5 : Early Bird

40 3 0
                                    

[Brielle's]

Kakatapos lang namin mag-dinner, dahil hinintay talaga ako nila Mommy at Daddy. Paakyat na ako sa kwarto dahil nararamdaman ko na ang pagod, sa dami nang nangyari ngayong araw.

Papasok na ako sa kwarto, nang tumunog ang phone ko na nasa loob ng bag. Pumasok muna ako at naupo sa kama, bago kuhanin ang cellphone ko.

Sinagot ko naman ang tawag, nahiga ako sa kama kahit hindi pa ako nag-papalit ng damit.

"Brie! Kumusta? Napagalitan ka ba?" Napakarami talagang tanong.

"San mo nakuha number ko?" Imbis na sagutin ang tanong nya, ay naisipan ko ding magtanong.

"Hiningi ko kay Irish. Kakilala ko sya, saka alam kong bestfriend mo 'yon." Napatango nalang ako, kahit pa wala naman sa harap ko ang kausap ko.

"Matutulog na ko. Bukas nalang Lance, daan ka nalang dito sa bahay. And btw, hindi ako napagalitan nila Daddy. Good night." I yawned as I say those words.

"Good night, sleepwell. See yah tom." Pinatay ko na ang tawag at mabilis na nag-linis. Nang makapagbihis na ako ay nahiga na ako sa kama, hinayaang kainin ng ka-antukan.

***

Maaga akong nagising, nang tingnan ko ang wall clock ay 6 am palang. Kaya naman agad ko nang ginawa ang morning routine ko.

Habang nag-bibihis ay naalala ko na dadaanan nga pala ako ni Lance, dahil naiwan ang kotse ko sa school.

Nang matapos ako ay 6:30 am na, kaya naman bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Pababa palang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang ingay sa baba, anong meron? Nagmadali naman akong bumaba para malaman kung anong pinagkakaguluhan nila sa sala.

Una kong nakita si Mommy na nakaupo sa single sofa, nang makababa na ako ng tuluyan ay nakita ko kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

"Sweetie, your friend is here." Tumayo si Mommy nang makita nya ako.

"Ang aga mo naman ata? Ang sabi ko daanan mo ko, dumaan ka nga pero super aga naman." Nagkakamot ng batok syang napatingin sakin.

"Baka kasi maaga ka pumapasok, kaya 'yon inagahan ko." Natawa naman si Mommy dahil sa inasal namin.

"Nako kayong mga bata kayo, halina kayo at kumain na." Mukhang kanina pa sila nagkukwentuhan, dahil nang mag-lakad si Mommy papuntang dinning room ay nakasunod si Lance.

"Oy Brie! Halika na!" Wt? Napailing nalang ako, ang kapal pala nitong lalaking 'to.

Sumunod nalang ako papuntang dinning room, nang makapasok ako ay Daddy agad ang hinanap ng mga mata ko.

"Umalis na ang Daddy mo, Anak. May meeting daw ng maaga." Tumango-tango nalang ako sa sinabi ni Mommy.

Naupo ako sa pwesto ko, katabi si Lance. Habang si Mommy naman ay katapat ko.

"Wag kang mahihiya, Lance. Kain ka lang." Sambit ni Mommy, at ang loko kumuha nga ng bacon at hotdog.

"Hindi ka naman gutom 'no?" Pabiro kong tanong sakanya.

"Sino nagsabi?" Dahil sa sinabi nya ay napatawa si Mommy, napa-ngiti naman ako.

"Kumain na kayo." Natatawa pa ring sabi ni Mommy.

Kumuha naman ako ng dalawang bacon at dalawang hotdog, hindi na ako kumuha ng rice dahil sigurado naman akong dito palang ay busog na ako.

Nang matapos ako ay kumakain pa rin si Lance. Napailing nalang ako habang nakangiti.

"Kuhain ko lang ung bag ko, baka naman pag-baba ko hindi ka pa rin tapos dyan ah." Pagbibiro ko, napa-tawa naman si Mommy.

