11 : Brielle's Revelation

28 3 0
                                    

[Brielle's]

"No, don't please! Stoop!"

Nagising ako dahil sa sariling boses ko, naalala ko naman ang pangyayaring iyon. Niligid ko ang paningin ko, nasa kwarto na ako at mukhang nabihisan na ni Mommy.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot. Kinuha ko ang cellphone ko para icheck ang messages ko. I saw Irish's message, last night.

"I'm sorry, Elle. May emergency hindi ako makakarating, pero nasabihan ko na si Lance. Hintayin mo siya."

Nang mabasa ko ang message niya ay agad kong naalala ang nangyari kagabi. Si Lance, dumating siya ng kailangan ko siya. Agad kong hinanap ang number niya at tinawagan iyon.

"Hello? Who's this?" boses babae ang narinig ko sa kabilang linya.

"Kaibigan po ako ni Lance, andyan po ba siya?" tanong ko. Nagsuot ako ng tsinelas at naglakad palabas ng kwarto.

"Mataas ang lagnat ni Lance, since last night. Pwede mo siyang dalawin dito sa bahay. By the way, I'm his mother." pagpapakilala ng babae sa kabilang linya.

"Sige po tita, pupunta po ako diyan." nang makita ako ni Mommy ay agad niya akong tinanong kung saan ako pupunta, pero hindi ko na siya nagawang sagutin pa.

Naglakad ako papalapit sa bahay nila Lance, ilang bahay lang naman ang pagitan kaya mabilis akong nakarating doon. Nag-doorbell ako at wala pang limang minuto ay nagbukas na ang gate ng bahay nila.

"You must be Brielle. Pasok ka Iha. Hindi nakapasok ang anak ko dahil sa sama ng pakiramdam kahapon, at ngayon nga ay tumaas ang lagnat niya simula kagabi." Nakasunod lang ako sa Mommy ni Lance habang papasok kami sa loob ng bahay.

"Nawala siya kagabi, ang akala namin ay kung saan siya nagpunta. Nang makauwi siya rito ay doon na tumaas ng tuluyan ang temperature niya." naguilty ako sa narinig ko, ako pala ang dahilan kung bakit tumaas ang lagnat niya.

"Tita, mukhang may pupuntahan po kayo?" pag-uusisa ko sa kanya.

"Papasok na ako sa trabaho sana, kaso walang mag-aalaga sa anak ko." umakyat kami sa hagdan papunta sa 2nd floor.

"Ok lang po ba kung ako muna ang mag-alaga kay Lance? Bawi ko na rin po sa kanya sa ginawa niyang pagtulong sa akin kagabi." huminto ang Mommy ni Lance sa tapat ng isang pinto.

"Ok lang ba sa iyo? Mas gusto kong ikaw ang mag-alaga sa anak ko, kaysa sa aming mga kasambahay." Tumango ako bilang pagsagot ng oo. Gusto kong bumawi kay Lance, kahit sa ganitong paraan man lang.

"Maraming salamat, Brielle. Ang mga gamot ni Lance ay nasa kwarto na niya, ikaw muna ang bahala sa anak ko." I smiled at her.

"Sige po, Tita. Ako na po muna ang bahala kay Lance." isang ngiti ang binigay niya sa akin bago siya umalis.

Pumasok ako sa kwarto, nang makapasok ako ay si Lance agad ang bumungad sa akin. Nakabalot sa kumot at nanginginig. Dahil sa nakita ko ay napatakbo agad ako papunta sa kanya.

"Lance? Lance?" pagtawag ko sa kanya, pero wala siyang naging response.

Wala na akong choice, naupo ako sa tabi niya, pumasok sa loob ng kumot, at niyakap siya nang mahigpit.

"Kailangan mo nang gumaling. Hindi na ako sanay ng wala ka." bulong ko habang nakayakap nang mahigpit sa kanya.

***

Hindi ko namalayang nakatulog ako, nagising ako dahil sa haplos sa buhok ko. Nang tignan ko ang gumagawa no'n ay si Lance ang bumungad sa akin.

"Akala ko naghahalucinate lang ako na andito ka," sambit niya. Ngumiti siya sa akin at naupo, kaya naman naupo na rin ako at humarap sa kanya.

