10 : Locked In

28 2 0
                                    

[Brielle's]

"Letters na naman? 1 week na akong nakakakita ng kulay pulang papel sa kamay mo ah." sambit ni Irish. Yes, it's been 1 week since this letters started.

"Hayaan mo na, hindi naman siya nananakit eh. Saka ilang beses na naming inabangan ni Lance, kaso wala pa rin kaming suspect." natawa si Irish sa sinabi ko, kaya naman napatingin ako sa direksyon niya.

"Suspect talaga? Alamin mo na kung sino 'yan, malay mo love life na pala 'yan." tumataas ang kilay na sabi niya.

Naupo ako sa upuan ko at kinuha ang notebook para magreview, last day ng exams ngayon dahil na postponed noong friday.

"Puro ka nalang aral, di ka ba nagsasawa?" lumapit siya sakin at naupo sa harapan ko.

"Hindi naman, bakit?" tanong ko habang hawak pa rin ang notebook.

"Wala! Kahit kailan ka talaga. Btw, napansin mo ba si Lance? Hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga." napatingin ako sa kanya.

"Oo nga, hindi ko rin siya nakitang dumaan kanina. Asan na 'yang pinsan mo?" kinuha niya ang phone niya at nagtitipa doon. Ilang minuto lang at tumunog 'yon.

"Masama raw ang pakiramdam, kaya hindi nakapasok." tumango tango ako bilang sagot. Kaya pala, hindi ko siya nakita kanina. Everyday, tuwing may pasok lagi siyang sumasabay sa akin papuntang building namin. Hindi ko na napansin kanina dahil sa pag-rereview.

"Pupuntahan ko nalang sa kanila mamaya, sama ka?" tanong ko sakanya, inabot siya ng ilang minuto bago sumagot.

"Pass muna, may pupuntahan ako mamaya eh." sagot niya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa cellphone niya.

Nagsimula ang afternoon class, wala sa klase ang utak ko. Iniisip ko kung ok lang ba si Lance, dahil ang sabi ni Irish kani-kanina lang ay nilalagnat na siya.

"Ms. Cardova!" bumalik sa reyalidad ang utak ko, nang marinig ko ang pagtawag sakin ng prof namin.

"Ma'am?" alanganin kong tugon sakanya, nakita ko si Irish na tatawa tawa lang sa upuan niya.

"Go to the office, after class." lagot. Tumango nalang ako para matapos na.

Nagpatuloy sa pagdidiscuss ang prof namin, habang iniisip ko pa rin si Lance dahil baka kung ano ng nangyari sakanya.

***

Naglalakad na ako papuntang office, nauna na si Irish dahil may pupuntahan pa raw siya. Mukhang hindi ko madadalaw si Lance.

"Ma'am Valdez?" Tawag ko sa kanya, agad nama siyang tumingin sa akin at lumapit.

"Ilagay mo ang mga bagay na ito sa stock room, punishment mo 'yan dahil sa hindi pakikinig. Next time, don't be too occupied. After that makakaalis ka na. Mauna na ako." Sambit niya, mukhang hinintay niya lang talaga ako para iutos ito.

"Ingat sa stock room, Ms. Cardova. Ang pinto roon ay hindi nabubuksan ng taong nasa loob. Kanina lang nasira at bukas pa maipapagawa." pahabol pa ni Ma'am. Tumango lang ako.

Wala naman akong magagawa, kaya umalis na ako at naglakad na papuntang stock room. Padilim na, kakaunti na rin ang mga studyanteng nakikita ko.

Pumasok ako at hinayaang nakabukas ang pinto, hinanap ko na ang side kung na saan ang pangalan ni Ma'am Valdez at ipinatong doon ang box. Kasabay nang pagpatong ko ang pagsara ng pinto.

"What the heck!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw.

"Bri?" Nakita kong papalapit sa akin si Tyler.

"Bakit mo sinara ung pinto! My ghad!" Agad akong tumakbo papunta sa pinto, nakita ko pa ang pagtataka sa mukha niya bago ako lumagpas sa kinatatayuan niya.

"Anong meron?" wala pa ring clue na tanong niya. Napaupo nalang ako ng marealize kong hindi na mabubuksan ang pinto.

"Nasira 'yang pinto kanina, hindi daw nabubuksan ng taong nasa loob. Bukas pa raw ipapagawa." napahawak nalang ako sa ulo ko, nang maalala kong dala ko nga pala ang phone ko.

"What? Bakit hindi sinabi? Ughh! Ayokong mag-palipas ng gabi rito." Me too, ayokong makasama ka dito.

Hindi ko na siya pinansin pa at kinuha ang cellphone ko, nang tignan ko ang signal bar ay iisa lang. I can't make call.

'Na-stuck ako sa stock room, with Tyler. Natatakot ako, I need help.' naiiyak kong sinend iyon kay Irish. Sana, sana ay makarating agad siya.

"Are you crying?" tanong niya at lalapit na sana, pero itinaas ko ang kamay ko at umiling.

"Wag kang lalapit sa akin." sambit ko. Natigil naman siya sa paglalakad at sumandal nalang sa pader. Natatakot akong may hindi siya magandang gawin sa akin.

"I won't do anything to you, don't worry." may assurance na sabi niya. Nakayakap lang ako sa tuhod ko habang nakaupo at nakasandal sa pinto.

"Still, stay away from me." Irish, where are you? I need you now.

"I just want to say sorry for everything I've done to you." napatingin ako sa kanya. I can see that he's sincere, but I know in my heart that I don't love him anymore.

"Tapos na ang mga 'yon, wag na nating pag-usapan pa." suhestiyon ko. Tumango tango naman siya bilang sagot.

"I still love you, kapag nakikita kitang kasama ang Mercadong 'yon naiinis ako." natigilan ako sa sinabi niya.

"Ang sabi mo, hindi ko ako minahal." nagtataka kong sabi sa kanya.

"Para lumayo ka sa akin, no'ng una pustahan lang ang lahat. Hindi ko inakalang mamahalin kita, nang malaman nilang talo na ako. Itinigil na namin ang pustahan at ginusto kong lumayo ka sa akin, dahil alam kong masakit ang ginawa ko sayo." naglakad siya palapit sa akin. "I want another chance, hayaan mo akong bumawi sayo." hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi niya.

"Huwag kang lalapit sakin, Tyler!" Naghihisterya kong sigaw sa kanya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumayo sa kanya.

"Please, Bri." lumalapit pa ring sabi niya.

"Lance! Lance! I need you!" naupo ako sa sulok at umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Tyler, pero sinagi ko iyon.

"Stay away from me!" Sigaw ko, wala na siyang nagawa pa at lumayo na. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at siya agad ang nakita ko.

"BITAWAN MO SI BRIE!" tumakbo siya palapit sa amin at binigyan ng suntok si Tyler.

Hinila ko ang damit niya at niyakap. Umiyak lang ako sa dibdib niya habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.

"Ok ka lang ba? May ginawa ba siya sayo?" naramdaman ko ang init ng katawan niya. Umiyak lang ako at hindi na siya sinagot pa.

Inalalayan niya akong makalabas sa stock room, habang si Tyler ay nakaupo pa rin sa sahig at nakatingin sa amin.

Nanginginig akong nakahawak sa kamay ni Lance, agad niya akong dinala sa kotse niya at pinaharurot papauwi.

Sa sobrang pagod kakaiyak ay nakatulog ako habang bumibyahe kami.

"You don't need to be afraid again. Kahit na saan ka man, darating ako para samahan ka."

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now