Prologue

209 9 3
                                    

ALMOST A HAPPY ENDING

[Brielle's]

"Please welcome, the author of Almost a Happy Ending. Ms. Brielle Cardova!" Narinig ko ang palakpakan ng mga audience.

Naglakad na ako palapit sa MC, ngumiti ako nang makita ko ang mga taong sumusuporta sakin.

"Hi everyone! This is your cutest author, just kidding. Masaya akong nakapunta kayo sa book signing ko." Tama, nasa book signing ako. Book signing ng sarili kong libro.

"Dahil maraming curious sa likhang mga libro ni Ms. Brielle. Habang siya ay pumipirma, isasalang natin s'ya sa hot seat." Sambit ng MC na lalong nag-paingay sa audience and supporters ko.

Nagsimula ang book signing, ilang minuto ang lumipas ay nagsalita muli ang MC.

"Ang hinihintay ng lahat. Ms. Brielle, ano ang inspiration mo sa pagsusulat?" Panimulang tanong nya.

"Self experience. Lahat tayo ay maaaring makapagsulat sa pamamagitan ng sarili nating karanasan." Sagot ko. Nagpalakpakan naman ang mga taong andito ngayon.

"Maraming salamat Ms. Brielle. Ngayon ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon, who wants to ask questions?" Madaming nagtaasan ng kamay, agad namang namili ang MC.

"Hi po Ate Brielle. Kung ang inspiration nyo po ay self experience, ibig sabihin po ba noon ay nangyari na sa iyo ang mga laman ng librong sinulat nyo?" That question hits me so hard.

"Yes, pero hindi lahat." Safe na sagot ko.

"Ate last na po, bakit nyo po naisulat ang Almost a Happy Ending? Ano pong pangyayari ang naganap, at nalikha nyo sila Alyana at Bryle?"

---

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz