24 : Knowing The Truth

26 1 1
                                    

[Brielle's]

"No. He's my Son, Brielle." natigilan ako sa sinabi niya.

"W-what do you mean?" parang bigla na lang hindi nag-function ang utak ko, nakatingin lang ako kay Tyler.

"There's no need to hide it. Yes, he's my son. Nalaman ko kagabi noong nag-aagaw buhah siya, akala ko hindi ko man lang siya makikilala pero binigyan pa ako ng pagkakataon, dahil nailigtas siya." nakangiti niyang sambit habang nakatingin sa'kin.

"H-how?" wala na akong ibang masabi.

"May nangyari sa'min noong umuwi ako sa Pilipinas, ilang taon na rin ang nakalipas." hindi pa rin ako makapaniwala.

"Hindi alam ni Mercado ang katotohanan. Sa palagay ko, walang balak si Sirene na sabihin sa kanya ang totoo." kumulo bigla ang dugo ko.

"That girl! She's a real living devil!" kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.

"May kailangan kang malaman, sige pupuntahan kita r'yan." nakatingin lang sa'kin si Tyler.

"Si Mercado ba 'yon? Sasama ako." tumango nalang ako bilang sagot, sabay kaming lumabas ng bahay at kotse niya na ang ginamit namin.

Tahimik lang kami habang bumabyahe papuntang ospital. Nang makapag-park na si Tyler ay agad akong bumaba at sumakay sa elevator. Habang papaakyat ay hindi ako mapakali, papaano kung hindi maniwala si Lance sa'kin?

Nauna si Tyler sa paglabas, habang nakasunod naman ako sa kanya. Tumapat siya sa isang pintuan, ito na siguro ang kwarto kung nasaan sila. Agad kong binuksan 'yon at nakita si Lance at Sirene na nakaupo, habang si Laurence ay natutulog.

"What the hell are you doing here?!" bungad ni Sirene, hindi ko siya binigyan ng pansin at tumingin kay Lance.

"He's not yours, Lance." lumapit sa'kin si Sirene at nagulat ako sa ginawa niya... sinampal niya ako.

"Sirene!" sigaw ni Lance, agad naman siyang lumapit sa akin at inalalayan ako.

"That's true, Mercado. Laurence is not yours, he's my son." nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Lance.

"How dare you to say that?! You two doesn't have proofs!" galit na galit na sigaw ni Sirene.

"Just tell him the truth, Sirene. Hindi habang buhay, mabubuhay ka sa kasinungalingan mo." sambit ko. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.

Natigil ang tensyon dahil sa pagpasok ng doctor, may hawak itong papel kaya naman nanahimik kaming mga naririto.

"This is the paternity result of Mr. Tyler Flores and Laurence Mercado." panimula ng doctor. Napatingin naman ako kay Tyler at nakangiti siyang tumingin sa'kin.

"Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ni Sirene.

"Kanina lang, nagpa-DNA Test ako para malaman ang resulta dahil alam ko kung anong ugali ang mayroon ka. Doc, please continue." alam kong hinihintay din ni Lance ang sasabihin ng doctor.

"The result of this paternity test between Mr. Tyler Flores and Laurence Mercado is 99.9%, which means they are related to each other. Mr. Flores is the father of the child." ramdam ko ang galit ni Lance. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan sa mga mata.

"Calm down." umalis na ang doctor at si Sirene ay sumugod papunta sa'kin.

"Don't you dare touch my husba--" hindi niya natapos ang sasabihin niya, dahil sa pagsasalita ni Lance.

"Don't you dare touch her, you liar!" nagulat ako dahil sa ginawa ni Lance, isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Sirene.

"Y-you slapped me?" hindi makapaniwalang sambit ni Sirene.

"Brielle, sa labas ka muna. Ako na ang bahala rito." wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Tyler palabas ng kwarto.

Habang palabas ay naririnig ko ang sigawan nila, pero ang huling sinabi ni Sirene ang hindi ko makalimutan.

