20 : Light in the Darkest Night

19 2 0
                                    

[Brielle's]

"Mommy! Mommy! Wake up!! Nakatulog ka na naman po sa table mo, sabi ko naman po sa'yo no work na po kapag gabi na ehh." nagising ako dahil sa ingay ng anak ko.

"Baby, kailangan ko na ipasa ang manuscript ko para mapublish na. Ayaw mo ba 'yun? May new story ulit si Mommy." nakangiti kong paliwanag sa kanya. Tango lang ang sagot niya sa akin.

"Halika na, Mommy. Tito Tyler and Me prepared the breakfast for you po." excited na sambit niya habang hinihila ako patayo.

"Really? O siya sige na, halika na sa baba." sabay kaming lumabas sa kwarto at bumaba papunta sa dinning room.

Nakita ko naman doon si Tyler na nag-aayos ng mga plato at kutsara, nagthumbs up pa ito sa anak ko at ang anak ko maman ay ngumiti sa kanya.

"Mukhang may ginawa kayong dalawa ha, nakoo. Tigilan nyo ang kalokohan, may trabaho pa ako." sabay naman silang humagikhik, ang dalawang ito talaga.

"Mommy, I want to go to the magic hills." napatingin naman ako sa anak ko, at nalipat kay Tyler.

"Ikaw ang nagsabi sa kanya ano? Sabi ko naman sa'yo wag kang magkwento ng kung ano ano sa kanya eh." tatawa tawa naman ang loko.

"Ang sabi po ni Tito may alam kang place na super ganda, tapos ang tawag po doon ay Magic Hills. Mommy I wanna go there po, pleaseee." napailing nalang ako habang nakatingin kay Tyler.

"Ok baby, let's go there later. Tatapusin lang ni Mommy ang work ok? Gabi tayo pupunta doon, para mas maganda ang view." nagtatalon naman ang anak ko dahil sa tuwa. Napangiti nalang ako dahil kahit papaano ay napapasaya ko pa rin siya.

NAKAHARAP ako sa laptop ko ngayon at pinipiga ang utak ko, kung kailan nasa epilogue na ako ng storya saka naman wala akong maisip na maisulat.

"Kung hindi mo kayang tapusin, wag mo na pilitin." napatingin ako sa taong nagsalita, si Tyler.

"Double meaning eh?" natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hindi mo naman kailangan tapusin, kung hindi mo kaya at hindi mo gusto. Just go with the flow."

Napa-isip ako sa sinabi niya, binalik ko ang paningin sa laptop kong naghihintay.

"May mga bagay pa rin na kahit ayaw mo tapusin, kailangan dahil alam mong 'yun ang makakabuti." nakangiti akong nagtype, matatapos ko na rin.

"Ano palang title n'yan? Mukhang ilang buwan mong pinagpuyatan ah." naupo siya sa kama ko at nakatingin sa'kin.

"Light in the Darkest Night." tipid na sambit ko.

"Patingin nga ng story description." kinuha ko naman ang notebook at ibinigay sa kanya.

"Woah, gamit mo pa rin 'to? Ilang taon na 'tong na sa'yo?" napatingin ako sa kanya at sa hawak niyang notebook.

"11 years, mas matagal pa ata kaming magkasama niyan kesa sayo." tumatawa kong sambit. Pinagpatuloy ko naman ang pagtatype habang si Tyler ay hinahanap ang story description ko.

"Alpheus, siya ang pinaka-walang kwentang tao sa buong mundo. Lahat ng mali niya pinupuna ng lahat ng tao, kaya naman lumaki siyang rebelde at hindi nagpapakatotoo. Hanggang sa nakilala niya si Dhalia, ang akala niya ay puro kalokohan at kasiyahan nalang ang mararanasan niya. Hindi niya alam na si Dhalia pala ang magsisimulang magpabago sa demonyo niyang puso. Paano kung ang totoong Alpheus ang makita nila? Maniniwala kaya sila? O iisiping isa na naman ito sa kalokohan niya. Paano kung ang sinasabi niyang Dhalia, ay imahinasyon niya lang pala?"

"Woah, this is good. Bilisan mo, I wanna read it na." natawa ako sa reaksyon niya. Ganyan din ang sinabi niya noong nabasa niya ang story description ng Almost a Happy Ending, alam niya na isa siya sa karakter doon at mas ikinatuwa niya pa 'yon.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon