Epilogue

43 0 0
                                    

[Brielle's]

Expect the unexpected, noon ay hindi ko maintindihan ang line na 'yan. Ang akala ko kasi ay mabubuhay ako sa utos at gusto ng mga magulang ko, pero tignan mo nga naman ang buhay ko ngayon. Natupad ang lahat ng pangarap ko, dahil sa isang tao.

"Ang ganda po ng story niyo, " sambit ng isang teenager na nagpapirma sa'kin.

"Maraming salamat sa pagbabasa. Sana, nakakuha ka ng lesson sa mga kwentong nilikha ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Marami po akong natutunan. Una ang magpatawad kahit gaano kalaki ang kasalanan sa'yo ng isang tayo, pangalawa huwag maging sakim at pangatlo, kung alam mong hindi naman sa'yo, wag mo na piliting kunin dahil may taong nagmamay-ari na rito." napangiti ako sa sinabi niya. Tama ang lahat ng sinabi niya.

ANDITO ako sa national bookstore, kakalabas lang ng bago kong storya. Ang pangalawang libro ng Almost a Happy Ending, pinamagatan ko 'yong My Own Happy Ending.

Cringe, pero gusto kong ipakita sa lahat na hindi galit ang dapat pairalin sa mundo, kung hindi pagmamahal. Love can make us unite.

Ang librong ito ang magpapatunay na ano man ang pagdaanan ng dalawang taong nagmamahalan, malalagpasan nila 'yon dahil sa pagmamahal na mayroon sila sa isa't isa.

"Hey, Hon." napatingin ako sa tumawag sa'kin.

Kanya kanyang react naman ang mga fans ko, napangiti na lang ako dahil ang iba ay tumitili pa.

"Malapit na matapos, Hon. Where's Isabella?" tanong ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pagpirma.

"Bagay na bagay po kayong dalawa." nakangiting sambit ng isang nagpapapirma.

"Yes naman. Wala ng ibang babagayan pa ang Ate Author niyo, kung hindi sa'kin lang." sagot ni Lance.

Lalong lumakas ang sigawan, unti unti ko namang naramdaman ang pagpula ng mukha ko.

"Susunod na ako, pumunta ka na sa kotse." nahihiya kong sambit.

Nginitian niya naman ako at hinalikan sa noo, bago umalis at bumalik kay Isabella.

***

"Thank you, Brielle. Sa pagiimbita." sambit ni Tyler.

Kasama namin sila dito sa restaurant, siya at ang buong pamilya niya. Hinila niya ako palayo sa mesa, kaya naman nagtaka ako.

"Ano kasi eh. Umm, pwede mo ba ako tulungan?" sambit niya. Nagtataka ko pa rin siyang tinitignan.

"Umm... magpopropose kasi ako ngayon kay Sirene." natigilan ako sa sinabi niya.

"Ohh my!" tinakpan niya ang bibig ko, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Help me, can you talk to that waiter? Sabihin mo ito ang ilagay niya sa tray ng dessert ni Sirene. Hindi ako makaporma eh." sambit niya, sabay kamot sa ulo.

"Anong pinag-uusapan niyo?" napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang boses ng asawa ko.

"Hon! Halika dali, asan si Sirene?" tanong ko. Agad siyang lumapit sa'min ni Tyler.

"Restroom lang daw muna, ano bang mayroon?" tanong niya ulit.

"Si Tyler kasi, magpopropose na kay Sirene." nakangiti kong sambit.

"Congrats, dude." nag-fist bump naman silang dalawa.

"Asaan na 'yung singsing? Ibibigay ko na sa waiter." sambit ko.

Agad naman binigay ni Tyler sa'kin ang singsing, naglakad na ako palapit sa waiter na itinuro ni Tyler.

"Ano pong kailangan niyo Ma'am?" tanong nito.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now