12 : Magic Hills

27 2 0
                                    

[Brielle's]

"Don't think about that again, bukas sasabay ka sa akin." May otoridad na sabi niya, habang nasa kabilang linya.

"Oo na, magpagaling ka na ng tuluyan." sagot ko naman sa kanya, narinig ko ang bahagya niyang pagtawa na nagpangiti sa akin.

"I'm feeling good, galing nang nag-alaga sa akin eh." napairap naman ako sa sinabi niya. "Sus, nambola pa. Matulog ka na." sambit ko naman.

"Good night, Brie!" masigla niyang bati sa akin. "Good night din." pinatay ko na ang call at nahiga na sa kama ko.

Akala ko ay nakalimutan ko na 'yon, pero hindi pa rin pala. Kahit pala hindi ko pansinin ay manunumbalik pa rin ang nakaraan, ang ginawa ni Tyler sa akin.

Ilang oras pa akong nagmuni-muni bago tuluyang makatulog, at sa pagtulog kong 'yon ay si Lance ang kasama ko sa panaginip.

***

"Bri? Anak? Gising na, andito na si Lance." nagising ako dahil sa boses ni Mommy, kaya naman agad na akong bumangon at binuksan ang pinto.

"Ang aga naman po niya, pakisabi po maliligo at mag-aayos lang ako." nakangiting tumango naman si Mommy at naglakad na ulit pababa sa sala.

Ako naman ay nagumpisa nang maglinis ng kama, nang matapos ay kumuha na ako ng towel para magsimula nang maligo.

Bago pa ako makapasok sa bathroom ay may kumatok na naman sa pintuan ko.

"Mom, maliligo na ako." sambit ko, nagtaka naman ako na walang sumagot kaya lumapit nalang ako sa pinto at binuksan ito.

"Hi? Good morning!" tatawa tawang bati ni Lance, nakatingin lang ako sa kanya at sa suot niya.

"Bakit hindi ka naka-uniform?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin.

"Maaga pa naman eh, nagpunta lang ako dito para icheck ka. Nag-aalala kasi ako sayo." napangiti ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba naman, sabi sayong ok lang ako eh. Sige na magprepare ka na." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige, babalik nalang ako mamaya ah," sambit niya. Tumango naman ako, hinintay ko siyang makababa bago isara ang pinto at pumasok sa bathroom.

"Ang lalaking 'yon talaga." Napapailing na sambit ko.

NATAPOS akong maligo in less than 15 minutes, hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali. Nagbihis na ako ng uniform at naglagay ng light make-up.

"Bri, Apo? Naka-handa na ang umagahan." napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Lola Eli. Agad akong tumakbo palapit sa pinto at binuksan 'yon.

"Lola!! Namiss po kita!" niyakap ko siya ng mahigpit, nagkaproblema daw kasi sa kanila kaya ngayon lang siya naka-uwi dito.

"Ay nako, ikaw talagang bata ka. Halika na at hinihintay ka na ng Mommy at Daddy mo." nakangiti niyang sambit, kaya naman bumaba na kami.

Ang daming kwentong nabanggit ni Lola, bago kami nakarating sa dining room. Habang papasok ay nagtatawanan kami, kaya naman nakatingin sa amin sila Mommy.

"Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ah. Halina kayo at kakain na," sambit ni Mommy. Kaya naman naupo na kami ni Lola Eli.

"Bri, kumusta ang pakiramdam mo? Sinabi sa akin ng Mommy mo ang nangyari sayo." napatingin ako kay Daddy.

"Ok na po ako, Dad. Hindi naman po sinasadya na naisara ung pinto," sambit ko. Hindi ko sinabi kay Mommy na si Tyler ang kasama ko nang makulong ako sa stock room.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now