13 : Space

24 2 0
                                    

[Brielle's]

After what happened last day, mas pinili kong 'wag munang pumasok. Hindi ako nagpaalam kay Mommy kung saan ako pupunta. Gusto ko munang makapag-isa ngayon.

Lance, kanina niya pa ako tinatawagan at tinetext pero wala akong balak na sagutin siya. As well as Irish, kanina pa nila ako hinahanap.

Currently, I'm here at the park again. Wala masyadong tao kaya naman tahimik at nakakapag-isip ako nang maayos. Kinuha ko ang notebook, notebook na si Lance ang nagbigay. Sinimulan kong sulatan ang notebook, kung anong nasa isip ko 'yon ang isinusulat ko.

Ilang oras din akong nagsusulat, hindi ko iniisip ang mga bagay na nangyari kahapon at ang mga mangyayari pa. Basta sinusulat ko lang ang gusto ng puso at isip ko.

"Andito ka lang pala, kanina pa kami nag-aalala sayo. Kanina ka pa hinahanap nila Tita at Tito." natigil ako sa pagsusulat at agad na isinara ang notebook.

"What are you doing here? Hindi ba may pasok ka?" naka-iwas ang tingin na sabi ko.

"Ikaw din, anong ginagawa mo rito? May pasok tayo diba?" naupo siya sa tabi ko, dahilan para mapa-urong ako.

"I know nabigla kita. I'll give you time to think if you want, days? weeks? months? Kaya kong maghintay, Brie. Hihintayin kita hanggang sa maging ready ka na." I can see sincereness in his eyes.

"Let me think for a few weeks. Kailangan ko lang talaga ng oras, para maintindihan ang lahat." I smiled at him.

"I'll give you space if that's what you want, but always remember that I'm always here for you." He smiled back at me.

Niyakap niya ako, na ikinagulat ko. Hindi ako nakagalaw, parang may kung anong umiikot sa tyan ko. Nang bumitaw siya ay isang ngiti pa rin ang suot niya.

"Sasabihin ko kila Tita na ok ka lang at 'wag nang mag-alala." nang masabi niya 'yon ay tumalikod na siya at naglakad na paalis. Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad siya palayo sa akin.

"Bakit nasasaktan ako?" Bulong ko malanh sa aking sarili.

***

Hapon na nang maisipan kong maglakad pauwi, wala pa rin akong maintindihan sa mga nangyayari. Palubog na ang araw pero naglalakad pa rin ako, unti unti nang nabubuhay ang mga ilaw sa kalye pero heto pa rin ako.

Wala akong maramdamang takot sa mga oras na ito, mas ramdam ko pa rin ang gulo ng isip ko.

Inabot na ako ng gabi bago pa maka-uwi sa bahay, nakatayo lang ako sa labas ng gate habang nakatingin sa kawalan. Bakit ba hanggang ngayon, pinapahirapan pa rin ako ni Tyler?

"Oh my god! Hon! She's here!" nagbalik ako sa katinuan nang marinig ko ang boses ni Mommy. Agad siyang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Where have you been? Kanina pa kami nag-aalala sayo, kahit ang sabi ni Lance ay ok ka naman." sambit ni Mommy nang makaharap na siya sa'kin.

"Naglakad lakad lang ako, Mom." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Naglakad lakad? Inabot ka na ng gabi kakalakad mo, Brielle! Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo ng Mommy mo?" napatingin ako kay Daddy, He's mad.

"Sorry, Dad." nakayuko kong sabi.

"Pumasok na kayo."

Inalalayan naman ako ni Mommy habang papasok, dumiretso na ako sa kwarto at nahiga. Masyado akong naapektuhan ng mga nangyari, na hindi naman dapat.

"Brielle, kaya mo 'yan." sambit ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan isa isa ang messages nila, galing kay Lance, Irish, Mommy at Daddy. One message caught my attention, Tyler's message. Binuksan ko 'yon at...

"I miss you, Bri. Please comeback to me."

