang kaharap, nag-iwas ito ng tingin. "Kilala mo pa ba ako? Ako 'yung..."

Ako 'yung nakarinig ng usapan ninyo ng girlfriend mo?

Nalukot ang mukha ko nang maisip na hindi magandang panimula iyon. Baka magalit sa akin ang kaibigan!

"Dayamanti," banggit niya sa pangalan ko.

My heart leapt in utter delight.

He still remembers me! Mabuti at hindi niya ako nakalimutan!

"Ay, Diamond... Oo nga pala, aalis ako ngayon. Gusto ko mang kamustahin ka at makipagkuwentuhan sa'yo, hindi puwede," malumbay kong saad.

His brow shot up. "Where are you going?"

"Ah... Sa Yasaka Shrine. D'yan lang sa malapit. Ikaw? Saan ang punta mo?"

Nilingon ko ang likuran ko. Nang magkabunggo kami ay doon sa dulong bahagi ang tungo niya. Kumunot ang noo ko.

"Iihi ka?" I asked, voice full of innocence.

His hand flew to his nape. He rubbed it as he looked away.

"Oo." At sinundan ng isang magaspang na tikhim. "What are you gonna do there? Sa Yasaka?"

"Ipagbibili ko ang mga paintings ko. Ngayon ang unang araw ko sa pagbebenta." He didn't talk so I continued. "Sige na. Kailangan ko nang umalis at hinihintay na ako panigurado ng kaklase ko roon. Hindi ka pa naman babalik kaagad sa Pinas, tama? Maaari tayong magkita mamayang hapon doon sa dulohan ng grove o 'di kaya'y bukas."

Nakatitig lang siya sa akin at hindi umiimik. So I took that as a hint that he agrees.

Hindi ko na hinintay pa ang itutugon niya. Nakangiti ko siyang nilagpasan at naglakad palabas ng grove. Habang naglalakad ay kinalkal ko ang laman ng kahon at tinignan kung mayroon bang nawawala.

"Ay, Hesus Maria Joseph!" Muntik ko na namang mahulog ang hawak! Napatingin ako sa lalaking humarang ng dinadaanan ko. "B-Bakit?"

Diamond pursed his lips before talking.

"Sasama ako sa'yo."

My brows fused.

"Magbebenta ako, Diamond..." pag-uulit ko sapagkat baka hindi niya ako naintindihan kanina.

He didn't respond. Instead, he grabbed the box from me.

"Akin 'yan..." mahina kong sabi.

"I know." Tumabi siya at itinango ang ulo sa harapan. "Let's go."

Habang naglalakad kami sa gilid ng daan ay hindi ko maiwasang mamangha sa kaibigan. Sasamahan niya ako sa pagbebenta? Hindi kaya mainip lang siya?

"Akala ko ba ay iihi ka?"

Sinulyapan niya ako ng ilang segundo at saka nag-iwas din. Nagkibit lamang siya ng balikat. Hindi ako nanahimik, dire-diretso ang tanong na ibinato ko sa kaniya.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now