"You'll pay for this, Lance. You'll pay big time! Ahh no, that girl will surely pay for what you did! I'll kill her!"

Siguro ito ang nagagawa ng pagmamahal, kahit alam mo na sa sarili mong talo ka at wala ng pag-asang manalo. Gagawa at gagawa ka pa rin ng paraan para lang hindi maisahan ng kahit sino.

"Stay here." I half smiled at him then nods.

Masaya ako at the same time malungkot, masaya ako dahil may pag-asa pang mabuo ang pamilya ko. Malungkot lang dahil kailangan naming makasakit ng ibang tao.

ILANG minuto pa ang hinintay ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon. Nakita ko si Lance na palapit sa kinauupuan ko, diretso siyang naupo sa tabi ko.

"How's Zienna? I already miss her." nakatingin lang ako sa kanya, kinagagalitan ko dapat siya pero bakit kahit kaunting galit hindi ko maramdaman?

"She already admit it. Laurence, he's not my son. Inalagaan ko 'yung hindi ko anak, samantalang 'yung anak ko hindi ko ipinaglaban." I heard him sobbing. Tinapik ko ang likod niya.

"Same as Tyler. Inalagaan niya si Isabella without knowing na may anak sila ni Sirene. It's like swapping, you cared for his son and he cared for your daughter. Walang rason para magsisi." nakangiti kong sambit.

Natigilan ako ng yakapin niya ako. I've missed his hug. Niyakap ko siya pabalik.

"I still love you, Brielle. Wala ng dahilan para pigilan ko pa 'to, ikaw ang ina ng anak ko at alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin ang itinitibok at isinisigaw ng puso ko." hinarap niya ako.

"This is not the right time for this, Lance. Marami pang kailangan ayusin, marami pang kailangang ipaintindi." hindi ko pa kayang maging masaya, habang may mga taong nasasaktan pa.

"I know, I know. I just want you to know, that you're the only woman here in my heart. Since then, Brielle. Since then." he smiled at me.

"He's awake. Hinahanap niya ang Daddy niya." napatingin kami kay Tyler ng lumabas siya pinto, I see pain in his eyes.

Agad namang tumayo si Lance para pumasok sa loob, nakasunod lang ako ako sa kanya at nakadistansya kay Sirene.

"Daddy, what happen?" sambit ni Laurence. I know it hurts seeing your child, lying on a hospital bed with a bandage on his head. I looked at Tyler's direction.

"Kiddo, I know this is not the right time for you to know but that man there is your true Daddy." panimula ni Lance. Labag pa rin sa loob ni Sirene ang mga nangyayari.

"Mommy? Is that true?" He's about to cry.

"Don't cry, son." sambit ni Tyler. Lumapit siya kay Laurence. Hinawakan niya ang kamay nito.

"It's true. I'm your Dad. I'm sorry, kung ngayon lang namin sinasabi sa'yo ang mga 'to." This is their moment. Tumayo si Lance at lumapit sa kinatatayuan ko.

"Are you really my Daddy?" umiiyak na sambit ni Laurence.

"I am. I am your father." niyakap nila ang isa't isa. Naputol ang father and son moment ng magsalita si Sirene.

"He's your father, Laurence." sambit niya at lumapit sa kinaroroonan ko, hinila niya ako palabas ng kwarto.

"You! This is all your fault! Kung hindi mo inagawa sa'kin lahat, hindi maguguluhan ang anak ko! Bakit ba kasi bumalik ka pa?! Mawala ka nalang ulit!" I just looked at her.

"I know it's hard to accept but Sirene, mas mabuting tanggapin mo na. Kasi ikaw lang din ang mahihirapan." I'm about to hold her but she pushed my hand away.

"No. Hindi ako papayag na maging masaya kayong dalawa, kung hindi magiging akin si Lance. Hindi rin siya magiging sa'yo, pagsisisihan mong bumalik ka pa dito."

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now