"Ung gamot mo? Nainom mo na ba? Lagot ako kay Tita kapag hindi pa!" naghihisterya kong sabi, napahaba yata ang idlip ko.

"Calm down, nakainom na ako." nawala ang ngiti niya at seryosong tumingin sa akin.

"I saw your fear last night. Nakita ko ang takot sa mga mata mo ng malapit ka nang hawakan ni Flores, hindi ka matatakot ng gano'n kung walang nangyari." natigilan ako sa sinabi niya. "Tell me, Brie. Anong ginawa niya sayo?" hindi ako nakasagot agad sa tanong niya, ayoko nang alalahanin pa ang araw na 'yon.

"L-lance, pwede bang sa ibang araw nalang? Sasabihin ko sayo kapag ready na ako." Nakayuko kong sambit, akala ko ay may sasabihin pa siya ngunit kinulong lang ako ng mga bisig niya.

"I'll wait 'til you're ready," sambit niya. Tinapik tapik niya ang likod ko na para bang pinapaalam niya na hindi siya mawawala sa tabi ko.

"Papasok na tayo bukas ah." Iniharap niya ako sa kanya at nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Uuwi na muna ako, baka hinahanap na ako nila Mommy." Binitawan niya ako at tumango tango.

"Babalik ako mamaya. I'll just take a bath." Nakangiti kong sambit sa kanya.

Matagal ko nang itinatago ito, oras na siguro para mailabas ko na ito. Naglakad na ako palabas ng kwarto ni Lance, iniisip ko pa rin kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Nakauwi ako na iyon pa rin ang nasa isip ko, natapos ko na lahat ng kailangan kong gawin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagay na iyon.

"Saan ka na naman pupunta, Bri?" napalingon ako kay Mommy nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Pupuntahan ko lang ulit si Lance, Mom. Kailangan niya nang mag-aalaga sa kanya ngayon." lumapit si Mommy sa akin dala ang isang tupper ware.

"Sabay na kayong kumain ni Lance, dinamihan ko talaga 'yan para sa inyo." Nakangiting sabi ni Mommy. Kinuha ko iyon at naamoy agad ang laman no'n, adobo.

"Thank you, Mommy. I'll be back before dawn," sambit ko.

Naglalakad na ulit ako pabalik kila Lance, nang mapagdesisyunan kong sabihin na sa kanya ang totoo. I know I can trust him.

Pinapasok ako ng maid, kaya naman dumiretso na ako sa kwarto ni Lance. Nakita ko siyang naglalaro sa phone niya, nang makalapit ako sa kanya ay agad ko iyong kinuha.

"Hindi ka pa pwedeng magbabad sa mga gadgets, nakakasakit ng ulo ang radiation." Nginitian ko siya ng pilit.

"Ano ba yaaan!" nakanguso niyang reklamo, napangiti nalang ako sa ginawa niya.

"May dala akong adobo, pinapabigay ni Mommy pero bago tayo kumain. May gusto sana akong sabihin." kinakabahan kong sambit.

"Tungkol saan?" nakangiti niyang tanong.

"A-about last night," nawala ang ngiti sa labi niya. "Tyler, sinubukan na niya akong galawin no'n. Lasing siya noong araw na 'yon, sinaktan niya ako nang makarating ako sa condo niya. Sabi niya ay may mahalaga raw siyang sasabihin, hindi ko alam na may masama pala siyang balak sa akin." hindi ko na napigilan ang luha ko.

"T-takot na takot ako noon, kahit nanghihina ay pinilit kong labanan siya para makaalis sa lugar na 'yon," sambit ko habang humihikbi. "K-kaya gano'n nalang ang takot ko sa kanya, kinabukasan ay nag-sorry siya. Naging maayos kami, wala pang isang buwan nalaman kong pustahan lang pala ang lahat. Ginamit niya lang ako, kasi 'yun ang gusto ng mga kaibigan niya."

"Kagabi hindi ko alam ang gagawin, nang magpumilit siyang lumapit sa akin naalala ko ang nangyari noong araw na lasing siya. Natakot akong baka ituloy na niya ang balak niya. Akala k-" natigil ako ng bigla niya akong yakapin.

"Hush. Stop crying. I'm already here, I won't let him do that to you again."

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now