Chapter 7

618 50 42
                                    

Chapter 7

"'Di ka ata aalis ngayon?" 

Mas diniinan ko pa ang hawak sa tasa. Habang tumatagal ay nawawala ang panlalamig ng aking kamay. Ang init dulot ng tsaa ay nanunuot sa aking balat. Nilingon ko si Mama na nasa sala, nakaupo at nagbibilang ng pera.

"Hindi po muna. Bukas naman po ulit."

"Sakto! Samahan mo ang kapatid mo na bumili ng sangkap para sa tteokbokki! Sa Market na kayo bumili para makamura tayo. Damihan na rin para hindi pabalik-balik. Tamad pa naman 'tong Juanie na 'to."

"Luh? Ba't ako?! Ako na naman nakita mo!" angal ng kapatid na nakahiga sa upuang katapat ni Mama, ang mga mata ay nasa cellphone na hawak. 

"Bakit?! Hindi ka ba tamad?!"

"Aba! May Junio at Riem pa!"

Ang katabi kong si Junio ay tumayo. Nilisan nito ang hapag at mabilis na dumiretso sa katabing sala. Hinablot nito ang cellphone na hawak ng kapatid na babae.

"Dinamay mo pa 'ko!" anito at bumalik sa katabi kong upuan. "Gusto mo subukan maglaro, Riem?"

"Junio naman!" iritadong sigaw ng inagawan.

Umiling ako sa katabi.

"Okay. Ako na lang," ika nito.

Mabilis na tumayo si Juanie dahil sa narinig.

"Anong ikaw! Na sa 'yo na nga 'yan kagabi! May schedule tayo, ah! Sa 'kin 'yan sa umaga! Sa 'yo sa gabi! Mukha na bang gabi, huh?!"

"Oo, ang dilim dito sa bahay, e," pilosopong banat ng lalaki.

"Ma! Si Junio nga!"

"Ma, si Junio nga," he mimicked Juanie.

Nang hindi na mapigilan ni Mama ay tumayo ito. Kinotongan niya ang babaeng nakatayo, gigil na gigil. 

"Umagang kay ingay," ani ina at hinablot ang cellphone sa kamay ni Junio.

"Hoy, Junio! Kalalaki mong tao! Kung mang-inis ka parang tuli ka na, ah!"

He glared angrily at our mother. Kami naman ni Juanie ay natawa. Hinarap niya kami.

"At kayong dalawa..." She alternately looked at us. "Hangga't maaga, pumunta na kayong palengke."

Nagpapadyak ng paa si Juanie sa sinabi ng ina. Ako naman ay pumasok sa kuwarto at kumuha ng panlamig. Isinuot ko iyon habang naglalakad pabalik ng sala. 

"Ito." Mama handed me the money. "Ibili mo na 'to lahat ng rice at fish cake. Huwag ka ng bumili ng gochujang at napakarami pa rito sa bahay."

"Opo."

"'Wag mong baunin ang katangahan sa palengke, ha," bilin nito sa akin.

"Riem, narinig mo 'yun, ah," si Juanie na galing sa kuwarto, nakasuot na ng jacket na violet.

"Mas grabe ang katangahan mo, Juanie, magtigil ka riyan."

Inismiran ng babae ang ina.

"Uutusan mo na lang kami, tatawagin mo pa kaming tanga. Aalis na nga kami! Tara na, Riem!" hiyaw nito at saka lumabas ng bahay.

"Alis na po kami, Ma," paalam ko sa ina na nakakurus ang mga braso, malalim ang tingin sa akin. Nang mapansin ang titig ko ay ipinadapo ang mga mata sa sahig.

"Umalis ka at nabubuwisit ako sa mukha mo."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Hindi niya sinundan ang pagtawa ko. Sa halip ay pinagbuksan pa ako ng pinto.

Art In His Breath (Japan Series #2)Where stories live. Discover now