19 : Her Past

21 2 0
                                    

[Sirene's]

"Ano ba naman 'yan! Sinabi ko sayo diba na ingatan mo ang anak ko! Pero anong ginawa mo? Kung masamang tao ang nakakuha sa kanya, ano nalang mangyayari?"

Sigaw ko sa yaya ng anak ko, ilang beses na siyang gumagawa ng kalokohan pero hindi ko siya matanggal. Si Lance ang kumuha sa kanya, kaya naman wala akong magawa.

"Pasensya na po Ma'am, humingi na rin po ako ng pasensya sa babaeng nakakuha kay Laurence."

Sinensyasan ko siyang umalis at agad naman niyang sinunod 'yon. May mas kailangan pa akong isipin kaysa sa ginawa niya. Nang makita ko si Tyler kanina ay bumalik ang lahat, lahat ng nangyari 6 years ago.

***

"Hey, Tyler. Nakabalik ka na pala, kailan ka pa nandito sa Pilipinas?" bati ko kay Tyler nang makita ko siya dito sa Luna Bar.

"I'm good, how 'bout you? Kumusta ang buhay may asawa?" natatawa niyang tanong.

"Not good, hindi niya man lang maibigay ang gusto ko." napairap naman ako. Kahit kailan ay hindi niya pa ako ginalaw, I know Lance's gentleman pero I'm his wife. I still need that thing.

"Sad for you." sambit niya at uminom. Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak ang baso na may lamang tequilla.

Napa-isip nalang ako habang umiinom at nakatingin kay Tyler. What if, naging kami noon? Ano kaya kami ngayon? Hmm.. minahal ko rin naman siya noon, but I know Lance's still the one I love that time.

"You know what? I'm mad at you, I know how much Lance love Brielle and I know how much spoiled you are." napa-iwas ako ng tingin.

"Since then, Lance is the only guy who never falls in love with me. Maybe that's the reason why I fall deeper for him. Ang sabi nila, mas minamahal mo ang tao, kapag ayaw sayo." napatawa na lang ako sa mga sinabi ko.

"Yeah, kaya mas lalo kong minamahal si Brielle." napatingin ako sa kanya.

"So, you two are together? Hmm... that's interesting." I can see that Tyler is already drunk, while I'm a bit tipsy.

"Yeah, I've been with her for years." tumango tango naman ako. Ilang oras pa kaming nag-kwentuhan at nag-inom, nakasakay ako ngayon sa kotse ni Tyler at inaantok na. Kaya naman hinayaan ko ang sarili kong kainin ng kadiliman.

UMAGA na nang magising ako, napansin ko ang amoy ng katabi ko at alam kong hindi 'yon ang asawa ko. Agad akong napa-upo at nilibot ng paningin ang paligid.

Napadako ang tingin ko sa lalaking katabi ko... si Tyler. Agad akong napatingin sa katawan ko, nang makita kong wala akong suot na kahit ano ay nagpanic na ako.

"Tyler! Wake up!" agad kong niyugyog ang taong katabi ko. Agad din naman siyang nagising at napatingin sa akin.

"Wtf? What happened? Ughh!" napahawak siya sa ulo niya at agad na kinuha ang tshirt niya sa lapag.

"I don't know! Omayghad!" hinila ko ang kumot at agad na pinulot ang aking mga damit, dumiretso ako sa cr at doon nagbihis.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas, nang makita ko siya ay nakabihis at naka-ayos na rin siya.

"I assumed may nangyari sa'ting dalawa. I'm willing to take responsibilities, if ever na may mabuo." diretso niyang sambit, napatingin naman ako sa kanya.

"No, I'm safe. Just don't tell anyone about this. This will ruin the both of us." tumingin siya sa'kin at para bang sinasabi ng expression niya na hindi siya makapaniwala.

"Ok fine, aalis na rin naman. Babalik na ako sa Korea, kaya naman wala kang dapat ipag-alala." kinuha ko na ang bag ko at naglakad palapit sa pintuan.

"Have a safe flight."

I know what we do is a sin, but both of us likes it. Hindi namin pinilit ang isa't isa. Alam kong kapag nalaman ng pamilya ko at pamilya ni Lance ang nangyari, maaaring ilayo nila sa'kin si Lance. Kaya mas mabuti na rin na umalis na lang siya sa bansa.