Nag-lakad na ako paakyat sa kwarto ko, kinuha ko ang bag ko at nilagay doon ang cellphone at wallet ko.

Nang masigurado ko ng wala na akong naiwan pa ay bumaba na ako. Wala si Lola Eli ngayon, dahil pinauwi muna siya ni Mommy kahapon para naman daw makasama nya ang mga anak at apo nya.

Bumaba na ulit at na-abutan si Lance na inaayos ang suot nyang damit. Since college na kami, t-shit and pants is already ok na. Kaya naman ang suot ko ay kulay purple na damit lang at pants. Samantalang kay Lance ay color cyan na shirt at navy blue na pants.

"Tara na." Pag-agaw ko sa antensyon nya. Agad naman syang tumingin sakin at ngumiti.

Nauna na syang lumabas, kaya sumunod na rin ako. Nakita namin si Mommy sa garden.

"Tita! Salamat po sa breakfast! Una na po kami." Lance yelled. Hula ko nakangiti na naman 'to.

"See you later mom. I love you." Ngiti lang ang naging sagot ni Mommy.

Agad naman akong sumakay nang buksan nya ang pinto ng kotse.

Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa maka-rating sa school. Pagbaba ko ay madami agad ang nagbulungan, pero di ko na sila pinansin pa.

"Thanks for the ride. Una na ko." Nginitian nya lang ako at tumango.

Hindi ko binibigyang pansin ang mga studyanteng naka-tingin sakin. Nilagpasan ko lang silang lahat, hanggang sa makarating sa room. Naupo nalang ako at nag-hintay na mag-klase.

***

Natapos ang buong araw sa loob ng school, wala si Irish dahil may importante raw na ginagawa. 

Naglakad na ako papuntang parking, sana naman ay maging maayos ang pagpunta ko sa parking lot.

Nakarating ako sa parking lot ng walang galos o naka-away. Kaya naman laking pasasalamat ko 'yon.

Sumakay na ako sa kotse at nag-drive na pauwi, kailangan ko nang pahinga. Martes palang pero parang pagod na pagod na ako agad.

Nang makarating sa bahay ay papasok na sana ako ng may bumusina sa likod ng kotse ko. Nakita ko naman ang kotse ni Lance. Bumaba ako at nag-lakad papunta sakanya.

"Evening." Simpleng bati ko sakanya.

"Mukha kang stressed na stressed ah. Pahinga ka na pag-pasok mo sa loob." Sambit naman nya, nginitian ko lang sya.

"Samahan mo ko sa saturday." Pinatong ko ang ulo ko bintana ng kotse nya, binuksan nya kanina ang salamin non.

"Niyayaya mo ba akong makipagdate?" Napairap nalang ako sakanya. Feelingero din pala ang isang 'to.

"Friendly date lang naman. Wag kang feelingero." Tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Sige na oo na. Pumasok ka na at magpahinga na." Nginitian ko sya bilang sagot at nag-wave ng goodbye. Sumakay na ulit ako sa kotse at pinasok na sa loob ng garahe.

Nang makapasok ako ay wala akong taong nakita, hindi ko na inisip pa ang mga 'yon at agad na pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga na.

Nahiga agad ako sa kama ng makapasok ako sa kwarto. Wala na akong ibang inisip pa at hinayaan nang maka-tulog ako.

***

"Bri, can you be my girlfriend?"

"Yes, Tyler. Yes."

Nagising ako habang umiiyak, nang tingnan ko ang wall clock ay 3 am na. Naalala ko naman siya. Si Tyler lang ang minahal ko ng totoo, simula pagkabata ay sya na ang tinitibok ng puso ko. Akala ko talaga ay totoo na, pero hindi pala.

Pinunasan ko ang luha ko at hindi na inisip pa ang mga  'yon.

"Patunayan mong mali sya sa ginawa nya sayo, makakaya mo din 'yan Brielle. I know I can do it. I'll get through this." Bulong ko sa aking sarili.

---

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now