1 : Balloons

140 7 8
                                    

[Brielle's]

I feel the wind passed my face, as I was thinking what's wrong with me. All of them are starring at me with a question on their faces.

I'm here at the park, crying because my boyfriend left me to be with his bestfriend. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong sakit, para bang unti unting dinudurog ang puso ko.

Nakaupo lang ako sa bench, habang iniisip kung anong meron sa bestfriend niya na wala ako.

"Hi Miss, okay ka lang ba?" Napatingin ako sa nagsalita, naupo siya sa tabi ko.

"Mukha ba akong okay?" Pagtataray ko sa kanya, nagpunas naman ako ng luha ko.

"Sorry na, anong nangyari sayo?" Tanong niya ulit. Nakatingin lang ako sa kanya, sabi nila mas better daw kung sa stranger ka maglalabas ng sama ng loob.

"Iniwan ako." Dahil sa isiping 'yon ay nalungkot na naman ako.

"Nino? You want to talk in private?" Napatingin ulit ako sa direksyon niya.

"Ayoko, baka may gawin kang di maganda. Hindi pa naman kita kilala." Tatayo na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Wala akong gagawin sayo, you need someone who wants to listen. Andito ako." Dahil sa sinabi niya ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Halika na, may alam akong place kung saan mo mailalabas ang saloobin mo." Hindi na ko nakasagot pa ng hilahin niya ang kamay ko.

Hinayaan ko na lang siya dahil wala na rin naman akong lakas para pigilan siya. Tumigil kami sa harap ng isang itim na sasakyan.

"Sakay na. I'm sure magugustuhan mo sa pupuntahan natin." Nakangiti niyang sambit ng buksan niya ang pinto ng kotse.

Tinignan ko siya ng may pagtataka, pero nginitian niya lang ako. Sumakay na lang ako dahil gusto ko sa tahimik na lugar, kung saan makakaiyak ako.

Nagmaneho na siya at tahimik lang kami sa byahe, nakatuon ang atensyon ko sa labas. Ang ganda dahil puro puno ang nakikita ko.

"Malapit na tayo." 'Yun lang ang sinambit niya bago kami umakyat sa isang burol. Stranger siya kung tutuusin, pero napagaan niya ang loob ko sa simpleng pagdala niya sa'kin dito.

Huminto ang sasakyan sa tuktok ng burol, bumaba siya at binuksan ang pinto sa tabi ko. Inilibot ko muna ang paningin ko sa buong paligid.

"You can do anything you want here." Nakangiti niyang sabi, habang nakahawak sa pinto ng kotse.

Bumaba naman ako at agad na dumampi sa mukha ko ang malamig na hangin. Napaka-ganda at napaka-tahimik. Kakaunti lang ang bahay na makikita mula dito sa taas.

"Heto lobo." Nagtataka ko siyang tinignan ng bigyan niya ko ng lobo.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

"Ilagay mo lahat ng sama ng loob mo diyan, tapos paliparin mo." Paliwanag niya. Inirapan ko naman siya bilang sagot.

"Ayoko nga, baka mamaya may pampatulog na nakalagay dit--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maglabas din siya ng isa pang lobo.

Naglakad siya sa di kalayuan at doon ay hinipan niya ang lobo, nang matapos siyang magpalobo ay tumingin siya sa'kin.

"Try mo, nakaka-gaan ng loob." Nakangiti niya pa ring sambit.

Naglakad ako palapit sa kanya, nang makarating ako sa tabi niya ay ginaya ko ang ginawa niya. Hinipan ko ang lobo, pumikit, at binigay doon ang lahat ng sama ng loob ko.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now