I can't feel anything when I'm reading his message. Dati kapag naghihiwalay kami, isang message niya lang sa'kin ay bumabalik na ako sa kanya. Ngayon? Wala na akong maramdamang kilig at saya, siguro nga meron ng iba.

I pressed the call button and wait for him to answer. Ilang ring lang narinig ko at sinagot na niya ang tawag.

"Bri? Is this really you?" wala na ung dating pagtalon ng puso ko marinig ko lang ang boses niya.

"Yeah this is me, I want to make sure about my feelings." sigurado na ako sa gagawin ko.

"I'll let you prove yourself again."

Pinatay ko na ang tawag bago pa siya makasagot, gusto kong makasigurado. Hinanap ko ang pangalan ni Lance sa contacts and press the message button.

"Give me some time to think. Trust me with this one."

I pressed again the send button. Mas pinili kong bumaba at pumunta sa kusina. Nakita ko si Lola na may inaayos sa lababo.

"Lola? Gabi na, bakit gising pa po kayo?" humarap siya sa akin at ngumiti.

"May hinahanap lang ako, gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita." pag-alok ni Lola.

"Hindi na po, Lola. Ako na po, maupo na po muna kayo."

Naglakad ako palapit sa ref at kumuha ng apple at milk.

"Apo, kwentuhan mo naman si Lola." naupo ako sa harap ni Lola at nagsalin ng gatas sa baso.

"Lola, ano pong gagawin niyo. Kung may dalawang lalaking nagkakagusto sayo?" kumagat ako sa apple at tumingin kay Lola.

"Napaka-haba naman pala ng buhok ng aming prinsesa, kahit hindi mo sabihin sa'kin alam kong kwento mo 'yan. Gusto muna kitang tanungin, sino ba ang gusto mo? Si No. 1 o No. 2?"

Natahimik ako sa tanong ni Lola, alam ko na ang sagot pero hindi pa rin ako sigurado.

"Hindi ko pa sigurado, Lola. Gusto ko munang siguraduhin bago ako magbigay ng sagot." payak na ngiti lang ang binigay ko kay Lola.

"Alam mo Apo, hindi mo naman kailangan manigurado. Kung siya ang tibok ng puso mo, kahit naguguluhan ka. Siya at siya pa rin ang pipiliin ng puso mo. Nasa sa'yo pa rin naman ang desisyon pero Apo, sana wag kang magkamali sa desisyon. Andito lang si Lola, pati ang Mommy at Daddy mo para tumulong sayo." tumayo si Lola at lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Napangiti nalang ako dahil ramdam ko ang support sa'kin ni Lola Eli.

"Sige, Apo. Mauna na ako at gabi na rin." tumango lang ako at nag-goodnight kay Lola.

Ilang oras ko ring pinagisipan ang mga sinabi ni Lola Eli. Nang matapos ako kumain ay hinugasan ko muna ang baso bago umakyat sa taas.

***

I'm currently driving, maaga pa kaya naman hindi ako masyadong nagmamadali. Irish is waiting for me at the school gate, hindi naman 'yon magagalit sa'kin kaya ayos lang ma-late.

After 20 minutes ay nasa tapat na ako ng gate, pero wala akong Irish na nakita. Dumiretso nalang ako sa parking lot at inayos ang pagka-park ng kotse ko. Ilang saglit pa ay may dumating ding isa pang kotse, at doon ay bumaba si Tyler.

"Bri!"

"Brie!"

I don't know where to look, Tyler is at my left while Lance is at my right. I choose to look at Lance, pero nakatalikod na siya at paalis. Kaya naman kay Tyler nalang natuon ang atensyon ko.

"Let me court you again, Bri. Please?" kahit labag sa loob ko ay tumango ako. Isipin mo nalang Brielle, na para sa ikakaayos ng lahat ito.

"Thank you! Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan ito." napalingon ulit ako sa kinaroroonan ni Lance, nang makarinig ako ng malakas na tunog.

It was Lance, bleeding because he punch his car. He heard it all, I'm sorry but I have to do this. Kailangan, para hindi kita masaktan.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now