Chapter 18

763 43 54
                                    

Chapter 18

"Sobrang yaman mo talaga, 'no? Dito ka pa rin talaga tumutuloy?" wika ko habang inilalapag ang mga dala kong gamit sa lamesa rito sa mini sala ni Diamond.

"Hindi ako mayaman," aniya.

Napatigil ako sa paglalapag ng mga painting materials ko nang gumulong pababa sa carpet ang isang paint brush.

He is so humble.

Ngumiti lang ako at umayos sa pagkakatuwad nang maabot ang brush. "Hindi ka mayaman kasi sobra kang mayaman."

He shook his head and looked away, dismissing me. "Where will you paint?"

Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa mga gamit. Nang naroon na lahat sa lamesita ay pumili ako ng mga kakailanganin.

"Dito sana sa sala kaso... pangit ang lighting. Naiiba ang complexion mo. Ayos lang ba sa'yo kung sa labas tayo? Sa gilid ng onsen?"

"Alright," he answered without looking at me.

My forehead puckered when he walked near me and got my materials without giving me even a one glance. Pinakatitigan ko ang mukha niya nang dumaan doon ang paghihirap.

Ano'ng problema niya? It looked like he was having a hard time. Ngunit saan naman?

"Ako na rito! 'Wag mo na 'kong tulungan! Sa labas ka na lang at hintayin mo na lang ako! Kaya ko naman!" sabi ko at kinuha na ang lahat ng materyales na kayang tipunin ng kamay ko.

"Ikaw ang lumabas at ako na rito."

"H-Hindi! Ako na! A-Ako na!" tumuwad pa akong lalo upang maipon ang lahat.

"You're so mulish. Nasisilipan na kita–"

"K-Kaya ko naman nga! Ako na– Ano'ng sabi mo?!"

My eyes widened. He is now looking at me. My spread arms stopped from collecting. Itinungkod ko iyon sa gilid ng lamesita. I cocked my head to the left side.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko nang sa mabagal na paraan ay bumagsak sa dibdib ko ang tingin ni Diamond. Sinundan ko ng tingin iyon at nakita ang nakalawlaw kong damit.

"Umayos ka ng tayo at kitang-kita ko na ang dibdib mo," ani Diamond, nakaangat ang isang kilay na animo ay napipikon.

Dali-dali akong tumayo nang tuwid at binitawan ang mga hawak. Hinila ko ang likurang tela ng cream-colored silk dress kong suot.

He watched me do that with his attentive eyes.

Kinunutan ko siya ng noo at nag-iwas ng tingin pagkaraan. My gazes began wandering around.

"Uh..." I cleared my throat loudly. Two times.

Next, three.

I heard Diamond sigh vastly.

Then, four. I shut my eyes firmly.

"Ang ganda ng sahig," wala sa tamang pag-iisip kong sabi.

My eyes opened when he chuckled. Napaawang ang labi ko.

"Ako na rito at doon ka na sa labas."

Walang sabi-sabi, iniwan ko siya roon at lumabas na.

Nang mamataan ang mga puno ay kaagad akong suminghot ng sariwang hangin. Pakiramdam ko ay nasuffocate ako roon sa loob!

Dios kong Diamond! He is very straightforward!

Mabuti na lamang at nakalanghap ako ng sapat na hangin. Hindi na ako nakaramdam ng ilang nang umupo kami sa kaniya-kaniyang upuan. I was glad he didn't bring the shameful topic back.

Art In His Breath (Japan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon