15 : Into Pieces Again

22 2 0
                                    

[Brielle's]

It's been a month, maraming naging problema pero lagi naming nalalagpasan. Masaya ako dahil hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa rin siya.

"Lance, I want to tell you something." nakangiti kong tawag sa kanya.

Andito kami ngayon sa Magic Hills, naupo ako ng maayos at hinintay siyang maupo sa tabi ko.

"Ano yon?"

"Alam kong ayaw mo na minamadali ang lahat, pero Lance. Sigurado na ako. I want to be with you." lumabas ang ngiti sa kanyang labi.

"Brielle, I also want to be with you. Ayokong madaliin ka, kaya naghihintay ako hanggang sa araw na maging handa ka. Sa mga sinabi mo ngayon, mukhang pwede ko nang itanong ang tanong na matagal ko ng gustong marinig ang sagot. Brielle Cardova, can you be my girlfriend?"

Hinawakan ko ang pisngi niya, nakatingin lang ako diretso sa mga mata niya.

"Yes, I want to be your girlfriend." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Finally! I can call you mine!" napangiti ako dahil sa pagsigaw niya. Ramdam ko ang sayang nararamdaman niya ngayon.

"I love you, Brielle."

"I love you too, Lance."

We both smiled at each other. He kissed me at my forehead. Tinitigan ko siya sa mata, nakikita ko na siya ang makakasama ko sa susunod pang mga buwan at taon.

***

"Bryle and Alyana, alam nating lahat na tumagal sila ng isang taon." tahimik lang ang mga taong andito ngayon, alam kong alam na nila ang kwento. Ang hindi lang nila alam ay ito ang kwento ng buhay ko.

"Ate Brielle, may balak po ba kayong gawan ng book 2 ang Almost a Happy Ending?"

"Sa ngayon, wala pa sa plano ang gawan iyon ng pangalawang parte." nakangiti kong sagot sa tanong niya.

"Maraming salamat sa lahat ng nagtanong! May gusto ka pa bang sabihin Ms. Brielle?" nakangiting tanong sa akin ng MC sabay abot ng mic.

"Maraming salamat sa lahat ng pumunta, alam kong lahat kayo ay may kanya kanyang kailangan gawin. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa inyo, sa supporta at effort. Mahal na mahal ko kayo, at siguradong pati si Alyana at Bryle ay masaya rin."

Natapos ang event, maraming nagpapicture at nagapproach. Lahat naman sila ay inentertain ko, ang saya lang dahil ang daming tumangkilik sa aking akda.

"Yes, Baby. Pauwi na ako, just wait for me ok? I love you." Hawak ko ang cellphone ko at kausap ang inspirasyon ko. Agad kong pinatay ang tawag, nang makita ko na ang kotse ko.

Hinanap ko ang susi sa bag ko at nagtuloy tuloy sa paglalakad, natigil lang ako dahil may hindi sinasadyang nabangga ako.

"Pasensya na po." nagbow na sabi ko, nakuha ko na ang pagbow ng mga Koreano sa tuwing humihingi ng paumanhin.

"Brie?"

Nang marinig ko ang boses na 'yon ay parang bumalik na naman ako sa nakaraan, kung saan bigla niya nalang akong iniwan.

***

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop, hinihintay si Lance dahil may importante raw siyang sasabihin. These past few days, napapansin kong nagbabago ang ugali niya. Lagi siyang busy, minsan naman ay laging wala sa bahay nila. Nag-aalala na ako dahil baka kung ano na ang nangyayari sa kanya.

"Brielle."

Wala akong sayang narinig mula sa kanya, nawala ang ngiti sa labi ko. Naupo siya sa harap ko at diretso akong tinignan sa mga mata ko.

Almost a Happy Ending [PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING]Where stories live. Discover now