18 : Missing

24 2 0
                                    

[Brielle's]

"Now, tell me. Sino siya?" nakatingin lang ako kay Isabella habang naglalaro.

"She's not yours." diretso kong sambit. I know it's obvious that he's the father, but I don't want to ruin his family.

"Really? Akala mo ba papaniwalaan ko 'yan?" tumingin ako sa kanya ng seryoso at walang emosyon.

"Do you think I'm joking?" I laughed sarcastically. "It's up to you, if you will believe it or not."

Tatayo na sana ako, pero hinawakan niya ang kamay ko. I looked at him.

"Don't touch me, ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo 'yon?" agad naman siyang bumitaw.

"Lance!" napatingin ako sa sumigaw, it's Sirene.

"Kanina ka pa hinahanap ni-- ohh, look who's here! The ex!" hindi ko na siya binigyan pa ng pansin, at lumapit na kay Isabella.

"Sweetie, playtime is over. Let's go home na? Tito Tyler, bought plenty of choco mucho." agad kong nakita ang ningning sa mata niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, at naglakad na palampas kila Lance at Sirene.

"Hey! Sino ka para layasan ako?"

Umupo ako at pumantay sa anak ko. Nginitian ko siya kahit nakikita kong naguguluhan na siya.

"Stay at the waiting area, baby. Mommy will just talk to her ok? I love you. Stay there." agad namang tumakbo ang anak ko papasok sa waiting area.

"What do you want?" walang emosyon kong tanong.

"Sirene, stop making scenes. Let's go."

"No! Why would I stop! Nakita ko kayong naglalandi--"

"Excuse me, hindi kami naglalandian. Kung ayaw mong mawala sa paningin mo 'yang asawa mo! Itali mo sa utak mo, baka magkalaman pa 'yan." pagputol ko sa sasabihin niya, nakita ko naman ang pamumula niya. Nakaka-agaw na rin kami ng atensyon.

"Brielle, let's go. Isabella is hungry." napalingon ako, nakita ko si Tyler sa likod ko hawak ang anak ko.

Nginitian ko sila at tumango, hinarap ko ulit ang babaeng nasa harapan ko. Kita ko ang pamumutla niya habang nakatingin kay... Tyler?

"Stop bothering me. I am not the old Brielle before, na natatapak-tapakan n'yo. Beware, malay mo ikaw naman ang tapakan ko." nginitian ko siya ng matamis, humarap na ako sa anak ko at hinawakan ang kamay niya para umalis.

"Mommy, she's the wife of Mr. Mercado right? Bakit inaaway ka niya?" napatingin ako sa anak ko, I don't know what to say.

"Because mommy is much more beautiful than her. 'Yun ang reason kung bakit inaaway niya si Mommy mo." natawa ako sa sinabi ni Tyler.

9 years ago nang sumunod si Tyler sa'min sa Korea, 6 years ago nang bumalik siya dito sa Pilipinas. Si Isabella naman ay 4 years old na noon, after 3 years ay bumalik siya ulit para doon na tumira kasama namin. Nang mapag-pasiyahan ko nang umuwi dito sa Pilipinas ay sumama na rin siya sa amin.

Malaki ang pasasalamat ko kay Tyler, isa siya sa naging sandalan ko noong mga panahong akala ko ay hindi ko na kaya. Nagiguilty lang ako dahil hindi ko maibigay ang kaisa-isang gusto niya, ang magkabalikan kaming dalawa. Alam niya na si Lance pa rin ang laman ng puso ko, kahit alam namin na hindi na pwede pa.

"Brielle? Saan tayo kakain? Tulala ka na naman, kanina pa kami nagtatanong ni Bella." napatingin ako sa kanilang dalawa at bahagyang natawa.

"Kung saan gusto ng Baby ko, doon tayo." agad naman kaming hinila ni Isabella papunta sa Jollibee, as usual in her favorite again.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now