FEW weeks after ay wala na akong nabalitaan pa tungkol kay Tyler, ngayon ay hinihintay ko na lamang ang asawa kong umuwi. Siguro ay nag-overtime siya sa trabaho kaya wala pa.

Theses past few weeks ay may nararamdaman akong kakaiba, may mga pagkain akong gusto at lumakas ang pang-amoy ko. Madalas na rin akong nagsusuka tuwing umaga, hindi ko maiwasang kabahan.

Kahit kailan ay wala pang nangyari sa amin ni Lance. Kaya kung sakaling nagbunga ang ginawa namin ni Tyler, malamang ay magtataka siya pati ang pamilya namin.

Kinuha ko ang nakatagong pregnancy test sa closet ko, kinakabahan akong pumunta sa bathroom at ginawa ang ilang araw ko nang pinag-iisapan... ang alamin kung totoo ba ang hinala ko.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at nakita ko na ang resulta, para akong natuod sa kinatatayuan ko... may dalawang kulay pulang linya. Isa lang ang ibig sabihin nito, buntis nga ako at si Tyler ang ama. Kailangan kong gumawa ng paraan, bago pa nila malaman ito. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, andyan na si Lance.

"Hon, bakit nga-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nakita ko siyang nakahiga na sa kama, lasing na lasing at nakapikit na ang mga mata.

"Brielle."

Kumirot ang dibdib ko dahil sa binigkas niyang pangalan. I know all these years it's still her, it's still Brielle and not me.

Agad gumana ang utak ko at nilapitan ang asawa ko, hinubad ko ang damit niya at iniayos ng higa.

"I'm so sorry, but this is the only way I can see for you to stay with me."

Hinubad ko ang suot kong damit at nahiga sa tabi niya, ito lang ang paraan para maging akin ka na talaga. Hindi ko hahayaang mawala ka pa sa'kin, Lance.

***

"A-anong nangyari?" nagising ako dahil sa boses ni Lance, nakita ko siyang nakahawak sa ulo niya at nakatingin sa'kin.

"It's obvious, Hon. We did it." I can't see happiness in his eyes, I know he's not happy with me. Wait for it, Lance. Magiging masaya ka rin.

"I'll just take a bath, I need to be at the site this morning." I sighed as he grab his clothes and go to the bathroom.

You're not a good husband to me, but atleast be a good father to my child.

EVERY morning is worst, they already know about my pregnancy and all those years I saw Lance smiled again. I knew it, he'll be happy.

Lagi na niya akong inaalagaan, kahit alam kong dahil sa anak ko lang naman kaya siya nagiging mabait sa'kin. Malaki ang pasasalamat ko sa anak ko, dahil sa kanya naramdaman ko kung paano mag-alaga si Lance.

"What do you want for dinner?" I looked at him, lagi niya akong ipinagluluto para raw mabusog si baby. Alam kong magiging mabuting ama siya sa magiging anak namin.

Kahit pa alam ko sa sarili ko, na hindi naman talaga siya ang ama ng batang dinadala ko.

***

"Sirene, where's Laurence?" napatingin ako sa asawa ko.

"Alam mo bang nawala ang anak mo? Dahil sa yayang kinuha mo?" nakita ko agad ang pag-aalala niya, napaltan din agad 'yon ng pagka-inis.

"Hindi sana siya mawawala kung nakinig ka sa'kin. Hindi ka na sana gumawa pa ng eksena sa mall kanina, sinabi ko na sa'yong hindi kami naglalandian."

Lalo akong nainis dahil sa mga sinabi niya, parang kasalanan ko pa ngayon.

"Hindi naglalandian? Nakita kong nakahawak ka sa kamay niya, anong tawag mo don? Friendly touch? Hanggang kailan ba niya aagawin ang lahat ng sa'kin?!" ayoko nang makipa-away sa kanya, pero eto na naman kami.

"Sirene, ilang beses ko bang kailangan sabihin sa'yo. Walang inagaw si Brielle sa'yo, ang lahat ng na sa'yo ay unang naging kanya. Ayokong saktan ka, pero sana matanggap mo na ang katotohanan."

Naglakad na siya palabas ng kwarto at ako naman ay naiwang nakatulala. Hindi ko pa nga rin ba matanggap ang lahat? Paano ko ba tatanggapin?

Ang naging mali ko lang naman, nagmahal ako ng taong hindi ako kayang suklian.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now